Chapter 22

44 3 0
                                    

Madaling araw na at nandito na kami ngayon sa eroplano. Yeah finally pauwi na kami ng manila. It's been two weeks or more na rin since we left our house kaya nakakamiss lalo na sila Mama, Papa, Kuya at ang mga pinsan pa namin.

Magkakasama kaming tatlo nila Ate at Spade as usual. 'yong straight na last week namin sa London ay ginugol lang namin sa paglalakwatsa duon. Gala dito gala duon ang ganap bago kami umuwi ng Pilipinas.

Hindi rin naman kami nakaligtas ni Ate Jennel sa mga tawag mula sa parents namin syempre miss na miss na kami ng mga 'yon lalo pa sila Kuya na gusto na kaagad daw magbakasyon kasama kami kapag dating namin ni Ate sabi naman namin ay pagpahingahin muna kami kapag dating duon akala mo naman kasi mga isang taon nawalay sa isa't isa.

Tulog ngayon sa tabi ko si Spade at solo namang nakaupo si Ate Jennel duon sa harapan, mag-isa na lang daw siya duon kaysa naman daw maging bitter siya sa amin ni Spade. Nakahilig ang ulo ni Spade sa akin habang mahimbing siyang natutulog marahil ay napagod talaga siya. Nakakatuwang first time namin ni Spade na magtravel ng magkasama at sa London pa iyon, hindi man kami sabay nagpunta duon ay magkasabay naman kaming umuwi. Hinaplos ko ang buhok ni Spade hindi naman siguro niya ramdam dahil tulog siya.

"Nakalimutan ko ang charger ng phone ko sa hotel" napaangat ako ng tingin kay Ate Jennel hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya dito sa amin.

"Hindi naman nating pwedeng balikan bumili ka na lang siguro Ate kapag uwi natin saka buti nga at hindi phone mo ang naiwan" sabi ko.

"Sige na nga at hala sige maglambingan pa kayo d'yan" sabay talikod niya at bumalik sa kanyang kinauupuan.

Mariing gumalaw naman si Spade hala nagising yata? Pinagmasdan ko siya at unti unti rin siyang mumulat hala nagising nga.

Umayos iya ng upo at lumingon siya sa akin dahilan para magkatitigan kami at ngumiti naman siya sabay pikit ulit ng mata. Ang gwapo naman ng nilalang na 'to nakakainis, may pa beautiful eyes pa eh 'di lalo ng gumwapo.

"Too tired huh?" bulong ko sa kanya. Gising na siya alam ko lalo pa at ngumiti siya kahit pikit.

"Dreaming of me?" bulong ko pa rin sa kanya na siyang nagpamulat sa kanya at lumawak ang kanyang ngiti.

"Always dreaming of you" sagot niya at hinalikan ako sa akin noo. Buti na lang at kami lang tatlo ang tao dito sa business class ng eroplano.

"Two more hours tapos makakauwi na tayo" inform ko sa kanya. Ako lang talaga ang hindi natulog sa halos buong 17 hours na biyahe.

"You didn't sleep?" tanong niya.

Kaagad akong umiling at niyakap ko siya tapos nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya ramdam ko naman na hinalikan niya ang buhok ko at hinawakan naman niya ang braso kong nakayakap sa kanya. Hindi naman ako tutulog gusto ko lang maglambing, masama ba 'yon?

"I love you" bulong niya sabay halik ulit sa buhok ko.

"I love you" pabulong ko ring sabi.

We stayed that position hanggang sa lumapit na naman si Ate Jennel sa amin kaya umayos na kami ng upo ni Spade napairap naman si Ate, bitter niya ngayon ah.

"Nasa bag mo yata, Veniss 'yong charger ko" sabi ni Ate kaya kaagad kong kinuha ang korean style bag pack ko at hinalungkat iyon at may nakita akong dalawang charger kinuha ko iyong isa at pinakita sa kanya.

"Ito ba?" tanong ko.

"Yeah akin nga 'yan" masayang sabi niya at kinuha na iyon sa kamay ko at nagpasalamat bago siya bumalik sa kinauupuan niya hindi na naman niya siguro naasikaso ang kanyang mga gamit ng maayos.

I Love Him, It HurtsWhere stories live. Discover now