Chapter Eight

5.7K 151 1
                                    

“UMUWI po sa probinsiya si Madame Corazon. Nanganak ho kasi ang nag-iisa niyang apo sa probinsiya.”

Nagkatinginan sina Carol at Chancellor matapos nilang makausap ang nagpakilalang assistant ni Madame Corazon. Ito ang naabutan nila nang bumalik siya sa puwesto ng matanda sa Baclaran kasama si Chancellor.

“Kailan kaya siya makakabalik?” tanong niya sa babaeng kaharap.

“Mukhang matatagalan pa ho iyon. Siya kasi ang mag-aalaga pansamantala sa bata.” Sumulyap ito kay Chancellor.

“Saan probinsiya namin eksaktong makikita ang lola mo?” tanong ni Chancellor sa lalaki.

“Bakit gustong-gusto niyong makita si Madame? Ano ba ang kailangan niyo sa kanya?”

“May importante kaming sadya sa kanya,” sagot ni Chancellor. “Sige na, miss. Sabihin mo na sa'min kung saan namin makikita si Madame Corazon.”

Akala niya ay hindi magsasalita ang assistant. Subalit nang ngitian ito ni Chancellor ay agad nitong sinabi ang lugar na kinaroroonan ng amo nito. Napailing na lang siya. Iba talaga ang dating ni Chancellor pagdating sa mga babae,

“So, pupuntahan natin si Madame Corazon sa Nueva Ecija?” aniya kay Chancellor.

Tumango ang lalaki.

“Pero iyong trabaho mo…”

Ngumiti lang ito. “Okay lang naman sigurong umabsent ako ng ilang araw. Para saan pa ang pagiging boss ko?”

Umangat ang tingin niya sa magandang ngiti ng lalaki. That smile again. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya, iyon ang laging epekto sa kanya kapag ngumingiti si Chancellor. Muntik na siyang matumba nang mabunggo siya ng nagmamadaling ale.

Mabuti na lang at mabilis na inalalayan siya ni Chancellor. Ipinulupot nito ang braso sa balikat niya. “Okay ka lang, Carol?”

Napatango lang siya sa lalaki. “O-oo.” Nanatiling nakaakbay sa kanya ang lalaki hanggang sa makarating sila sa sasakyan. Dahil doon ay halos dumoble ang kabog ng dibdib niya. Lalo pang trumiple iyon nang lapitan siya ni Chancellor at ikabit ang seatbelt niya. Nitong nakaraang araw ay hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang epekto sa kanya ng lalaki. Subalit ngayon ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng sagot. She must be in love with Chancellor.

Iyon lang ang posibleng dahilang sa mga nararamdaman niya. Hindi niya alam kung kailan niya unang nagsimulang umusbong ng damdamin niya rito. Siguro, una pa lang ay may atraksiyon na siyang nadama sa lalaki, hindi lang niya namalayan dahil wala siyang alam pagdating sa pag-ibig. Subalit ngayon ay sigurado siyang pagmamahal ang nadarama sa binata.

Alam niyang walang magiging katugon ang nararadaman niyang iyon para kay Chancellor. Kahit saang anggulo tingnan, imposibleng magkagusto sa kanya ang lalaki. Napakaimposible.

Hangga't maaari ay kailangan niyang pigilan ang maling nararamdaman sa lalaki. Subalit paano niya magagawang iwasan si Chancellor kung araw-araw niya itong kasama. At sa araw-araw na iyon ay lalo pang lumalalim ang damdamin niya rito.

“Can I ask you a favor, Carol?” kapagkuwa'y baling sa kanya ng lalaki.

Ngumiti siya rito. “Oo naman. Ano ba iyon?”

“May pupuntahan akong anniversary party mamaya. And I'm asking if you can come with me.”

Her lips parted in awe. “Isasama mo ako sa party?”

“Uhuh.”

“P-pero bakit ako?”

Bahagyang umangat ang isang kilay nito. “Bakit hindi ikaw?”

Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version) Onde histórias criam vida. Descubra agora