CHAPTER 5: Mall

415 12 1
                                    

Rayzel's pov

"Ano nangyari sayo?" napakagat na lang ako sa labi at pinaglaruan ang aking mga daliri. Hindi ko alam kung ano maisagot ko. Pinagmasdan niya ang aking kabuuan at kunot noong tumingin sa akin.

"May nangyari ba?" curious niyang tanong. Bigla na lang dumating si Melly at binigay sa akin ng tuwalya.

"Melly Ano nangyari sa kaniya?" baling niya kay Melly. Tiningnan ko siya at hindi rin makasagot pero bago pa siya magsalita nauna na ako.

"Nalaglag kase ako sa swimming pool"

Sana maniwala siya.

Tiningnan niya parin ako ng kuryosong tingin pero nakabawi naman at tumango ito sa akin.

Yes! Muntik na yun.

Umakyat na ako sa kwarto at sumunod naman si Melly.

"Ma'am bakit yun po ang sinabi mo kay sir?"

"Hayaan mo na Melly basta huwag mo na lang sabihin yung totoong nangyari" nagdadalawang isip pa siyang tumango pero umo-o naman.

Iniwan na niya ako sa kwarto para makapagbihis na rin ng bagong damit. Sinuot ko ng backless at maikling palda. Pinatuyo ko muna ang aking buhok bago itali itong paikot.

First day ko palang dito may nagawa na akong kahihiyan ano naman kaya ng susunod?

Umayos ka nga Rayzel para hindi mapahiya.

Nanatili lang ako sa kwarto dahil wala naman ako gagawin sa baba. Nandun pa naman si Eiro at baka tanungin na naman niya ako.

Ewan ko ba kapag nakaharap na ako sa kaniya natatameme na lang ako.

Nag-isip ako ng pwede kong gawin at pumasok na lang sa isipan ko na magshopping ngayon. Meron naman akong pera dito para pagshopping kahit papaano ay makabili na akong ng bikini.

Inisip ko rin na bilihan si Rayne ng bagong damit at ipadala na ang pera sa kaniya para sa tuition niya sa school.

~•~•~•~•~

"Where are you going Erica?" tanong ni Eiro na nakasalubong kami sa hagdan. May hawak siyang laptop siguro pupunta siya ng kwarto niya.

Nakatingin siya ng seryoso sa akin at mukhang tinititigan pa ako kaya umiwas na lang ako ang tingin.

"Sa mall, I will buy some thing" hindi ko na siya narinig pang sumagot ko kaya bumaba na lamang ako. Hindi ko na siya tiningnan pa.

"Melly pakisabi na lang mamaya ka kuya na baka gabihin ako"

Mission: Pretend To Be A SisterWhere stories live. Discover now