Chapter Five

5.1K 130 2
                                    

NAPAILING si Chancellor sa sarili nang mawala sa paningin niya si Carol. Hanggang ngayon ay hindi niya maintindihan ang desisyong ginawa. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at dinala niya ang babae sa pad niya. He was supposed to be mad at her and cursing her to death, pero heto siya ngayon at nag-alok pa na patirahin sa condo niya ang babae.
Mahirap mang aminin subalit sa kabila ng iritasyong nararamdaman niya kay Carol, isang bahagi niya ang nakadama ng awa sa babae. Nakita niya kung paano ito ipagtabuyan sa bahay na tinutuluyan nito, hindi mawala sa isip niya ang imahe ng mangiyak-ngiyak nitong mukha habang pinagmamasdan ang mga damit nito sa kalsada.
Naupo siya sa couch at isinandal ang ulo sa head rest niyon. Tama lang din naman siguro ang ginawa niya. Kung hindi niya binalikan si Carol, baka kung ano pa ang mangyari rito. Konsensiya pa niya iyon dahil siya ang huling kasama ng babae.
Tumayo siya at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Kasalukuyan siyang nagsasalin ng tubig sa baso nang marinig niya ang paglabas ni Carol sa C.R.
Bahagya siyang bumaling sa babae. Subalit muntik na niyang mabitawan ang hawak na baso nang makita ang babae.
Parang hindi si Carol ang babaeng nasa harap niya. Nakaladlad ang mahaba nitong buhok, wala itong salamin sa mata. Suot nito ang puting t-shirt na ibinigay niya na umabot hanggang sa taas ng tuhod nito.
She had a nice pair of shapely long legs. He hated to admit, but she looked so sexy in his shirt.
“Uhm, Chancellor.” Nahihiyang lumapit sa kanya ang babae. Halatang naiilang ito sa suot. “Alam kong nakakahiya pero, puwede ko bang patuyuin sa dryer iyong mga nabasang damit ko?”
Pasimpleng lumunok siya. “Go ahead.” Nag-iwas siya ng tingin at nilagok ang tubig na laman ng hawak na baso.
Pakiwari niya ay lalo siyang inuhaw.
Sinundan niya ng tingin si Carol na patungo sa sala. Damn. He had a nice view of her back. His eyes went down to her flawless legs, up to her thighs, up to her bottocks. Double damn.
Sino ang mag-aakalang sa likod ng makapal na salamin at makalumang damit nito ay nagtatago ang isang magandang babae? Parang hindi ito ang Carol na kasama niya kanina. Hindi ito mukhang Miss Tapia, lalong hindi ito mukhang mangkukulam. Right now, she looked like an angel. A sexy angel for that matter.
Saka lang siya tila natauhan nang mawala na sa paningin niya ang babae. Muli niyang binuksan ang fridge at naghanap ng makakain. Naalala niyang hindi siya nakakain ng maayos kanina. Mukhang hindi pa rin kumakain ng hapunan ang kasama niya.
Sinundan niya ang babae sa sala. Inangat niya ang telepono at idinial ang numero ng restaurant kung saan siya madalas magpadeliver ng pagkain.
“Pasensiya na kung medyo nabasa ko itong carpet mo,” wika sa kanya ng babae nang ibaba niya ang telepono. Nakaupo ito sa couch paharap sa kanya.
Tumingin siya sa babae na kasalukuyang inilalabas ang mga damit sa bag na nakapatong sa carpet.
“Pasensiya na rin kung narumihan nitong libro ang unit mo.” Kinagat nito ang ibabang labi at tumingin sa nangingitim na libro. “Hindi ko lang talaga kayang itapon iyan.”
Tumikhim siya. “It's okay.” Dumako ang mga mata niya sa labi ni Carol. Her lips were pinkish and kissable. He'd wonder what would it felt if he tasted those lips of her.
Damn, Chancellor, mura niya sa sarili. Don't tell me you're lusting over that witch?
He shook his head. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya.
