2 - The Mysterious Case Of Monalisa Sebastian

2.8K 132 6
                                    

"Sigurado ka bang credible yung nakausap mo? Alalahanin mo, muntik ka nang maging hostage noon dahil sa false tip na natanggap mo," nagpatuloy sa pagsasalita ang boss kong si Mr. Douglas Freeman habang inaasikaso ko ang mga gamit sa desk ko.

Inilagay ko sa isang maleta ang mga kailangan kong dalhin para sa isang mabilisang biyahe sa bayan ng Wichita. Siguradong kahit na magtagal ako ro'n ay may maisusulat naman akong article na malaman-laman ang contents at siguradong magugustuhan ng mga readers.

Tungkol naman sa false tip na nabanggit ni sir. Nangyari 'yon nang may isang whistleblower ang nagsabi sa akin na may alam siyang sikreto galing sa isang politiko na mainit sa mata ng publiko noong kasagsagan ng eleksiyon. Siyempre tungkol ito sa pulitika kaya agad akong kumagat para makuha ang scoop.

Nagkita kami ng whistleblower sa isang fastfood chain and it turns out that he's an obsessed psycho na gusto lang akong makita. I admit I have the looks, the brain, but I don't have the cunning mind. That's why I was not hardly surprised of his reasons. Mabuti na lang at kasama ko sina Marco at Samantha kaya hindi ako naging hostage ng lalaking 'yon.

I didn't bother asking for his name that's why I tried forgetting about him. Isa lang siyang failure sa career ko at isa na ring lesson para hindi na ako tumanggap nang tumanggap ng tips basta-basta. That was a nightmare, but an unforgettable lesson in my career..

And here I go again, going for a trip to taste the tip. Smooth.

"Angel," tinawag ni sir ang pangalan ko kaya napalingon na ako sa kaniya. "Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? Tandaan mo, isa ka sa mga nakalinya para maging featured journalist sa ating news channel. If something bad happens to you, all of your hardships will be in vain. Malapit mo nang marating ang narating ng mama mo, sayang naman kung dahil lang dito, mawala lang ang lahat?"

I sighed upon hearing what he said. Ayun na nga e, nakalinya ako sa mga susunod na mafi-feature na mga journalist. I need something to write for a good entrance. Kapag kasi nakilala ako sa media, siguradong tataas ang credibility ko sa mga viewers.

At kung sakaling buhay lang si mama ngayon, siguradong sasabihan niya pa ako na gawin ko 'to para sa kinabukasan ng career ko. She's a very supportive mother. She would let me do what she would think is the best for me.

"Salamat sa concern sir. Pero ito na yung big break ko. Nararamdaman kong kapag naisulat ko ang article na 'to, siguradong mas maraming makakakilala sa akin bilang mahusay na manunulat sa larangan ng pagbabalita," sambit ko sa pinakamagalang na paraan na mayroon ako.

Kahit na magkaibigan ang turingan namin ni Sir Freeman dahil sa tagal na naming magkakilala, propesyonal naming itinuturing ang isa't-isa sa loob ng trabaho. What we have inside is different from the world we have outside. We're friends but he's my boss at this moment.

Napabuntong-hininga rin si sir Freeman. "Wala naman akong planong pigilan ka sa gusto mong mangyari. I am just here to tell you what you are putting at stake. Malapit ka nang makatapak sa tuktok. Ayaw ko lang na masayang ang lahat ng pinaghirapan mo nang dahil lang sa isang tip mula sa isang lalaking nakatira sa Wichita. That's it."

I smiled. "Again, thanks for your concern. Naiintindihan ko naman ang ipinupunto mo sir, pero pa'no ako aangat nito kung hindi ko ihahakbang ang mga paa ko? I need to step up," I continued packing. "Walang mangyayari kung hindi ko susubukan."

"Okay, kung hindi ka talaga magdadalawang-isip na ipagpaliban ang plano mo, sabihin mo na lang kung anong mga kailangan mo at ibibigay ko sa'yo," sambit ni sir Freeman.

Umiling ako. "All set na ang mga kakailanganin ko. I have my cameras, my memory cards, my laptop, voice recorder, at hawak naman nina Samantha yung iba. Pero kung sa pera, baka kailanganin namin ng allowance. Balak ko kasing mag-stay do'n para isulat ang lahat ng makukuha kong impormasyon."

Churchless TownWhere stories live. Discover now