Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko at pinagpapalo at pinagkukurot ko sa likuran si Manuel. Nakakainis siya, nakakayamot! Bakit niya nilukot ang journal entry na pagmamay-ari ni Monalisa at nagawa niya pang itapon iyon sa labas ng bintana?
Is he a cold-hearted monster? Wala ba talaga siyang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kaniya?
All he thinks about is his own good. He doesn't even care about us, or Verm, or even his own sister. Nakakapagduda na sa buong pack niya ay may pakialam siya pero ano to? Ano tong mga kilos na ipinapakita niya?
"Ba't mo tinapon?" Hindi ko sinigawan si Manuel ngunit alam kong napansin nina Samantha at Marco ang pagpipigil ko ng emosyon.
Hindi sila kumibo at nagpatuloy lang silang dalawa sa kanilang ginagawa habang sinusubukan kong alamin ang dahilan ni Manuel sa ginawa niya. It was really not what I expected for him to do. Either way, it is unacceptable!
Hindi sumagot si Manuel.
"Manuel, sumagot ka naman, bakit mo tinapon?"
Nilingon ako ni Manuel na may mapanlisik ba tingin mula sa kaniyang mga mata. "Bakit ba kasi ang kulit kulit mo? Wala ka namang dapat pakialaman sa buhay ko. Nandito ako dahil kailangan ninyo ang tulong ko para sa article ninyo, nandito ako dahil kailangan kong malaman ang nangyari sa kapatid ko. Hindi ako nandito para pakialaman mo ang relasyon ko sa mga taong nakapaligid sa akin, lalong-lalo na sa kapatid ko. Maliwanag ba?" Puno ng pagpipigil sa boses ni Manuel gaya nang kung paano ko pinigilan ang aking sarili.
Ngunit kumpara sa mga salitang binitiwan ko, ang bawat salitang kaniyang sinasambit ay punong-puno ng diin, dahilan para makita naming tatlo nina Samantha ang litid sa kaniyang noo na pumipintig nang mabilis, senyales ng galit na alam kong ayaw niyang ibunton sa akin.
Ayaw niya nang maulit ang nangyari sa kuwarto ni Monalisa kanina. He's probably taking care of his actions.
Hindi ako nakasagot. Aaminin kong nasindak ako sa mga binitiwan niyang salita. Para akong napinid sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
I could even feel my hands shaking. This is not happening, I am getting intimidated of him again.
Napatingin sa akin si Samantha at nakita niya ang nanginginig-nginig kong palad. She turned to Manuel, "Puwede ba wag mo ngang tratuhin nang ganito si Angel? Tinatanong ka lang naman niya kung ba't mo nilukot at itinapon sa labas ng bintana yung iniabot niyang papel sa iyo. Mahirap bang sagutin 'yon?"
Napangisi si Marco nang marinig niya ang mga sinabi ni Sam kay Manuel. "Tama, simpleng tanong, simpleng sagot. Ba't kailangan pang palakihin? Basic."
Umiling si Manuel. "Kung wala naman kayong matinong sasabihin, mas mabuti pa kung manahimik na lang din kayo. Problema namin to ng kasama ninyo."
"That's the point! Problema ninyo nang kasama namin. Kasama namin. Ok? Tinatrato ka namin nang maayos tapos ganito ang balik mo? You're so rude."
"Sam, calm down," hinawakan ko ang balikat ni Samantha.
But Samantha was triggered already. "Angel, nakakabastos na kasi siya. Hahayaan mo lang bang tratuhin ka niya nang ganito?"
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Verm. 'Intindihin mo na lang si Manuel...'
Tama nga siya. There's no need for us to become hostile against each other. We're here as a whole. Kung may issue ang isa sa amin sa loob ng van na ito, then there's one thing needed to be done.
"Intindihin na lang natin si Manuel, ok?" bulong ko kay Samantha. "He's stressed out. I know something about his past and it's not good."
Nagdadalawang-isip pa si Samantha kung pakikinggan niya ang mga sasabihin ko. She glared to Manuel who's not paying attention to us anymore.

STAI LEGGENDO
Churchless Town
Mistero / ThrillerA dead woman in a mysterious town... An article soon to be unfolded. #Wattys2019 winner