Chapter 24

40 2 0
                                    

"Where we going ba kasi?" tanong ni Ate Jennel kila Kuya.

Sinundo kasi nila kaming dalawa at pupuntahan namin ang nasabing lugar na pagdadausan ng aming vacation, lakas namin makaretreat eh kami lang namang anim ang naroon.

Mahalaga kasi sa family namin ang time for each other, kahit sobrang busy nila sa company ay kailangan pa rin ang time kagaya nga nitong vacation na ito, nagawa na namin ito last year pero dalawang araw lang iyon at dinaos lang namin iyon sa rest house nila Tito Khin.

Hindi basta sumasama ang mga parents namin kasi sila naman daw ang bahala sa kompanya lalo pa ngayon na malapit ng maayos lahat ng papeles para sila Kuya na ang mag-handle nito.

"My friend suggested this resort na pagaari nila and I think na maayos naman duon at maganda so let's see" sabi ni Kuya Jayl.

Saktong ala-una ng hapon kami nakarating sa nasabing resosrt. Maganda dito at feel na feel ang fresh ambiance mula sa paligid, sobrang lawak nito at ang ganda ng mga landscape halos mapangiti ako sa mga nakikita ko sa paligid, no internet connection at sigurado ako na pinapahalagahan ng lugar na ito ang communication ng isang pamilya.

"What do you think guys?" tanong n Kuya Jayl nang magkasama-sama na kami sa harap ng isang magandang view.

"Yeah it's so fine" sabi naman ni Ate Jennel.

"So, settled na ang ating venue for our mini vacation" ani Kuya Veinss.

Hindi na muna namin nilibot ang buong lugar para naman daw may thrill pa ang pagpunta namin dito.

Halos magdi-dilim na nang makabalik kami sa bahay nina Tito Khelve dahil sabi ni Mama ay nasa byahe pa lang sila pauwi kaya maya-maya na lang siguro kami umuwi ni Kuya.

"Sino ba ang gagastos ng lahat?" tanong ni Kuya Khin.

"Our parents syempre" sagot naman ni Kuya Jais.

"Mabuti naman pala kung ganoon" anito.

"Palibhasa napakahigpit mong humawak ng pera, napakakuripot mo pero pagdating naman sa babae ang galing galing mo magbitaw" singhal ni Kuya Jayl kay Kuya Khyil.

Natawa na lang kami, well, that's a fact.

"Says who? Eh ang mga babae pa nga ang nagbibitaw ng pera para lang sumama ako sa kanila" pagmamayabang ni Kuya Khyil.

"Stop it Khyil kung ayaw mong ikaw ang gumastos ng lahat" sabi naman ni Kuya Veinss.

"Chill, Kuya Veinss" aniya kay Kuya.

Marami pang napagusapan about sa mga anong mga dadalhin sa vacation na ito at kung ano ano pang mga important things ika nga ni Kuya Khin.

Si Ate Jennel ang taga lista ng mga pwedeng dalhin at mga pwedeng gawin while we're on the resort, pero sabi naman ni Kuya Jais ay mas maganda kapag unexpected na iyong kibang magaganap pa duon kaya naman ay itinigil na rin ni Ate Jennel ang paglilista ng mga posibleng gawin.

Gabi na nang kami ni Kuya ay makauwi sa bahay at saktong narito na rin sila Mama, nakapagdinner na daw sila kaya hindi na nagpaabala pa sa padeliver. Nagtungo na kami ni Kuya sa aming kanya kanyang kwarto, pagod na rin kasi sila Mama sa biyahe kaya siguro baka bukas na lang magusap usap tungkol sa nangyari kanina.

Bago pa man ako makapikit ay biglang nagring ang cellphone ko at si Spade itong tumatawag kaya sinagot ko rin kaagad.

"How are you, Xin?" tanong nito.

"I'm fine, how 'bout you?"

"Tired" maiksing sagot niya.

"You should sleep now, Xin, I know you have a lot of things to do even tomorrow" sabi ko.

I Love Him, It HurtsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin