Chapter 25

44 1 0
                                    

"Welcome to the place where family is the most important among all" maligayang pagbati sa amin ng guide dito sa resort.

Marami pa itong sinabi tungkol sa lugar at kung ano ang mga pwedeng gawin at mga kainan at mga place na magagandang pagtambayan at mga kung ano ano pa. After that ay inihatid nila kami sa aming villa na iisa ngunit malaki ito at siguro naman ay sakto ito para sa aming anim. Hindi na kami maghihiwahiwalay ng villa kasi family naman kami and we're going to have quality time for each other.

"This would be fun" puri ni Kuya Jayl.

"Oo nga lalo pa at libre" sabi naman ni Kuya Khyil, mukhang libre talaga ang isang ito.

Nilagay na namin ang mga gamit sa isang kwarto at mukhang closet ito. Nagkanya-kanya na kaming lagay ng mga gamit mula sa mga bags at kanya kanya rin na cabinet at sakto iyon para sa anim.

"What a great choice of place" masayang puri ni Ate Jennel.

Maganda naman nga dito lalo pa nang sinabi lahat ng guide namin kanina ang mga places pa dito na nakakaakit talaga. Ang galing naman ng may-ari nito pinaghandaan talaga at siguro masaya ang family nila kaya they share this for the people who wants to have a quality time for family ang galing magisip ng ideas.

Nang makatapos na kaming lahat sa mga dapat gawin ay nagtungo kami sa restaurant ng resort. We ordered so many foods dahil hindi namin alam kung anong pipiliin dahil mukhang masarap lahat ng pagkain dito. Nakahain na ang pagkain at nagsimula na kaming lahat kumain.

"Taste good" puri ko rin at tumango tango pa. Kinakain ko ngayon ay isang sweet and sour shrimp na spicy at masarap talaga ito.

"Yeah they also have a good cuisine" sabi naman ni Kuya Jais.

Sawi pa rin yata ang isang ito buti na lang at natuloy itong retreat namin at siguro para na rin ito sa kanya para naman makapag-unwind siya sa nangyari. Kaunting information lang talaga ang alam namin about sa pagiging sawi niya kasi even daw kila Kuya ay hindi nito kinukwento kung anong nangyari.

-"What happened to him?" tanong ni Papa sa amin.

"We don't know the story, but one thing's for sure... he is broken right now" sagot ni Kuya Veinss.

"Yes, Tito, he really is" segunda pa ni Kuya Jayl.

Kawawang Kuya Jais naman.

Nabungaran kasi kami nila Papa at Mama na magkakasama dito sa living room except Kuya Jais na tulog na tulog na sa guest room dahil sa kalasingan. Nang tanungin niya naman kung nasan si Kuya Jais ay kaagad naman sinamahan nila Kuya si Papa para makita ang kalagayan ngayon ni Kuya Jais.

What really happened to him?-

Hindi naman nangialam sila Papa or kaya sila Tito about sa nangyari kay Kuya Jais but they told us to be cheerful and supportive kay Kuya Jais para mabilis itong maka-move on sa kung ano mang nangyari sa kanya.

After all, nag-yaya na sila Kuya na libutin itong place it's already 6:00 PM at sunset na kaya ang ganda ng lighting dito lalo pa at medyo mataas ang lugar dito. Dala naman ni Ate Jennel ang kanyang DSLR kaya nagpicture-picture pa kami sa bawat magagandang spot. Wala kaming dalang mga cellphone dahil iniwan namin iyon sa villa namin, we can't use it until 8:00 PM para naman daw hindi palaging nakatutok sa cellphone, kaya nga raw kami nandito para sa quality time especially when it comes to conversations sabi nila Kuya. I wish sa sunod namin punta dito ay kasama na mga parents namin para mas lalo pang masaya.

"Wow may open movie theater" sabi ni Ate Jennel.

"Opens at 7:30 PM" pag-basa ni Kuya Jais sa naka-paskil na note.

I Love Him, It HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon