Chapter 71

2.8K 60 0
                                    

A/N: Namjoon as Marion

----------

Biglang tumunog ang speaker sa buong university, pati na din ang speaker sa underground ay automatic na nag on. Ang mga babaeng mahimbing sa pagtulog ay nagising bigla ng marinig ang hindi kanais-nais na tunog mula dito.

Inalalayang bumangon ni carmelo si sofia, hindi niya tinatanggal ang pagkakahawak niya sa bewang ng dalaga, tila ba takot siyang mawala ang dalaga sa tabi niya.

Nakarinig sila ng isang malutong na tawa na alam na alam nila kung sino ang nagmamay ari, nainis bigla ang sistema ni sofia dahil sa narinig. Para sa kaniya ito ang pinaka pangit na tunog na narinig niya.

"Alam kong nandito lang kayo sa loob ng eskwelahan, kaya kung ako sa inyo ay ibigay niyo na lang sa akin si sofia." Sandaling natigilan ito sa pagsasalita. Nagtiim ang bagang ni carmelo dahil sa narinig at mas lalong humigpit ang kapit niya sa dalaga.

Si sofia naman ay humikab lang at nababagot sa mga naririnig niya. Para sa kaniya ay masyadong cliché na ito, then pag sumuko ang bida, hindi naman susundin ng kontrabida ang pinag usapan. Well, that's life walang fairness.

"Sofia, alam kong naririnig mo ko, sumuko ka na lang sa'kin para hindi na madamay pa ang mga hindi dapat damay dito." Pagpapatuloy niya sa sinabi niya.

Naiirita si sofia sa hindi malaman na dahilan, bumitaw siya sa pagkakahawak sa kanya ni carmelo, tila naalarma naman sila sa ginawa ng dalaga.

"Sofia, where are you going?" Nag aalalang tanong ni carmelo pero hindi siya nito sinagot.

Kinuha niya ang mikripono sa tabi ng speaker at in-on ito, hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya ito nasasabi kay alejandro, alam ng lahat na maririnig din ito ng lalaki.

"Ano ako ul*l para sumama sayo? For your information gwapo ka pero no thanks, yan hinahangad mo na mapasayo kami ng mama ko, that's not gonna happen alejandro, hindi ka kasing gwapo ng ama ko at mas lalong hindi ka naman mahal ng ina ka. So stop dreaming" malamig nitong sabi sa lalaki.

Kumulo ang dugo ni alejandro sa narinig niya, she knows how to play games at naiinis siya dito, masyadong matalino ang dalaga pero masyado din matabil ang dila nito.

"Ganun ba? Mas mabuti na sigurong patayin ko na lang kayong lahat! Hindi kayo makakalabas ng eskwelahan na ito na hindi naghihingalo!" Pikon na sabi ni alejandro.

Sumilay naman ang mapaglarong ngisi ng dalaga sa kanyang bibig. Ganyan nga, mapikon ka pa alejandro para naman magkaro'n ng thrill 'to. Sa isip ng dalaga.

"Really? Kung kaya mo alejandro, by the way, nakahanda na pala ang kabaong mo at ang hukay mo. Ako na gumastos, baka kasi ubos na pera mo sa kakabayad mo sa mga walang kwentang nagtatrabaho sayo. Abuloy ko na din." Pagkasabi ni sofia dito ay binagsak niya ang mic at naglikha ito ng isang matinis na tunog.

Napangiwi silang lahat dahil sa narinig. Maski si alejandro ay naipatay ang speaker dahil do'n.

"Damn you sofia! Sisiguraduhin kong papatayin kita!" Giit niya.

Lumapit naman kaagad si carmelo kay sofia at niyakap ito sa bewang, ayaw niyang nai stressed ang dalaga, pero sa lagay nila ay hindi imposibleng hindi ito maranasan ng dalaga ngayon.

"Don't stressed yourself too much sweetheart. Ayaw kong nakabusangot ka" paglalambing nito sa dalaga. Nag pout naman kaagad si sofia at hindi niya mapigilang hindi mapa ngiti dahil sa inasal nito.

"Kasi naman e...nakakapikon siya! Ganitong nagugutom ako may pa ganun effect pa siya, akala mo kina gwapo niya!" Hindi na mapigilan ng mga nakarinig na mapatawa dahil dito.

