Chapter 8

7 3 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Kagabi habang kumakain ay nagulat na lamang kami ni Papa ng magtext si Knight na naka confine daw sa hospital si Ken, noong una ay hindi pa ako makapaniwala at akala ko ay nagbibiro lamang si Knight. Nagalit pa ako ng panandalian dahil masamang biro ang sinabi niya ngunit tumawag siya at doon na ako naniwala.

Stable na naman daw ang kalagayan niya ngunit kailangan nya lang daw ng kaunting oras para makapagpahinga kaya hindi pa rin gumugising.

Ayon kay Knight na sabi ni Harry ay may unknown person ang bigla na lamang pumalo ng baseball bat sa ulo ni Harry kaya daw siya na confine.

Pagkagising ko ay nagmadali na akong umalis ng bahay para bumisita kay Ken. 6am pa lang naman at meron pa akong 1hour para bisitahin si Ken.

Sa Parking Lot

Pagbaba ko ng sasakyan ay nakaabang na yung tatlo.

do_0b Ano naman kaya daw ang trip?

Napatingin na lamang ako sa kanila na parang nagtatanong kung anong pakay.

"Anong itinitingin tingin nyo?!" supladong tono ko.

Para lang silang timang na nakatitig sa akin.

Si Knight ay nakapamulsa habang nakasandal sa kanyang sasakyan at titig na titig sa akin habang blanko ang mukha. Si Kim naman ay naka cross arm tapos naka cross din ang mga paa habang nakasandal sa kanyang motor na blankong titig na titig din sa akin.

"Anong problema niyo" Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan sila ng tingin.

"WUAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" silang dalawa.

LINTES!

"Magsitigil nga kayo, may sapi na naman ata kayo E"

"Kailangan yun sa pang araw araw para hindi kaagad magka wrinkles ang mukha natin sa pag-aaral" si Knight.

"Oo nga, palibhasa daig mo pa lagi ang may regla, wuahahaha" si Kim.

"Tch!" tanging usal ko na lang. "Nag-aaral ka ba?" sarkastikong bato ko sa kanya ng salita at tingin.

"Awwtz lang ha! Wala namang personalan.Hahaha" si Knight.

"Nga pala, dumaan muna tayo kay Harry bago pumasok. We have one hour pa naman bago magsimula ang klase"

"Oo nga, plano namin na dumaan muna bago pumasok. Inintay ka lang talaga namin" si Knight.

"Dadaan lang tayo?" maang tanong ni Kim pero halata namang namimilosopo lang.

Yan na naman siya!.

"Tangengot, syempre titigil tayo sa harap niya tapos aalis na ulit, wuahahaha" si Knight.

"Ahhh" sang-ayon naman ni Kim na tumango tango pa na halata namang idinown ang joke ni Knight kay sinapok siya ni Knight.

"Awww"

"Tatawa ka dapat dun, joke kaya yun"

"HA-HA-HA, ayos na?"

"Ano pang hinihintay nyo jan?" singit ko at talagang hahaba pa itong kalokohan ng dalawa kapag hindi pinutol.

Nagkasundo na lamang kaming tatlo na doon sumakay sa kotse ni Harry.

Order of the DestinyWhere stories live. Discover now