Chapter 2 - Si Lance at ang Epic four

40.8K 596 70
                                    

Sino nga ba si Lance? Basta na lang ba sya bumagsak sa lupa? Minagic? Sya ba ang tunay na Machete? Sa sobrang kagwapuhan ni Lance. Madami ang nagtatanong kung sino nga ba sya. Ano ang tunay nyang katauhan?

Lance Yì Smythe ang buo nyang pangalan, 25 years old, 5'10", well toned body, white complexion, brown eyes, black hair. tubong Pampanga. Only child si Lance. Half american ang dad nya. Half chinese ang mom nya. Isang professional photographer si Lance. Although napakahusay nya, hindi nya masyado ito kinakarir, mayaman naman kasi sila at sunod sya sa Luho. Piling pili lang ang mga projects na ginagawa nya. Mas madalas pa sya gumimik. Mabait sya at palabiro, matalino at syempre simpatiko. Adventurous at Certified babaero si Lance. Mahilig sya sa maputi, matangkad and maganda. Physical appearance agad ang nakikita nya. Medyo may pagka perfectionist si Lance pag dating sa traits ng babae. Mabilis sya ma turn off at never pa nagkaron ng serious relationship sa babae. Madalas fling at flirt lang. Wala pa kasi nakapasa sa standards nya at lahat naman kasi ng nakilala nya ay madali at mabilis nyang nakukuha. Susmaryosep, kahit ako naman na author nito kung liligawan nya baka kahit kalabaw ng kapitbahay maisangla ko para sa kanya. Pero, ito na ba talaga ang buo nyang pagkatao?

Certified babaero si Lance at marami na syang nakilala na iba't ibang uri ng babae. Pero sa lahat ng nakilala nya, Apat sa kanila ang di nya makakalimutan. Talaga naman kakaiba and unforgetable ang mga karanasan nya sa mga girls na ito. Nagdulot ito sa kanya ng kakaibang saya at inspirasyon.

Simulan natin kay epic girl number 1, meet miss "P.C.F"

Lance was in a summer vacation in boracay. Mag-isa lang sya. Mas gusto nya yun kasi mas naeenjoy nya dahil mas makakapag explore sya. Dumating sya dun ng gabi na kaya dumiretso na lang sya ng hotel na na-book nya sa internet nung nasa manila pa sya. Its a luxury hotel. One of the most expensive hotel in boracay.

Sa front desk. Kinausap nya ang receptionist.

"Hi, good evening." Mabait na pagbati ni Lance.

"Hi sir, how can I help you?"

"My name is Lance Smythe and I have a reservation here."

"May I see your ID sir?" Tugon ng receptionist.

"Here." Inabot ni Lance ang ID nya.

"Just a minute sir check ko lang po sa computer....."

After checking.

"Yes sir, room 304 po kayo. Do you need help for your luggages?"

"No, I'm fine. Isang backpack lang naman ito."

Backpacker si Lance. At kahit madaming damit kaya nya pagkasyahin sa favorite red "the north face" travelling backpack nya. Magaling kasi sya mag ayos ng gamit. Napakahusay nya mag pack, daddy nya ang nagturo sa kanya mag pack. And he loves packing. Kahit anong bagay kaya nya i-pack. Basta pagdating sa pagpapack magaling sya. Professional packer talaga sya. (Hmmmmmmm parang iba ang naiisip ko ah, anyways tuloy)

"Here's your room key sir, enjoy your stay." Sabay abot ng receptionist sa susi ng room.

"Thank you." Naka-smile sya at lumabas ang dimples.

"Your welcome sir." Sabay kagat sa labi ng receptionist parang inaakit si Lance. Sya nga pala ang nakalagay na pangalan sa name plate ng receptionist ay BOGART.

Nanlaki ang mata ni Lance at nalukot ang mukha. Nagulat sya sa ginawa ni bogart. Nagmamadali sya tumalikod, nabalisa, paglingon nya ay sinusundan say ng tingin ng receptionist na si bogart. Dali daling binuksan niyang binuksan ang elevator at sumakay agad. Pagpasok sa elevator.

"Sheeeeeeeeet! Bakla pala yun, di ko nahalata ah, mukha kasing mandirigma. Hoooooo!." Sabay hinga ng malalim at medyo natatawa.

Pag dating sa 3rd floor. May nakasalubong itong pretty girl papasok ng elevator samantalang sya ay palabas. May kausap ito sa sa phone at di sya napansin. naka-white boho dress na manipis si girl, long black and shiny hair. Parang nasa shampoo commercial ang eksena, bumagal ang ikot ng mundo ni Lance, habang papasok ang babae sa elevator ay unti-unting pumihit ang ulo nya habang nakatitig at namamangha sa dalagang kasalubong, buti na lang hindi umikot ang ulo nya kasi parang exorcist na yun. Sumaling sa may mukha niya ang buhok ni girl. Para naman syang leading man sa commercial na nilanghap at inamoy ito. Naubo sya. Amoy araw kasi. Pero ok lang naintindihan nya na summer at nasa boracay sya. Habang pasarado ang pinto ng elevator napatingin na din sa kanya ang girl, kakausapin nya sana kaso huli na ang lahat. Sumara na ang pinto.

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon