Chapter 5

11 3 0
                                    

Kenjie's P.O.V.

Hindi talaga ako masyadong nakatulog kagabi kaya wala ako sa mood ngayong araw na ito. Kahit sina Kim, Harry, Knight at Dwight ay hindi ko makausap at masabayan sa kanilang kwentuhan.

Kanina pagpasok ko ay hinila ako ni Knight. Manlilibre daw si Harry dahil noong nangyari kagabing binugbog daw ni Harry si Kim at Knight. Ganyan talaga yan si Harry kapag nakakainom ay nawawala sa katinuan, buti na lang at hindi ko gawain yun.

Pagkatapos ay may nakilala din kaming isang babae na nagkakagusto kay Harry. Jusko. Akala ko sobrang tahimik at shy hindi katagalan ay inilabas din ang kabibuhan. Jenny daw ang pangalan.

Pagkatapos ay napakinggan ko na lamang na sumigay si Dwight at biglang tumayo papalapit sa akin at hinila ako.

"Where are we going?" tanong ko kay Dwight.

"Tch, masyado silang maingay" sagot niya.

"E bakit isinama mo ako?"

"Mamaya ko na lang sasabihin at pumunta na muna tayo sa ating klase"

Sakto namang nag ring na ang bell kaya nagtuloy na lamang kaming dalawa sa aming room. Wala pa ang lecturer kaya umupo na lang muna ako sa pinaka dulong chair at si Dwight naman ay umupo sa unahan ko.

Wala pang ilang sandali ay dumating na din yung tatlo at umupo sa tabi namin ni Dwight.

"Walk out, baby" si Kim habang nakangisi kay Dwight at ipinatong pa ang kanyang kamay sa ulo ni Dwight at hinimas na parang aso.

Sinamaan naman ito ng tingin ni Dwight at inihampas sa ere ang kamay ni Kim.

"Parang ang moody nyong dalawa ah, anong meron?" Tanong sa aming dalawa ni Dwight ni Knight.

"Tch" tanging sagot ni Dwight.

"Masyado daw kayong maingay kanina" sabi ko.

"Naks naman, kanina ka na lamang nagalit sa amin e halos araw-araw ay ganito kami?" si Kim.

"Good morning class!" Nandiyan na si Teacher.

"Good morning maam!" tugon namin.

"Attendance please" si Teacher.

Iniabot naman ng isa kong kaklase ang attendance. Wala pa kaming Classroom officer kaya wala pang secretary para maghandle ng aming attendance.

"So, everybody is present for today. Sana hanggang sa matapos ang year na ito ay ganito ang makikita ko sa attendance" Nakangiting usad ni Teacher.

Impossible...

Hindi namin makakaya ang maging present lahat kami sa looban ng 2 whole semester.

Nagpapatawa siguro...

So nagpakilala yung teacher at dahil hindi ako nakikinig ay hindi ko napakinggan.

Discuss

Discuss

Discuss

Dismiss..

Next subject ay natulog lang ako, saka lang ako nagising ng mag ring ang bell.

"Okay class, we have a quiz tomorrow para sa lesson natin ngayon, Mag-aral kayo, Okay Dismiss" then sabay out ng teacher.

"Huh, quiz agad?" sabi ng isa kong kaklase.

"Wala pang isang linggo quiz agad" reklamo ng isa.

Order of the DestinyWhere stories live. Discover now