Iniwas niya ang tingin sa mukha ng babae at ibinaling sa libro. Kahit hindi niya buksan iyon ay malinaw na hindi na iyon mapapakinabangan. “Ang sabi mo, nandito sa libro ang paraan para mawala ang epekto ng gayuma kay Chris. Saang lugar pa ba makakahanap ng librong tulad nito?”
“Hindi ko alam.”
“Paanong hindi mo alam?”
“Ang alam ko, nag-iisa lang ang libro na iyan. Ipinamana pa iyan kay lola nang mga magulang niya.” Kunot-noong sinalubong niya ang mga mata nito. Subalit sa ginawa niyang iyon ay hindi niya maiwasang mapagmasdan ang mukha ng babae. She had a pair of brown almond shaped eyes, a small pointed nose and her lips...damn. She's inocently beautiful.
Parang kanina lang, natatawa siya sa weirdong hitsura nito, samantalang ngayon, halos hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito.
Stop swooning at her like a crazy dog! She may look like an angel now but she's still a witch.
Biglang natauhan si Chancellor. Hindi siya dapat umasta na parang ngayon lang nakakita ng magandang babae. Ano naman ngayon kung maganda at sexy pala ang Carol na ito? Hindi pa rin niya dapat kalimutan ang ginawa nito sa kapatid niya.
Kumunot ang noo niya at ibinalik ang matigas na tono ng boses. “So what now? Paano mo ibabalik sa dati ang kapatid ko kung sira na ang libro?”
“May mga kaibigan si lola na may kakayahan din sa paggawa ng gayuma. Hihingi ako ng tulong sa kanila.”
Bahagyang umangat ang kilay niya. “Ikaw? Wala ka ba talagang alam para alisin ang bisa ng gayuma? Ikaw ang nagpainom kaya dapat alam mo rin kung paano tanggalin ang epekto n'on?”
Malungkot na umiling ito. “Hindi ko taglay ang kakayahan ni lola. Siya lang ang nakakaalam nang tungkol sa bagay na iyon.” Malungkot na bumuntong-hininga ito. “Kung alam ko lang sana, sana'y hindi na umabot pa sa ganito.”
“Kung hindi mo alam, dapat hindi mo na ipinainom kay Chris,” hindi napigilang wika niya.
Yumuko si Carol. “Hindi ko naman kasi inakalang ganito ang mangyayari kay Chris,” mahinang wika nito. Nang mag-angat ito ng tingin at diretsong tumingin sa kanya. “Patawarin mo ako sa ginawa ko sa kapatid mo. Tama ka nga siguro, hindi ako nararapat pa bilang kaibigan niya. I'm sorry. Pati ikaw, naperwisyo sa kasalanan ko.”
Puno ng pagsisisi ang boses nito. Nangingislap ang mga mata nito na tila anumang oras ay papatak ang luha mula roon.
Parang gusto niyang patawarin na at aluin si Carol. Subalit sa halip na gawin iyon ay bumuntong-hininga lang siya.
“Fine. I'll accept your sorry. But that doesn't mean I'll forgive you.” Tumayo siya nang marinig ang pagtunog ng doorbell.
Bago pa siya makarating sa pintuan ay tinawag siya ni Carol.
“Salamat, Chancellor.”

BUMANGON si Carol sa mahabang sofa at tiningnan ang malaking digital clock na nakadikit sa dingding. Nagulat pa siya nang makitang alas siyete na ng umaga.
Tumayo siya at inalis ang kumot na nakabalot sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang gamit na comforter nang matulog siya kagabi, ah. Nilalamig siya kagabi pero unan lang ang hiningi niya kay Chancellor dahil nahihiya siya rito. Kung gano'n ay nilagyan siya nito ng comforter nang hindi niya namamalayan?
Kinusot niya ang mga mata at iginala ang tingin sa kabuuan ng unit. Hindi niya nakita si Chancellor. Natutulog pa kaya ito?
