25 - Sacra Resurrectionis

839 50 2
                                    

Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang naramdaman ko matapos marinig ang sinabi ni Margot sa amin.

She was expecting us to come?

Lahat ba ng nangyari ay umaayon sa isang plano na siya lamang ang nakakaalam?

"Inasahan ni'yo ho kaming makita?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. "P-paano ho nangyari yun?"

Ngumiti si Margot. "Hindi ko na kailangan pang magpakilala, mukhang marami na kayong nalalaman tungkol sa akin sa kung gaano karami ang nalalaman ko sa inyo. Lalong-lalo na ang sikreto ko."

Pumikit si Margot at saka biglaang umihip ang malakas na hangin na nagpasayaw sa mga dahon ng halamang nakapaligid sa amin.

The wind didn't stop just after she opened her eyes again. "Maupo kayo," Margot gestured us to sit on a bench nearby.

Doon ko na-realize na inalis ni Margot ang mga tuyong dahon na nagkalat sa upuan sa pamamagitan ng kaniyang abilidad.

"Oh my god..." napatakip ng bibig si Abby nang makita niya ang ginawa ni Margot. "Totoo nga."

Muling ngumiti si Margot. "Tama kayo. Isa akong witch. At gusto kong isiwalat ang nakaraan ng Wichita. Ang buhay na mayroon kami noon na pilit binibura ngayon ng isa sa mga kagaya namin. Walang-iba kung 'di ang mayora ng bayang ito, si Lara Sullivan."

Umupo kami nina Verm sa bench na itinuro sa amin ni Margot. Samantala, nanatili lamang na nakatayo sa bukana ng hardin si Mr. Ricardo. Tahimik ding nakikinig sa anumang sasabihin ni Margot.

Margot sat down on one of the chairs reserved for her. It was surrounded by colorful flower that I couldn't name, they looked totally different and new to me.

"Hindi na nakuntento sa paninindak at ipinadala niya ako sa isang ospital para sa mga nasiraan ng bait," lumungkot ang mukha ni Margot at bahagya itong nagpunas ng luha. "Hindi ko ikinatuwa ang mga nangyari. Wala akong laban, mahina ako kumpara sa kapangyarihang mayroon siya."

"Inusig ako ng mga taong naninirahan sa bayan na ito. Mga residenteng hindi alam ang nakaraan ng mismong bayang kanilang tinitirhan. Ayaw nilang maniwala sa katotohanan, kaya ito ang kinahantungan ko," she placed her hands on her knees. "Dito sa mental hospital nila ako dinala. At dahil dito, lahat ng mga blog na isinulat ko noong kalakasan ko pa, lahat ng iyon ay ginawa na lang nilang materyales bilang pang-aliw."

Napansin kong dahan-dahan na umiling si Abby. There's a hint of regret in her eyes, like she's getting herself enlightened, and finally accepting the fact that Margot was telling the truth.

Margot looked into my eyes. "Sa ngayon. Isang problema ang kailangan niyong solusyunan. Kailangan niyong pigilan ang masamang balak ni Lara."

"Anong plano ho?" tanong ko sa kaniya.

"Balak niyang buhaying muli ang mga witch na sinunog nang buhay noong kasagsagan pa ng Wichita Witch Trials. At para maisagawa niya ito, nangangailangan siya ng katawan ng mga babaeng may matalas na pag-iisip. At sa sitwasyon ngayon, ang mga babaeng nabiktima niya ay mga reporter, journalist, na kagaya mo," napatitig sa akin si Margot.

"Oras na may magpunta ritong journalist ay kaagad na ipinapadakip ni Lara ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad. Ang mga pulis na kaniyang hawak, ang mga taong kaniyang sinindak para tulungan siya sa kaniyang mga balakin. At oras na mapasakamay na nila ang katawan nito, doon na nila isasagawa ang sacra resurrectionis," huminga nang malalim si Margot.

"Sacra resurrectionis," bulong ko.

"Ang sacra resurrectionis ay isang ritwal nang pagkuha ng buhay ng isang namayapa na sa kabilang-buhay kapalit ng isang kaluluwa mula sa mundong ito. Buhay para sa isang buhay. Ililipat nila ang kaluluwa ng mga babaeng nakuha nila para ipagpalit sa mga kaluluwa ng mga witch na pinatay noon. At oras na mailipat na ang kaluluwa nila sa kabilang mundo, ang witch ang siyang may kontrol sa katawan na kaniyang sinaniban. Mananatili sa isipan niya ang laman ng isipan ng orihinal na may-ari ng katawan nito, ang pangalan nito, ang mga taong kilala nito, at tanging ang ugali lang nila ang kaniyang mababago," napabuntong-hininga siya. "Samantala, ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga babaeng nabiktima nila ay naliligaw sa kabilang-mundo."

Churchless TownDonde viven las historias. Descúbrelo ahora