Chapter Nine

5.4K 135 0
                                    

NAGISING si Carol na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Subalit agad ring napawi ang ngiting iyon nang lumabas siya ng silid at hindi nakita si Chancellor. Hindi naman kaya panaginip lang ang lahat ng mga nangyari kagabi. Hindi kaya imahinasyon lang niya ang mga iyon?

“Good morning, baby.”

Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman niya ang mga bisig ni Chancellor sa baywang niya. Pumihit siya paharap at tumambad sa kanya ang bagong ligong mukha ng lalaki. Basa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang shower gel na ginamit nito. Gumanti siya ng ngiti sa lalaki. “Good morning.”

Totoo at hindi lang isang panaginip ang nangyari kagabi. Mahal siya ni Chancellor.

“Where's my good morning kiss, baby?”

Bahagyang namula ang mukha niya nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila. “Uhm, h-hindi pa ako nagtotoothbrush.”

Nakaramdam siya ng hiya nang maisip kung ano ang hitsura niya. Baka may muta pa siya sa mukha.

“Who cares?” Nakangising bumaba ang labi nito sa kanya. Napapikit na lang siya at napakapit sa batok nito nang maramdaman ang matamis na labi nito. Kung hindi pa niya naalala na ngayong umaga ang punta nila sa ay hindi pa niya puputulin ang halik nito.

“Ano'ng gusto mong kainin, baby?” tanong sa kanya ni Chancellor nang huminto sila sa drive thru ng isang fast food chain.

Hindi na sila nagluto ng almusal dahil inaalala niyang baka abutin sila ng traffic sa daan. “Ikaw na ang bahala.”

Bumaling si Chancellor sa service crew. “Miss, ano ang pinakamasarap na meal niyo rito?”

“Lahat naman po, masarap, sir,” todo-ngiting sagot ng babae kay Chancellor. Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang babae. Halatang-halata na nagpapacute ito kay Chancellor.

“Cheeseburger meal na lang, Chancellor,” wala sa loob na nasabi niya sa katabi.

“Cheeseburger daw, miss. Sabi nitong magandang babae sa tabi ko.”

Inirapan lang niya si Chancellor kahit gusto niyang ngumiti sa pambobola nito. “Miss, puwedeng pakibilisan? Nagugutom na kasi ako,” hindi na niya napigilang sabihin nang mahalatang binabagalan nito ang paghahanda ng order nila para patuloy na makapagpacute kay Chancellor.

“Miss, pakibilisan. Nagugutom na pala itong baby ko.” Bahagya siyang napanguso para pigilan ang pagngiti. Lalo na nang makita niya kung paano sumimangot ang mukha ng babae.

“Akala ko ba nagugutom ka na?” ani Chancellor sa kanya nang makitang hindi pa niya ginagalaw ang pagkaing inorder nila.

“Uhm, hindi pa naman.”

Bahagyang umangat ang kilay nito pagkatapos ay unti-unting gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito. “Oh, nagseselos ka kanina?”

Napanguso siya at nag-iwas ng tingin. “Eh, kasi naman, kung makatingin ang babaeng iyon, parang gusto ka nang hubaran. At ikaw naman, nakangiti pa.”

Narinig niya ang tawa ni Chancellor. “My baby is jealous.”

Naramdaman niya ang paghawak nito sa isang kamay niya. “Don't worry, baby. Kahit ilang babae pa ang magpacute sa'kin, hinding-hindi ko sila papansinin.” Bahagya siyang umirap. Subalit ang totoo ay kinikilig siya at pinipigilan niyang mapangiti. “Hmm, talaga lang, ah.”

“Oo naman,” nakangiting sagot nito. Maya-maya ay sumeryoso ito. “If you don't mind, Carol. Gusto ko sanang malaman kung kailan at bakit namatay ang lola mo?”

Hindi niya inaasahan ang pagtatanong na iyon ng lalaki. Gayunpaman ay sinagot niya ang tanong nito.

“Hanggang ngayon, hindi mo pa rin matanggap na wala na siya?”

Under Your Spell (Published under PHR/Unedited Version) Where stories live. Discover now