CHAPTER 15: Bebsy

321 8 0
                                    

Eiro's pov

"Erica?" sabi ko na nga ba na sa kaniya yung cellphone na yun.

Teka nga. Ano ginagawa niya dito? Kala ko nasa kwarto siya.

"Kuya" hindi ko alam kung nahihiya ba siya o sadyang kinakabahan dahil nahuli ko siya.

"What are you doing here?" taka kong tanong sa kaniya. Tumayo siya mula sa pagkaluhod at pinagpagpag ang suot niyang palda at humarap sa akin.

"Ahh nalaglag kase yung hikaw ko kaya hinahanap ko" sabi niya na tumitingin sa paligid. Kaya tinulungan ko na siya para hindi pa siya mahirapan maghanap.

Pero mayamaya sumuko na siya sa paghahanap at ako tumigil na rin.

"Huwag na natin hanapin yun baka nawala na talaga yun" sabi niya.

Sumulpot na lang bigla si Terrie at pareho kaming nagulat sa kaniya.

"Ohhh Erica nandito ka pala" ngumisi lang siya at tinalikuran kami.

"Anyari dun? Hindi man lang ako pinansin" binalewala ko lang siya sa sinabi niya at pumasok sa loob.

Nakita kong nakaupo na si Erica sa pwesto niya at tahimik kumakain. Nang umupo ako sa harapan tumingin siya sa akin pero agad rin iniwas.

Sa katabi kong upuan umupo si Terrie. Kinuha pa niya ang plato ko para lagyan ng kanin pero Kinuha ko sa kaniya yun.

"Ako na" malamig kong sabi.

Bumabaling ako kay Erica pero nanatili lang siya nakatingin sa pagkain niya. At tahimik kumakain.

"Ahhhh" si Terrie na nilapit ng kutsara na may kanin at ulam para isubo sa akin. At sinubo ko naman yun. Ayaw ko rin na mapahiya siya sa harap ng kapatid ko. Pero sa susunod tatanggian ko na.

"Ang sarap naman ng ulam na pinaluluto niyo Eiro sino ba nagluto nito? Gusto kong makilala" anya niya. Nakita kong bumaling si Erica kay Terrie at pasimpleng nginisian.

"Ako ang nagluto niyan" bigla niyang sabi.

Ano? Siya?

"Wow ikaw pala nagluto nito. Ang sarap!" Ewan ko kung tama ba na pinuri ni Terrie si Erica. Dahil alam kong hindi si Erica ng nagluto niyan.

"Masarap talaga lalo na kung ang katawan mo ng ihalo"

Mission: Pretend To Be A SisterWhere stories live. Discover now