Dumiretso siya sa banyo at inayos ang sarili. Hinubad niya ang t-shirt ni Chancellor ang nagbihis ng ngayon ay tuyo nang damit. Isinuot rin niya ang salamin na naiwan niya roon kagabi.
“Uhm, Chancellor?”
Akmang kakatukin niya ang pinto ng kotse nito nang mapansing nakaawang iyon. Nang wala siyang makuhang sagot sa lalaki ay marahang sinilip niya ang loob ng kuwarto. Wala si Chancellor sa kama nito.
Pumasok na kaya sa trabaho ang lalaki? Pero linggo ngayon. Saan kaya ito nagpunta?
Nagpunta siya sa kusina at naupo sa high chair ng kitchen counter. Iniisip niya kung nasaan si Chancellor. Bakit hindi siya ginising ng lalaki. Nakapagtataka na naging mahimbing ang tulog niya. Marahil ay dahil sa tindi ng mga dinanas niya kahapon. Ngayon lang nagsink in sa kanya ang mga nangyari kahapon. Last night she has nowhere to go until Chancellor picked her up and bring her to his pad. And now, she was living with him.
Isang bagay ang napatunayan niya. Hindi kasinsama si Chancellor ng iniisip niya. May kabaitan din itong itinatago sa katawan. Kung talagang masama ito, bakit pinatuloy siya nito sa bahay nito?
Ilang minuto siyang nakatanga lang sa kusina nang maisipan niyang magluto ng almusal. Naisip niya na dapat niyang suklian ang tulong na ginawa sa kanya ng lalaki.
“What are you doing?” Kasalukuyan siyang naghahango ng bacon strips mula sa kawali nang marinig niya ang baritonong boses ni Chancellor. Lumingon siya rito at halos mabitawan niya ang hawak na sandok nang masilayan ang kabuuan ng lalaki. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot na manipis na puting V-neck shirt. Mukhang galing ito sa pagdya-jogging dahil nakasabit ang isang tuwalya sa balikat nito habang ang isang kamay nito ay may hawak na bote ng mineral water.
Napalunok siya nang dumako ang mga mata sa magkabilang braso nito. Hindi lang pala guwapong mukha ang mayroon ito. He had a perfect body too. Kitang-kitang niya kung paano nagflex ang mga muscle nito sa braso nang gumalaw ito.
Bigla naman siyang natauhan nang lumapit ito sa kanya.
“Uhm..p-pasensiya na kung pinakialaman ko ang kusina mo,” nahihiyang wika niya rito habang inilalapag ang plato sa dining table.
Ayan kasi Carol! Kung makatitig ka sa katawan niya. Ngayon, hiyang-hiya ka!
Mula sa kanya ay bumaba ang mga mata nito sa pagkaing iniluto niya. “Sigurado kang walang gayuma ito?”
“Wala,” mabilis na depensa niya rito. “B-bakit naman kita gagayumahin?”
“Naninigurado lang ako.” Kumuha ito ng mga kubyertos at saka pumuwesto sa hapag-kainan. “Maupo ka na rin, Carol,” utos nito sa kanya.
“Sigurado ka?”
Kumunot ang noo nito. “Alangan namang hayaan lang kitang tumayo diyan habang kinakain ko ang niluto mo. Hindi ako kasinsama ng iniisip mo.”
“Alam ko. Kaya nga pinatira mo ko rito sa pad mo, eh.” Sa halip na sabihin iyon ay tahimik na naupo lang siya sa harap nito.
Naiiilang siyang kasama si Chancellor. Subalit hindi tulad kahapon na matindi ang takot niya rito, ngayon ay nangingilag pa rin siya ngunit bahagya na lang.
“In fairness, masarap ka pa lang magluto.”
Napatulala siya sa sinabi ng lalaki. Tama bang pinuri nito ang luto niya.
“What?”
Umiling-iling. “Wala.” Pilit niyang pinigilan ang isang tipid na ngiti. Mukhang hindi talaga ito kasinsama ng taong inaasahan niya.

Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now