CHAPTER 46: Muntik na!

157 4 1
                                    

Rayzel's pov

Pagmulat ko ng mata. Napansin kong nasa ibang kwarto ako. Paglingon ko sa kaliwa nakita ko si Lorie na ang himbing matulog.

Teka nasaan ako?

Pagbangon ko bigla na lang ako naalala. Nasa bagong bahay kami nila Nanay. At dito na muna kami mag-iistay next week pa kami uuwi. Babalik pa kase kami sa Tagaytay dahil mamasyal pa kami ni Lorie dun.

Tumingin ako sa orasan at magaalasnuebe na ng umaga. Kaya tumayo na ako para makapag-asikaso. Naligo na rin at nagtoothbrush para paglabas ko ng kwarto ay fresh na fresh ako.

Nakahiram na rin ako ng damit kay Rayne. Magkasize naman kami ng katawan kaya kasya ko ng damit niya. Nakalimutan ko kase magdala ng damit. Akala ko kase hahanapin lang namin ni Lorie yung taong kumidnap kay Tristan. Kaya ayun biglaang pagpunta sa tagaytay para magbakasyon.

Kagabi pala, sabi sa akin ni Lorie pupunta kami ng mall ngayon para makapaggrocery at para may stock rin na pagkain sila Nanay. Si Lorie na ng bahala dun dahil wala akong dalang pera kundi cellphone lang.

Nahiya naman ako kay Lorie kase siya pa ng gagastos para lang may pagkain kami sa pananatili dito sa bagong bahay nila Nanay. Pero sabi niya okey lang daw sa kaniya dahil parang pamilya narin ang turing niya sa amin.

Ang bait talaga ng kaibigan ko.

College palang ako nung nagbakasyon. Itong si Lorie naglayas ng bahay nila dahil pinipilit siyang lumipat ng school sa ibang bansa. Pero ayaw niya dahil maayos na daw ng pinapasukan niya. Kaya ayun nagpunta sa bahay ko na nirenta ko lang. Nagkataong aalis ako para umuwi sa probinsiya kaya no choice rin ako na isama si Lorie dahil ayaw niya talaga umuwi sa bahay. Sa buong bakasyon magkasama kami ni Lorie kasama ng aking pamily at tinuring na siyang pamilya nila Nanay. Nakakatuwa nga kase ng turing niya sa akin ay kapatid.

Tok tok*

Binuksan ko ng pinto at niluwa ito ay si Rayne.

"Good morning ate, kumain na po kayo ng agahan nakapagluto na si Nanay" sabi niya. Tumingin ako kay Lorie at ang himbing parin ng tulog.

Hindi ko na muna siya gigisingin. Mukhang pagod talaga siya.

"Sige, at tsaka mamaya pa yan magigising. Napagod ng sobra si Lorie" sumabay na akong lumabas kay Rayne at bumaba. Nakita ko sila Nanay at Tatay na nagkakatuwaan dahil pareho silang nagdidilig ng halaman.

Nakakatuwang tingnan sila.

"Ngayon ko lang nakita sila Nanay na ganyang kasaya"

Mission: Pretend To Be A SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon