Chapter 4

12 3 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Nagising ako dahil sa ingay na idinulot ng alarm clock mula sa kanan ng aking kama na nakapatong sa table. Nakatulog na pala ako kagabi sa paggawa ng last chapter ng aking novel. Napatingin ako sa kanan ng aking wall para makita ang oras ngunit wala akong nakitang wall clock.

"Huh, anong oras na ba, Bakit para atang nawala ang wall clock sa room ko?" Pagtatakang tanong ko sa aking sarili. "Siguro kinuha ni Papa?" Dugtong ko pa.

Kinuha ko naman yung cellphone ko pero wala namang charge kaya bumangon ako para icharge. Mukha namang maaga pa dahil mula sa bintana ay nakikita ko na papa ultaw pa lamang ang araw. Siguro mag 6am pa lamang. Naghanda na ako ng aking sarili para sa pagpasok. Naligo na ako at pagkatapos ay bumaba na ako para magtungo ng school. Doon na lang siguro ako mag-aagahan malapit sa isang cafeteria.

Pagbaba ko sa sala ay napansin kong wala si Mama at Papa, Napansin ko din ang mga nagkalat na basura sa sala kaya nagtaka ako kung bakit sobrang kalat dito. Nag-away siguro ulit sila. Mapapansin ang ilang basag na baso na nakakalat sa salas, Hindi ko na ito pinansin at nagtungo na sa labas. Nagtaka naman ako kung bakit pati yung kotse ko ay wala sa garage.

"Siguro ginamit ni papa"

Maaga pa naman kaya maglalakad na lang ako papuntang school. Tutal naman ay malapit lang ang school at gusto ko ding maglakad na lang para maexercise naman ang katawan ko. Habang nasa daan ay tanging sa dinadaanan ko lang ako tumitingin, ilang sandali pa ay hindi ko napansin na nandito na agad ako sa aking school.

Medyo marami ng students ang nasa school kahit medyo maaga pa naman. Nagpasya muna akong pumunta sa Cr para magbawas ng likido sa aking katawan. Wala pang ilang sandali ay nakarating na agad ako sa Cr.

Ang bilis naman ng Pangyayari, wika ko sa aking isipan. Hindi ko napansin na ganoon na lang kadali akong nakapunta sa Cr kahit malayo naman kanina ang aking agwat dito. Siguro dahil na rin sa walang pakialam ako sa nasa paligid ko.

Hindi naman Malawak itong school, katamtaman lamang yung lawak nya.Dalawang building lang sya at bawat isang building ay may tigisang Restroom para sa lalaki at babae. Bale tig limang cubicles lang ang laman ng cr. Karaniwang makikitang restroom lang kung tawagin. Ang building ay may taas na anim na palapag at bawat palapag ay mayroong 10 rooms, kasama na doon ang offices and club rooms maging ang clinic.

Hiwalay naman syempre ang gym and stadium. Tapos sa gitna ng dalawang building ay ang soccer field, sa dulo ng dalawang building ay ang stadium at sa likod ng stadium ay ang gym katabi ang oval. Medyo madaming puno sa parteng dulo ng school at hilera naman sa harap ng bawat building na sa ilalim ay may ilang bench para tambayan. Maging sa dulo ng building ay may mga bench dahil doon kalimitan pumupunta ang mga students para tumambay dahil na rin sa sariwa ang hangin.

So back to reality, Nakatayo ngayon ako sa Mens Restroom at hindi pa rin binubuksan ang pinto. Ang weird lang ng paligid ngayon. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng may nakita akong isang babae na nakatalikod ngayon sa harapan ko.

Anong ginagawa niya dito, wika ko sa aking isipan. Hindi nya siguro napansin na isa itong mens room. Ngunit mas nakakapagtaka na may kasama syang mga lalaki na nakaitim. Naitulak ko naman pasara ang pinto ng hindi ko inaasahan. Kaya napalingon sya sa gawing pinto ngunit agad naman syang bumalik sa tinitingnan nya kanina maging ang mga kasama nito.

"Bugbugin nyo yan pagkatapos ay ikulong nyo sa Cr at huwag nyong papalabasin. Don't forget to destroy the lights bago nyo iwan" Wika ng babae pagkatapos ay humarap sya sa gawing pinto upang umalis na, Nagtama ang mata namin sandali ngunit nag-iwas naman sya agad ng tingin. Pagkalabas niya ng pinto ay biglang nawala ang ilaw maging ang pinto ay naglock at hindi ko ito magawang buksan.

Order of the DestinyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant