Chapter 53

2.9K 83 2
                                    

Sofia's Pov

Nandito pa din ako sa kotse ko ay kanina pa din sila marie at kerby sa labas ng kotse ko, pero hindi ko talaga alam kung paano ihakbang ang paa ko palabas.

Marami na din nabati na ka schoolmate namin yung dalawa sa labas. Ilang beses na nila akong kinakatok pero hindi ko sila pinapansin. Tinted kasi to kotse ko kaya hindi nila ako nakikita.

Ano sofia? Ang galing mo makipag patintero sa mga bala at kutsilyo, ngayon haharapin mo lang sila at siya hindi mo magawa? Argh! I hate this! Bakit ba si serena pa pinadala sa Canada? Dapat ako na lang, Edi hindi ako naghihirap ng ganito ngayon!

Napansin kong may dumating na sasakyan, it's a Bugatti Chiron. Woah! One of the luxurious car that i have. Limited edition lang ito. Sino kaya ang sakay nito?

Bumaba ang isang lalaking kanina lang ay iniisip ko kung paano ko kakausapin, hindi ko alam pero nandito nanaman ang puso kong tumatalon, sobrang excited heart? Nakita mo lang siya? Ewan ko pero napatingin ako sa salamin ko at naka ngiti ako. Hala siya! Baliw ka na sofia!

Tinignan ko ulit siya at nawala ang ngiti ko sa labi ng umikot siya para pagbuksan ang babaeng matagal ko ng pinapatay sa isip ko.

None other than Carmelo and Mayumi. -.-

Sinungaling to impakto na to! May nalalaman pa siyang you're mine! Walanghiya! Sugapa! Bwiset siya! Argh naiinis talaga ako! Parang ayoko pumasok gusto ko magpalipas ng inis at galit!

Kumatok ulit si marie at alam kong sumisigaw na siya sa labas dahil sa sobrang pagkainip. Sino ba naman ang hindi? Isang oras ka ba naman nakatayo ano mararamdaman niyo?

"Sofia! Come on out! Ang sakit na ng paa ko!" Sigaw niya.

"Aish! Ang ingay mo hayaan mo nga siya!" Sabi ni kerby at nakita kong inirapan niya si marie.

Hays! Ito nanaman sila. Naghanda ba akong bumaba dahil baka dumanak pa ang dugo ng dalawang to sa labas. Konsensya ko pa -.-

Kinuha ko ang red lipstick ko sa bag at naglagay, yung kaninang naka messy bun ko na buhok ay nilugay ko, i remove my eye glasses and wear my contact lenses, I open the 2 buttons of my blouse at nakita dito ang pagka puti ng dibdib ko at collarbone ko.

Naka shirt naman ako sa loob, kinuha ko ang backpack ko at lumabas, nakita kong nandun pa din nakatayo sila carmelo pero hindi ko siya pinansin. It's showtime.

Nagulat sila marie at kerby sa itsura ko, sino ba ang hindi kung makikita nila na ganito ang ayos ko?

The little angel becomes the great devil, inside and out, I smirked on my thoughts.

Habang naglalakad kami ang dami ko nanaman narinig na bubuyog. Bitches! Nakita ko sa hindi kalayuan si shay na nakatingin sa'kin pati ang mga kaibigan niya. I smirked at her devilishly.

Nakita ko ang building ng Student Council, kamusta na kaya sila? Aminin ko man o hindi. Sobrang namimiss ko na ang mga kumag na yun.

"Mauna na kayo sa classroom" Sabi ko at maglalakad na sana ng pigilan nila ako.

"Where are you going sofia?" Tanong sa'kin ni kerby pero tinuro ko lang yung building ng student council.

Napatango naman sila at naglakad na paalis, nasabi na din sa'kin nila kuya na isa ang members ng mga student council sa amin, kaya pala nung unang kita ko pa lang sa kanila ay nagsusumigaw ang authority sa katawan nila.

Hindi sila mga knights, spy or reapers, higit pa sila dun, kung hindi isa din ang limang yun sa mga tagapagmana ng clan nila, nasa top 10 ang pamilya nila at nakipag merge sila sa clan namin. Kaya hindi ka pwedeng magbiro lang basta-basta sa mga yun.

Last Section ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt