Dear Max,

5 1 0
                                    

*Ting*

"Students, It's already 6:30, mag sasara na ang Library"

Tumingin muna ako sa wristwatch ko at Nakita kong 6:30 na pala talaga

Tinitigan kong mabuti ang Diary sa harapan ko at sa di inaasahang pangyayari ay dalidali koi tong itinago sa bag ko

"Paalam Mrs. Adolfa" kumaway na ako skanya at dali daling tumungo papuntang parking lot at pumasok na ako agad sa kotse ko

'Whre to go?' tanong ko sa sarili ko

'Bahay? No way! That house always get on my nerve! Ayyy mali pala! Yung mga nakatira don ang problema!'

Nag mamaneho lang ako nang mapadaan ako sa isang park, may mga taong nandoon pero all in all tahimik naman

Tinabi ko na ang kotse ko at bumaba habang dala dala ang bag ko, Umupo ako sa isang swing doon at kinuha mula sa bag ko ang Diary

Tinitigan ko lang ito hanggang sa binuksan ko na itong muli

Dear Max,

Ang raming nagyari ngayong araw nato, I won the Pageant that I was FORCED to join! Everyone thinks that I'm overjoyed by this but in reality? I'm not......

JESSICA'S SCENE IN THE DIARY

"Jess! I'm sure mananalo ka" huh?

"OMYGAWDDD ang ganda talaga nilang dalwang mag pinsan" ok?

"Bakit kaya si si Jessica lang yung nag sign up?" what sign up?

"Alam naman natin na medyo boyish si Julia diba? Hindi niya trip ang mga beauty pageant" doon na napintig ang tenga ko

Ang alam ko may upcoming na pageant ditto sa school but I never signed up!

Hinila ko sa Julia papuntang Bulletin para may ma komperma

"Hoi dahan dahan lang!" sigaw ni Julia sakin

Pag dating namin sa Bulletin ay hinanap ko agad ang flyer for the upcoming beauty pageant

"No. 9 Ms. Jessica Falcon"

NO. NO. NO

"Fudge! Jess? Sumali ka?" naka kunot ang noo ni Julia habang palipat lipat ang tingin sakin at sa papel na nasa bulletin board

"No, I didn't" pilit kong kinakalma ang sarili

"Then who—fudge! It's tita right? Siya nanaman!" mahina pero may riin na sabi ni Julia

"Julia ayoko! What am I—" diko na natapos ang sasabihin ko nang makarinig ako ng malamig na boses na nag pa estatwa sakin

"Anong ayaw mo Julia??" Fuck!

"Ma? Uhm, what are you doing here? Wala po may pinag uusapan lang kami ni Julia" pilit akong ngumingiti dahil marami narin ang nakatingin samin

"Perfect Family talaga sila no?" No we're not. Gusto ko yang isigaw sa kung sino man ang may sabi non

"Good, pumunta lang ako to check on you, sumali ka pala sa beauty pageant? I'm so proud of you" lumapit pa siya sakin at yumakap. I flinched when she did that

"Owww, ang sweet mo naman Mrs. Falcon, you're so lucky to have her as your mother Jessica" sabi sakin ng Principal namin dahil sila pala ang nag uusap kanina ni mommy

"Say a word at alam mon a ang mangyayari sayo sa bahay mamaya" bulong sakin ni mommy habang yakap niya pa ako

Binitiwan na ako ni Mommy at ngumiti lang ako sa Principal

"Darling, we'll go ahead ok? Mag iingat ka" I can hear the sarcasm in her voice

Andito ako ngayon sa canteen kasama ang cousin ko na si Julia, I'ts already lunch kaya medyo marami rami rin ang tao ngayon ditto

"Couz? Kakayanin mo ba?" nag aalalang tanong sakin ni Julia

"Julie, alam mon man yung sagot diba? Mahirap, oo, nakakapagod? Oo, pero anong magagawa ko? My parents decided for me and when thet do that, which is always by the way, alam mo naman na hindi na sila mapipigilan diba?" Julia looked at me with tears in her eyes

"Jess, for once, stand up for yourself. I hate to say this pero, when will you stop being a puppet? I know you hate tgis kind of things pero di morin pinipigilan sila tito and tita!" she tried to wipe away the tears para hindi ko yun Makita, pero too late, I already did

"I don't get them, nagulat nalang tayo isang araw na kasali kana pala sa pisteng pageant nayun! And to think that they decided AGAIN, without you knowing"

"Ano naman ang bago diyan? They always decide for me" nginitian ko nalang siya to ease her

Fast Forward Max, the day of the pageant have arrived and to cut the story short? I WON. Alam mob a Max, I thought na baka through this, dahil sa pagkapanalo ko ay magiging proud kahit kaunti sila mama sakin but no......

'Julia, I'm afraid' I sent my text to my cousin

Oo, takot ako. Papauwi na kami ngayon sa bahay kasama ko sina Mom at Dad, walang Imikan and I can sense danger

I prayed na sana malayo pa kami sa bahay pero would you look at that! Nandito na kami

"I'm not satisfied" pag ka upo ko sa sofa ay yun agad ang narinig ko mula kay mommy

"I'm sorry ma" I'm sorry kahit hindi ko alam ang mali ko

"You look so pathetic up in that stage! Mas magaling pa nga yung ibang contestant doon eh! I wonder how you got that trophy? You were dumb! And the question and Answer? Hindi ikaw ang nagging Ms. Interview! It's because you were soo DUMB! Simpleng question lang dimo pa masagot ng mayos!" Ilang ulit naba ako ginaganito? Pero bakit masakit parin?

"Pero ma? I still got the crown right?" nakayuko at mahina kong sabi sa kanya

"It's not enough! It will never be! Kung sana si Audrey yung nandito edi sana I'll be the happiest mother alive!" kasabay ng mga masasakit na salitang yun ay tumungo na si Mommy sa taas

Tiningnan ko si Dad 'kampihan moko dad. PLEASE' sigaw ko sa isip ko

Pero ano bang bago? He just shook his head to say he is also dis appointed

Max, napahagolgol nalang ako nang iyak. Hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Ate Audrey ba't mo kasi ako Iniwan hahaha

Love, Jessica 

Dear MaxWhere stories live. Discover now