Chapter Three

5.3K 137 1
                                    

“SINO ka?” gulat na tanong ni Carol sa lalaking kaharap.

Matiim na tiningnan siya ng lalaki. “I'm Chancellor dela Vega.”

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Chancellor dela Vega. Saan ba niya narinig ang pangalang iyon? Napaawang ang mga labi niya nang mapagtanto ang sagot sa tanong. The man standing in front of her is Chris' brother.

“P-paano mo ako nakilala?” nagtatakang tanong niya rito.

Iniharap nito sa kanya ang isang litrato kung saan magkasama sila ni Chris. Kuha ang larawan na iyon noong nakaraang foundation day ng St. Claire. Parehas sila ni Chris na may kopya ng naturang litrato.

“You need to come with me, Carol,” mariing wika sa kanya ng kausap.

“Ha? Bakit—”

Nabitin sa ere ang sinasabi niya nang walang sabi-sabing hawakan nito ang kamay niya. Napanganga siya sa pagkabigla. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang maliit na boltahe ng kuryenteng nanulay sa kamay niya nang magdikit ang mga balat nila.

Natauhan lang siya nang hilahin siya ni Chancellor sa parking lot ng campus.

“Teka, saan mo ako dadalhin?” Huminto sila sa tapat ng isang itim na magarang sasakyan. Binuksan nito ang pinto ng frontseat at tumingin sa kanya. “Get in.”

“Saan mo nga ako dadalhin?” Kahit alam niyang kapatid ito ni Chris, hindi naman siya basta-basta sasama rito.

Lumalim ang gatla sa noo nito. “Kay Chris.”

Agad na binaha ng kaba ang dibdib niya. “M-may nangyari bang masama sa kanya?”

Halos mag-isang linya ang kilay nito. “Don't act as if you know nothing, Miss. Just fucking get in the car.”

Kumabog ang dibdib niya sa mariing boses ng lalaki. Walang imik na pumasok siya sa kotse at naupo sa frontseat niyon. Habang ikinakabit niya ang seatbelt sa sarili ay iniisip niya ang kaibigan. May nangyari kayang masama kay Chris?

Huminga siya ng malalim at sinulyapan si Chancellor na kasalukuyang nagmamaneho.

“M-may nangyari ba kay Chris?”

He slightly glanced at her. “Talaga bang wala kang alam?” Muling nagsalubong ang mga kilay nito.

“Hindi naman ako magtatanong kung may alam ako,” hindi na niya napigilan ang bahagyang sarkasmo sa sagot niya.

“Malalaman mo rin mamaya. Sa ngayon, tumahimik ka muna. Ayoko sa mga taong masyadong matanong.”

Wala siyang nagawa kundi itikom ang bibig. Tahimik na ipinagdasal na lang niya na wala naman sanang nangyaring hindi maganda kay Chris.

Pinagsalikop niya ang mga palad at sinubukang alisin ang tensiyong namumuo sa dibdib niya. Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay niya na siyang hinawakan ni Chancellor kanina. Hindi niya maintindahan ang nadama niya nang maglapat ang mga balat nila kanina. Pasimpleng sinulyapan niya ang lalaki. Ilang beses ring nabanggit sa kanya ni Chris ang tungkol sa kapatid nito. Ayon sa kaibigan, limang taon ang pagitan ng edad nito sa kuya nito. Kung gayon ay twenty eight years old na si Chancellor.

Dumako ang tingin niya sa suot ng lalaki. Nakaasul na longsleeved polo ito na nakatupi sa bandang siko. Sa kaliwang kamay nito ay kumikinang ang mamahaling relo. Bagay nga talaga itong maging cover ng magazine. Kanina, hindi niya nabigyan ng pansin ang mga bagay na iyon dahil nabigla siya sa presensiya nito. Ngayon lamang niya napagtanto na hindi basta-basta lalaki ang kasama niya ngayon.

Naalala pa niya ang isa sa mga pagkakataong napag-usapan nila ni Chris ang kapatid nito.

“Tingnan mo iyong lalaking cover ng suit and tie magazine.” Kumakain sila ni Chris ng cup noodles sa isang conveniece store nang mapansin niya ang isang magazine na nakadisplay sa stand. “Parang magkamukha kayo…”

Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now