Chapter 33

3K 92 1
                                    


Sofia's Pov

Natigilan ako ng makita ko ang posisyon ngayon ni aldrich parang konting ihip na lang ng hangin ay mahuhulog na ito.

Bakit niya ba to ginagawa?

"Aldrich?" Tawag ko sa kanya kaya humarap naman siya sa'kin.

Nakita ko ang irita sa mata niya. Sabi na e, maski ako hindi ko mapipigilan to.

"What are you doing here?! Get out!" Sigaw niya sa'kin.

Imbis na sagutin ko siya ay umupo na lang ako dito sa sahig, maghihintay ako ng himala kung kelan siya bababa.

"Anong ginagawa mo?! Sabi ko umalis ka dito! Simpleng english hindi mo maintindihan?" Inis na sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at nilabas na lang ang choco mallows sa bulsa ko, nagugutom na ako, ayoko naman masugod nanaman sa clinic dahil sa gutom.

"Hoy! Nakikinig ka ba?!" Sigaw nanaman niya. Batuhin ko kaya to ng sapatos ko ng manahimik na ng tuluyan?

"Ewan ko sayo, ituloy mo lang yan ginagawa mo. Wag mo ko pansinin" sabi ko sa kanya at kumain ulit.

Nang maubos ko ito do'n ko lang narealize na wala akong tubig man lang. Aish!

"Ang takaw kasi" narinig ko ang sinabi ng bwiset na to.

"Akala ko ba magpapakamatay ka? Bakit nandyan ka pa din?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang tanong ko at napaawang ang bibig niya sa gulat.

Tumayo ako at pinagpagan ko ang paldang suot ko tsaka lumapit sa may railings, 2 metro ang layo ko sa kanya. Sinilip ko ang baba at nakita kong nando'n pa din ang buong last section. They're really concern with their brother. Napangiti ako ng tipid dahil do'n.

"They love you" Sabi ko habang naka ngiti. Hindi ko man siya lingunin pero alam kong nakatingin siya sa'kin.

"What?" Naguguluhan niyang tanong.

I'm really confused kung bakit ba siyang nagkaka ganito? Kung bakit ba gustong gusto niya tumalon sa building na to?

"I live on my own, I'm not with my parents. For 12 years I'm just living with my yayas magpapadala lang sila ng pera para masabing napupunan nila ang obligasyon nila sa'kin. They left me alone. My sister who is my saviour left me too, I'm having a hard time since i was a little" huminto ako at tinignan siya mata sa mata. Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi sa kanya to. Baka nga pagtawanan lang ako nito.

But i was thinking wrong...

Nakakita ako ng awa sa mata niya and at the same time ay naguguluhan.

"...but i didn't plan to kill myself" pahabol kong sabi. He was looking at me at biglang lumambot ang ekspresyon ng muka niya.

"Kaya please, get a grip from yourself at bumaba ka na diyan? Hindi sagot ang pagpapakamatay sa mga problemang kinakaharap mo." Sabi ko at inabot ang kamay ko para alalayan siya bumaba.

Nakatingin lang siya sa kamay ko, after a couple of minutes he still not accepting my hand, hays. Nag assume ka nanaman sofia. Alam mo naman sukdulan ang inis at galit sayo ng lalaking kaharap mo e.

Unti-unti kong binaba ang kamay ko dahil nawalan na talaga ako ng pag asa pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ito at tumalon pababa mula sa railings. I don't know but i just found myself hugging him...I don't know but I'm happy because finally he listen to me.

"Tsk!" Narinig kong sabi niya. Unti unti naman akong kumalas sa pagkakayakap ng narealize ko ang ginawa ko.

"S-sorry" Sabi ko at nilagpasan niya lang ako.

Last Section ✔️Where stories live. Discover now