Chapter Seven

5.3K 148 0
                                    

“CAROL.”

Mahinang kinatok ni Chancellor ang pinto ng kuwarto niya. Isang oras na ang nakalilipas mula nang iwan niya si Carol doon. Mula kanina ay wala pa siyang naririnig mula rito.

Nang hindi siya nakarinig ng sagot mula rito ay binuksan na niya ang pinto. He found her lying in his bed, sleeping like an angel. Nakabalot ng comforter ang buong katawan nito.

Lumapit siya sa babae at dinama ang noo nito. Bahagya nang bumaba ang lagnat nito, subalit basa ang buhok nito ng pawis. Maingat na ibinaba niya ang comforter. Mahinang pumalatak siya nang makitang halos basa na rin ng pawis ang damit nito. Mabilis siyang kumuha ng bimpo at palangganang may tubig. Ganoon ang ginagawa sa kanya ng ina kapag may sakit, pinupunasan siya ng bimpong may maligamgam na tubig. At iyon din ang kailangan niyang gawin kay Carol.

Naupo siya sa gilid ng kama at pinagmasdan ang mukha nito. Maingat na inalis niya ang salamin ang babae at sinimulan itong punasan sa mukha. Huminto siya nang bumaba ang kamay niya sa bandang leeg nito. He should stop now.

Ibinalik niya ang bimpo sa palanggana at matalim na hminga. Hindi niya puwedeng hubaran si Carol, subalit hindi rin naman niya maaaring pabayaan na lang ang babae. He couldn't understand what's happening to him, but a big part of him wanted to take care of her. And it's making him crazy.

Huminga siya ng malalim at mabilis na hinubad ang damit na suot ng babae. He had seen and touched many beautiful bodies before, kaya balewala na sa kanya kung makita man niya ang katawan ni Carol. Besides, he was just doing it because she was sick. You should thank me. Lady. Ikaw pa lang ang babaeng inalagaan ko ng ganito.

He inhaled sharply as he ran his eyes through her body. Damn. He tried as hard as he can to avoid her body but he couldn't control himself. Pinagpawisan siya nang idampi ang towel sa pawisang dibdib nito. Wala siyang lagnat pero unti-unting tumataas ang temperatura ng katawan niya habang nakatitig sa katawan ni Carol. Hindi niya maintindihan ang sarili, kung bakit ganito ang epekto sa kanya ng babae. Dapat ay balewala lang sa kanya iyon. Pero bakit ganoon nang nararamdaman niya? Damn him for having this kind of feeling. He was attracted to Carol and he couldn't believe it!

Bago pa siya mawala sa sarili ay binihisan na niya ito at saka muling binalutan ng kumot. Pinunasan niya ang namuong pawis sa noo. He badly needed a cold shower now.

Subalit bago pa siya makalabas ay narinig niya ang pag-ungol ni Carol. Muli niyang nilapitan ang babae.

“Lola, miss na miss kita.” This time she was sobbing. Hindi niya alam kung nananaginip ba o naghahallucinate ang babae. “Lola, bakit mo ako iniwan?”

“Carol.” Sinubukan niyang gisingin ang babae subalit lalo lamang lumala ang pag-iyak nito. Napaawang ang mga labi niya nang makita ang paglandas ng luha sa nakapikit na mga mata nito. “Carol. You're having a bad dream.” Niyugyog niya ang balikat nito. Dumilat ang luhaang mga mata ng babae. Diretso itong tumingin sa kanya. Nagulat siyang nang bumangon ito at mahigpit na yumakap sa kanya. “Huwag mo akong iwan.”

Nanigas siya nang maramdaman ang malambot na katawan nito. God, she smelled so damn good! Ngayon, sigurado siyang walang alam ang babae sa ginagawa nito.

“Huwag mo akong iwan, please.”

Huminga siya ng malalim at ginantihan ng yakap ang babae. “Sshh..stop crying now. I won't leave you.”

Marahang inihiga niya ang babae at pinunasan ang basang pisngi nito.

“Now, sleep baby...”

Hinila nito ang kuwelyo ng polo niya dahilan upang mapahiga siya sa tabi nito. “Dito ka lang sa tabi ko, please.” Humikbi ito. “Iniwan na ako ni lola. Si Chris, siya lang ang tanging kaibigan ko. Siya lang ang nag-iisang taong tumanggap sa'kin. Pero dahil sa ginawa ko, nawala na rin siya sa'kin..wala na akong kaibigan.” He felt a needle pricked his chest as he watched and listened to her. Hindi niya maipagkakaila ang nakikitang paghihirap sa mukha ng babae.

Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version) Onde histórias criam vida. Descubra agora