Chapter 25

3.2K 82 0
                                    


Sofia's Pov

Pagdating ko sa tapat ng room namin ay hindi naman ganun ka ingay, siguro nandyan na ang professor namin. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito buksan.

Saktong pag pasok ko ay inulan nananaman ako ng crumpled papers at kung ano-ano pa, I just close my eyes para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Kalma sofia, aalis ka din naman agad sa room na to.

"Stop it class!" Nagdilat ako ng mata at nakita kong si Sir De Silva pala ang nanditong professor namin. Hindi ko alam. Why?

We're not like the other sections na sunod-sunod talaga yung mga professor katulad sa schedule nila. Dito kasi sa last section, rumble ang schedule nila, dapat pang third subject pa namin si Sir De Silva but it turns out na nandito na siya 1st subject pa lang. Hays. Wala kasing nagtatagal na professor sa section namin. Tatlo na nga lang nakakapagtiis dito e.

Lumapit ako kay Sir De Silva para magpaalam sa kanya. Ang dami kong naririnig na usapan nila. Hays.

Bakit ngayon lang siya? First time niya ma late ha.

Aalis na ba siya sa section natin?

Sana nga! Narinig kong nag assume daw yan last time e. Kawawa naman ganun ba siya ka desperada?

Oo nga! Sinundan pa si president. Ang kapal. Hahahaha!

Narinig ko kanina siya daw ang bagong SC secretary, napadaan kasi ako sa SC office kanina.

Blah...blah...blah!

So nakarating din pala sa kanila about dun sa nangyari no'ng nakaraan? Hays nakakahiya talaga kahit wala naman akong kasalanan :<

"Ms.Vergara, bakit ngayon ka lang?" Tanong ni sir paglapit ko pa lang sa kanya. Hindi naman galit si sir.

"S-sir kasi mage-excuse po sana ako." Sabi ko at bahagyang yumuko.

"Excuse? Bakit? Is there something happened?" Nag aalalang tanong niya. Touch naman ako sir hihi!-ay! Ang harot sofia ha!

Umiling naman ako. "Wala po sir, ano...kasi po, ako po yung bagong student council secretary, i came here to formally excuse myself, madami daw po kasi kaming kailangan asikasuhin for this coming festival" Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Bahagya siyang nagulat pero kalaunan ay napangiti siya ng malapad. "No problem with that sofia, ako na lang din ang magsasabi sa iba niyo pang professor" Sabi niya. Ang bait talaga ni sir.


Maya-maya ay hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla ko na lang naramdaman na yakap-yakap na ako ni sir. Eh? Anong nangyari?

Humarap si sir sa buong klase at namumula pa ito sa galit"Who did that?!" Galit na tanong ni sir.

Niluwagan niya ang pagkakayakap sa'kin pero nasa likod pa din niya ako. Ano ba ang ibig sabihin ni sir? Teka! Ano ba nangyayari?

Tinignan ko ang mga kaklase ko at maski sila ay gulat at parang nakakita ng multo, teka! Naguguluhan na ako.

Walang sumagot sa kanila kahit isa. Para silang napipe sa gulat.

Nilingon ako ni sir at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, hindi pa siya nakunteto ay inikot pa niya ako. Ano ba sir! Nahihilo ako! >.<

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong niya habang tinitignan pa din kung may sugat ba ako o ano.

"Sir? What's happening?" Hindi ko na napigilan mag tanong dahil naguguluhan na talaga ako.

Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin siya sa likod namin at sinundan ko naman iyon ng tingin. Para akong nabalutan ng ugat sa paa dahil hindi ako makagalaw. What the fudge!

Last Section ✔️Where stories live. Discover now