Chapter 7

7 3 0
                                    

Kim's P.O.V.

Pagkaalis ko sa Hospital ay nagpasya akong bumalik sa school para alamin kung sino ang may gawa nito kay Ken.

'Wag lang talagang magpapaabot yun sa akin talagang ihahampas ko pabalik yung baseball bat sa kanyang mukha, manghihiram ka talaga ng mukha sa aso'

Hindi ko ipinaalam ang pupuntahan ko sa kanila at tanging sabi ko na lang ay magpapalit ng aking damit, nagbabakasakali ako na maabutan ko pa din ang gagong iyon o makahanap man lang ng trace kung saan ko siya hahanapin.

Naglakad na lang ako pabalik ng school dahil malapit lang naman.

Ilang minuto pa ay nakarating agad ako sa harap ng campus.

"Bukas ang gate" wika ko sa aking sarili.

Hindi ko na pinansin iyon at nagtuloy na ako papaloob.

"Tss. Asan na kasi ang guard? Kung kailan naman may masamang nangyari saka pa nawala ang kaltog na yun!"

Wala pang masyadong nakakaalam ng nangyari ngunit siguradong uusbong ang lahat kapag nalaman ni Tatang Fraud, ang Dean.

'Ala, bahala na bukas .sa ngayon ay kailangan ko munang mahanap ang gagong iyon.

Dumiretso ako sa aming building papataas sa aming room at nagbabakasakali na mahanap ko ang gagong iyon doon, naisip ko na dito nanggaling si Ken kanina bago nangyari ang lahat. Ngunit bigo ako ng marating ko ang aming room dahil sarado ito at nakalock.

Sinilip ko pa ang loob ng room dahil nakabukas ang bintana, hindi ko naman magawang pumasok dahil may grills, wala din naman akong gagawin sa loob.

"O, ano yun? Cellphone yun ah, Hindi kaya ay kay Ken yun"

Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Ken.

KRINGGG KRINGGG!!

"Oh, akala ko ba kinuha niya ang kaniyang cellphone, E bakit nandito pa din. Aishhh, tagal na tagal kanina tapos hindi pa din pala natuloy ang pakay. Yan tuloy napahamak ka" bulong ko sa aking sarili.

Tumungo muna ako sa guard house para kunin ang susi ngunit kaya nga wala, pumasok na ako, bukas naman ang pinto.

"Building 2,Floor 3,Room 5." bulong kong muli habang hinahanap ang susi sa nagkumpulang mga susi na nakasabit sa dingding.

"Asan ka na ba!" mahinang bulong pa din na may halong inis dahil hindi ko mahanap hanap ang susi. Daming dami kasi.

"Ahhh, gotcha" tapos bumalik agad ako sa aming room.

"Sobra kasing burara kaya pati cellphone ay naiiwan"

Ang creepy na ng paligid dahil sobrang tahimik, hindi naman masyadong madilim dahil may ilang lights na bukas sa loob ng school.

Nang biglang...

HUMANGIN...

"Nayy, nakakatakot na ha, KALIKASAN, makisama ka" wika ko sa tono na parang merong awtoridad. Nag cross arm naman ako ng mahigpit dahil sa lamig.

Bumaba na agad ako ng building pagkatapos kong makuha ang cellphone ni Ken at nagpasya ng bumalik sa hospital, wala na rin naman siguro akong mapapala dito, wala ng katao-tao.

Napatigil pa ako ng kuhanin ko ulit ang cellphone ko at tiningnan ang oras.

8:00 pm.

"Bakit nga ba nandito pa ako E sa mga oras na ito ay nakataas na ang paa k-- Ayyy kabayong Palaka!" Lintek, akala ko'y kung sino ng halimaw ang tumapik sa likod ko. Si sir Juaning lang pala.

Order of the DestinyWhere stories live. Discover now