Chapter 56

3K 81 3
                                    


Sofia's Pov

Sabay-sabay kaming umuwi nila kerby at marie, pagdating ko sa sala ng bahay namin ay humilata kaagad ako. Napagod ako. Pagod ako sa pikikipagtalo sa mga bwiset na yun.

"Nandito na pala kayo, bakit ang aga niyo?" Tanong ni kuya ford.

Yung totoo? Wala bang pasok to? Ilang araw na siyang hindi pumupunta sa company, nagsasawa na ako sa pagmumuka niya. Hahaha joke!

"Yeah, may nag aya ng umuwi e. Napapagod daw siya" pinagdiinan ni kerby ang salitang napapagod. Loko to.

"Ha? Napagod ka sofia? Saan?" Tanong ni kuya ford. Hindi maalis sa muka niya ang ngiting mapang asar.

If i know nasabi na ni kerby ang dahilan, yung totoo may bromance ba na nagaganap dito?

Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagpasok ko ay humiga kaagad ako at pumikit.

Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko and i saw kerby.

"Ano? Mambi bwiset ka? Umalis ka na" Sabi ko at tinalikuran siya.

Akala ko umalis na siya pero lahat talaga pwedeng mamamatay sa maling akala, naramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama ko. It means humiga siya. -.-

He's hugging me from the back, siguro kung may ibang tao tapos makikita kaming ganito? Iisipin may namamagitan sa aming dalawa.

"Sorry na sofia, alam mo naman na dakilang chismoso si kuya ford e." Sabi niya at sumiksik pa lalo sa likod ko.

Si kuya ford lang ba? Sila kayang tatlong lalaki ang chismoso damay niyo na din si miko, dinaig pa kami e.

"Hmm" Sabi ko na lang at pumikit. Inaantok ako paki niyo ba?

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari, ang natatandaan ko lang ay mas humigpit ang yakap ni kerby sa'kin at alam kong nakatulog na din siya.

_____

Marie's Pov

Pag akyat ni sofia ay sumunod din umakyat si kerby, pupusta ako ng isang milyon, do'n yan makikitabi kay sofia. Ang kulit niya pero hindi nakakapikon, nakaka aliw pa ng sobra. Para kasi siyang bata.

Don't get me wrong guys, wala akong gusto kay kerby, sa totoo lang may isang tao akong nagugustuhan at limang taon na din simula ng magkagusto ako sa kanya.

Alam ko na nga ang backgrounds niya, hahaha! Stalker ba? Wala e. Mahal ko na siya. Matagal na. Kung hindi lang siya babaero, ako pa nanligaw. Kaya lang sobrang playboy.

At nasasaktan ako dun, sino ba matutuwa na yung taong mahal mo may kasamang iba't ibang babae, araw-araw? Take note nag PDA pa. Hindi na nahiya -.- nakakainis! Ilang beses ko siyang tinangka na kalimutan, nakipag date ako sa mga lalaking may gusto sa'kin pero, walang epekto e. Siya pa din.

At kung sino man ang tumatakbo sa isip niyo ay siya nga. None other than Tyrant Villaverde. The great cassanova of our university.

Naputol ang pag iisip ko ng biglang nag ring ang phone ko. When i check who is it, it's tita shanice. Bakit kaya?

"Hello tita?" Bungad ko sa kanya.

(Hello Marie, pauwi kami ngayon nila tito at parents mo)

Nagulat ako. Why all of a sudden? Akala ko 2weeks pa sila dun? 2days pa lang nakakalipas ng umalis sila?

"Why tita? Is there a problem?" Nag aalalang tanong ko.

(No iha, walang problema. Magkakaroon kasi ng dinner dyan sa mansion and i want all of you to get ready, tumawag na din ako kila manang. So all you have to do is to get ready okay?)

Napakunot ang noo ko. Dinner? For what? Wala naman silang nabanggit sa amin na special occasion ngayon?

Kahit naguguluhan ay sumang ayon na lang ako. In no time nandito na sila tita dahil for sure yung private jet ang ginamit nila.

Dumating naman si kuya galing kusina at umupo sa sofa.

"What's with face lil sis?" Tanong niya habang namamapak ng nutella. Kaya nauubos nutella namin e. -.-

"Tita shanice called me, and she said that we will be having a dinner here at the mansion. They're also on their way home" Sabi ko at gulat na napatingin sa'kin si kuya.

"What? Wala akong natatandaan na may special occasion tayo ngayon ha?" Sabi ni kuya na sinang ayunan ko na lang.

Dumating din si kuya john na naka ayos na. He's wearing a a long sleeves,  jeans and a rubber shoes. Ayaw niya talaga ng pormal. -.-

"Tita also called you?" Tanong ni kuya ford.

"Oo, may idea ba kayo sa magaganap na dinner?" Tanong din niya na ikinailing namin.

"Imbis na nagtatanungan tayo mag ayos na kayo, nasaan si sofia at kerby?" Tanong ni kuya john.

"Tulog sa kwarto ni sofia" sagot ko.

"Gisingin mo na sila at pag ayusin, tutulong na muna ako kila manang" Sabi ni kuya john at umalis na.

Yung totoo? Sobrang higpit nilang dalawa sa amin ni sofia pagdating sa mga lalaki, well hindi ko na idadamay si serena, inunahan kami sa pag aasawa e. Hahaha bitter ba?

Pero pagdating kay kerby kahit magkulong ata sa iisang kwarto yung dalawang yun, hahayaan lang nila e. Katulad ngayon, hays hindi ko na sila maintindihan.

Don't get me wrong guys, okay lang din sa'kin pero parang inappropriate lang kasi hindi naman sila, wala silang relasyon sa isa't isa.

O hindi kaya may relasyon sila pero tinatago lang nila? Eversince na nandito si kerby napapansin ko yung closeness nilang dalawa e. Lalo na yung sweetness nila towards to each other.

Umakyat na ako sa taas para mag shower at magready, pero bago yun ay pinuntahan ko muna ang kwarto ni sofia.

Pagbukas ko nito ay hindi ko alam na napangiti na pala ako, kerby is hugging sofia, while sofia is using kerby's arm as her pillow. I fish out my phone and take a picture of them.

Bagay naman sila e. Ano kaya kung sila magkatuluyan? Hihihi! ^.^

Nilapitan ko sila parehas at ginising, naunang magising si sofia at tinignan si kerby. She just smile sa nadatnan niyang itsura nila parehas. See guys? Hindi ba kayo magtataka?

"Bakit nga pala marie?" Tanong niya sa'kin.

Sinabi ko naman sa kanya kaya dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakahiga kay kerby. Pero wala din silbi dahil nagising din si kerby.

"Hmm, what's happening?" Tanong niya.

"Get up sleepyhead, mom's going home with the gang, we have a dinner to prepare" Sabi ni sofia at tumayo na.

Nasa labas na din ako ng marinig ko ang sinabi ni kerby na nagpailing sa'kin.

"You're heavy, nangalay braso ko. But I really love to wake up beside you" Sabi niya at nakarinig na lang ako ng tawanan sa loob ng kwarto ni sofia.

Sige na! Sila Na! >.<








Natapos akong mag ayos kaya lumabas na ko ng kwarto, pagbaba ko ay saktong pagdating ng mga parents namin, with some of people who's in their ages also.

"Iha" lumapit sa'kin si mama at humalik sa pisnge. Ganun din ang ginawa ko sa iba.

"Where's sofia?" Tanong ni tita shanice.

"She's still upstairs tita" Sabi ko at ngumiti.

"Okay, let's go to the dining? Shall we?" Tanong ni tita at dumiretso na sila dun.

Bago pa sila makaalis ay hindi nakatakas sa'kin ang narinig ko sa isa sa mga kasama nila tita.




























"I can't wait to meet our daughter in law"

____

A/N: pictures nila sa mga suot nila nasa multimedia. ^.^

Last Section ✔️Where stories live. Discover now