CHAPTER 37: Surprise birthday

193 4 0
                                    

Eiro's pov

Pumasok ako sa kwarto pagkatapos kong kunin yung box na nasa labas ng pintuan ni Erica. Nagkunwari lang talaga ako na sa aking itong box pero alam ko naman na para kay Erica ito.

Isa na naman itong death threat.

Hindi ko pa nabubuksan yung box nang biglang tumunog ng cellphone ko.

"Hello this is Eiro Laurelio who is this?" Pagkakita ko lang sa number ay hindi ko na kilala.

"Hi Eiro buti naman ay sinagot mo. Ano natatakot ka na ba? Dahil sa kasalanan mo ay may mangyayaring masama sa kapatid mo" ani ng isang babae sa kabilang linya.

Shit ito yung babaeng nagbibigay ng death threat kay Erica.

"Easy lang Eiro hindi naman kita tinatakot eh"

"Sino ka ba?! Bakit mo ginagawa ito kay Erica? At anong kasalanan na nagawa ko?" biglang tumawa siya parang may nakakatawa sa mga tanong ko sa kaniya.

"Walang kasalanan?! Pinagloloko mo ba ako Mr. Laurelio?" May pagkasarkastiko niyang tanong sa akin. Hinawakan ko mabuti yung box. Kahit hindi ko pa nabubuksan alam kong isang death threat ito na nanggaling sa babaeng kausap ko ngayon. Kung sino man siya malalaman ko rin.

"Anyway Eiro tumawag lang naman ako para sabihin sayo na konting araw na lang ng nalalabi sa kapatid mo pagkatapos non bang! Hahaha!" sabi niya bago patayin ng tawag. Naibato ko na lang yung cellphone ko sa sahig at napahawak sa sentido.

Mission: Pretend To Be A SisterWhere stories live. Discover now