Prologue.

38.3K 708 20
                                    


Author's Note:

Under Revision: I won't change the story yung mga grammars na napapansin kong mali lang and the plots also of the story yung mali lang po yung MALI lang haha, i really want to revised this story noon pa man but i really have no time to revised it ngayon lang hehe may konti pa naman akong naalala sa takbo ng story ko na to but not all talaga pero for sure mababalik naman kapag nabasa ko ito.

I write this story 14 palang ako kaya kung mapapansin niyo ang jeje talaga haha, sa lahat ng mga nagbasa nito sa jeje days ko sorry talaga kasi sobrang dami talaga ng grammatical errors dito jusko nakakahiya!
pero ngayon aayusin kona haha.


---------

Third Person POV,

"Mahal! Pumasok kayo sa loob wag kayong lalabas ako na ang bahala dito iligtas mo ang prinsesa natin!" Sigaw ng hari na walang tigil sa paglalaban sa mga kalaban na patuloy sa
paglusob sa kaharian nila.

Samantala ang asawa naman nito ay hindi mapigilang umiyak dahil sa kalagayan ng kanyang asawa na nakikipaglaban sa digmaan na nagaganap.

Halos hindi na makita ang dating kagandahan ng lugar dahil sa mga bangkay na nagkalat at mga nasirang kapaligiran.

"Hindi Mahal! Hndi kita iiwan dito!" Sigaw ng reyna sa asawa nito na umaagos na ang luha sa mga mata nito dahil sa kalagayan ng buong palasyo at mga mamayan ng mundo nila.

"Mahal iligtas mo ang ating munting prinsesa mag tiwala ka sakin matatapos din to isipin mo ang kapakanan ng ating prinsesa ngayon" Sabi nang hari na wala paring tigil sa pakikipag laban sa kasamaan.

"Mahal ipangako mong mabubuhay ka para samin" Sabi ng umiiyak na reyna.

"Oo mahal babalik ako ng buhay sa inyo umalis na kayo" Sabi ng hari kaya wala nang magawa ang reyna kundi ang pumunta sa loob ng palasyo nito at dumeretso sa silid nilang mag asawa kung nasaan ang anak nila na mahimbing na natutulog at walang kamalay-malay sa nangyayari sa kaniyang
paligid.

"Anak hindi ako papayag na madamay ka sa digmaang ito kaya sisiguraduhin kong magiging ligtas ka. " Sabi nang reyna habang nakahawak sa mga maliliit na kamay ng kanilang munting prinsesa.

Samantala sa kabilang banda naman may isang babae na nag aalala sa kalagayan ng mahal na hari at reyna pati narin sa munting prinsesa alam nito na ang batang prinsesa ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan sa mundo ng stroam mundo nang mga makapangyarihang nilalang.

Nakita nito na pumasok ang mahal na reyna sa loob ng palasyo kaya sinundan niya ito ayaw niyang sirain muli ng demonyong kapatid niya ang mundong kinukunan ng lakas ng bawat nilalang sa mundo.

Simula ng sumama sa kadiliman ang kapatid nito ay naging sakim na ito dahil sa gustong kapangyarihan.

Nakita niyang pumasok ang mahal na reyna sa loob ng silid kaya naman ginamit niya ang kapangyarihan niyang makapunta agad sa loob ngunit nagtago lang ito sa ilalim ng lamesa kung saan nakikita niya kung panu hawakan ng mahal na reyna ang anak nito.

"Anak hndi ako papayag na madamay ka sa digmaang ito kaya sisiguraduhin kong magiging ligtas ka. " Sabi nang reyna habang may ngiti sa labi pero naputol iyon ng may biglang malakas na enerhiya siyang naramdaman at biglang sumabog ang pinto at lumabas doon ang kanyang kapatid.

Gumawa siya ng pekeng bata dahil alam niyang papatayin niya ang munting prinsesa mabilis ang kilos niyang pinalitan iyon nakita niyang lumapit ito sa kuna ng munting prinsesa

The Lost Princess and the Dragon (EDITED)Where stories live. Discover now