Hindi nila alam kung maiinis o matatawa sila sa inaakto ng dalaga.

Damn sweetheart! Nasa ganitong sitwasyon na tayo but you never failed to amaze me!

"Sige, maghahanda ako ng pwedeng kainin--" natahimik sila ng biglang tumunog ang elevator.

Pare-parehas silang naalarma dahil sa narinig, alam nilang umaandar ang elevator pababa, walang ibang nakakaalam ng lugar na 'to kung hindi ang last section lang.

Pero as far as they remember sila lang ang natira dito sa loob ng eskwelahan, dahil ang ibang last section ay naiwan sa labas nang niligtas nila ang mga sibilyan.

"Who would that be?" Tanong ni jedric.

Kinuha nila ang mga nakatagong baril dito at inabangan ang pagbukas ng elevator, tinago ng mga lalaki ang mga babae sa likod nila. Naninigurado lang.

Kinasa nila ang baril at kasabay nito ang pagbukas ng elevator, bigla namang nagpaputok ng baril si arthur buti na lang ay naiwasan ito ng mga taong nakasakay dito.

"Woah! Guys chill! Kami lang 'to!' sigaw ng kilala nilang boses.

Nanliit ang mata nilang tinignan ang mga 'to. Ganun na lang ang gulat nila ng makita ang mga ito. Paano sila nakapasok? Sa isip nila.

"George? Ady? David? Guys? Anong ginagawa niyo dito? Paano kayo nakapasok?" Binaba na nila ang mga armas na hawak nila.

Pumasok naman ng tuluyan ang mga taga last section at star section 'A'
magkakasama 'tong mga ito na pumasok sa loob.

"Dumaan kami sa likod ng school, yung dinadaanan natin dati." Sagot ni david at umupo.

May daan sa likod ng building nila, ginawa nila 'yon tuwing tatakas sila at tinatamad pumasok sa klase. Do'n din sila dumadaan palabas lalo na pag mag naghahamon sa kanilang grupo.

"Medyo napasabak nga lang ng konti" sagot ni ady at uminom ng tubig.

"Papasok na ulit sana kami ng biglang sumara ang gate at mas lalong dumami ang nakapalibot sa buong eskwelahan" sagot ni George.

"What do you mean?" Tanong ni ashanti.

"Bago kami mahuli ay nakapag tago kaagad kami, pero bago kami pumasok dito ay maraming dumating na itim na sasakyan lulan ang napakaraming armadong lalaki. Pinalibutan nila ang buong eskwelahan kaya nahirapan din kaming makapasok." Paliwanag ni isabel. Isa siya sa mga taga special section.

"What's the plan now?" Tanong ni allister. Nakahilera sila sa harap ni sofia na ngayon ay wala ka ng makikitang reaksyon sa kanya.

"We're going to make a move here's the plan..." Sabi ni sofia at inisa-isa ang gagawin nila.

Hindi na niya kaya ang ginagawang kahayupan ni alejandro. Kaninang kumakain sila ay bigla na lang bumukas ulit ang speaker ng buong eskwelahan kasama na ang isang malaking hologram sa U.G

Nakita nila ang mga bangkay na nagkalat sa buong field na natutupok ng apoy at yung iba ay mukang okay naman pero pinapatay ng mga tauhan ni alejandro.

Tinanong niya kung naligtas ba lahat ng sibilyan na estudyante at tumango naman ang lahat sa tanong ni sofia.

Tingin nila ay kumuha ito ng mga estudyanteng naabutan nilang papatakas din kanina at kinaladkad ulit papasok sa university.

"What now sofia? Hihintayin mo talagang maubos ang mga estudyanteng 'to at magtatago ka na lang? You're a coward! Hinahayaan mong masaktan ang ibang tao mapagtakpan ka lang" kasunod nito ang malulutong niyang tawa.

Nakatago na sila sa mga pwesto nila katulad ng napag usapan sa plano nila, medyo nahirapan pa sila dahil masyadong maraming nagbabantay sa paligid. Ang swerte na lang nila dahil may silencer lahat ng baril nila.










"Let's see who's the coward now alejandro, I'll make sure you're going to die in my own hands."

Last Section ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon