Chapter 22 - Road trip (Cont.)

6.4K 123 6
                                    

Chapter 22 –Road trip (continuation)

Malakas ang aircon ng sasakyan ni Lance. Malakas at kahit nasa hindi naka-max ay malamig na sa loob ng sasakyan. Ngunit kahit anong lamig pa nito ay hindi ito nakapagil sa pag-init ng kaniyang ulo dahil sa isang rason, TRAFFIC.

Kasalukuyan nilang binabaybay ang kahabaan ng EDSA papuntang NLEX exit. Unti-unting napawi ang mga matatamis na ngiti sa labi ni Lance. Ang maaliwas nilang mukha ay biglang bahagyang nagusot. Nakakunot na ang noo niya. Maya’t maya ang  busina sa sinusundan sasakyan. Paling sa kaliwa at kanan naghahanap ng masisingitan upang makabante na. Sadyang napakasikip na at halos din a gumagalaw ang daloy ng trapiko.  Panay na rin ang saltik ng dila ni Lance.

Nabubuwisit siya sa mga sasakyan na nasisingitan siya. Lalo na sa mga motorsiklong walang habas at walang pakundangan kung sumingit. Sa bawat saglit na masisingitan o di kaya’y di makapsok si Lance upang makausap ay pinalo niya ng kaunti ang manibela upang maibsan ang stress at init ng kaniyang ulo. Malapit na mawalan ng pasensya si Lance. Nagkakaganito siya dahil excited siya sa kanilang out of town ni Maicy pero itong mabigat na trapiko pa ang naging sagabal upang makarating agad sila sa kanilang patutunguhan.

Maicy is really aware of what is going on. She knows na nag-iinit na ang ulo ni Lance. Pansin na pansin niya ang biglang pagbabago ng mood ni Lance. She is not disappointed na nakita niya ang parting ito ng ugali ni Lance. Bagkus ay naunawaan niya ito. Alam din naman niya ang pakiramdam ng maipit sa gitna ng traffic. Kahit siya naman ay labis na din ang pagkainip. Ilang oras na din kasi silang stucked sa kahabaan ng EDSA.

Ang kaninang pasulyap sulyap kay Maicy na si Lance ay nawala na. Nakatutok na lamang ang atensyon ni lance sa kalsada at tumitingin tingin ng mga bawat butas na pwedeng masiksikan at makauna sa ibang sasakyan. Tuluyan na siyang sumimangot. Medyo badtrip na.

Si Maicy naman ay nag-aalala na baka sa sobrang init na ng ulo ni Lance ay bigla siyang mapaaway sa ibang motorist. Ayaw niya na masangkot ang binata sa isang road rage. Alam din naman niya na maraming napapahamak dahil sa away trapiko. Panandilaan siyang pumikit at sumandal. Akala mo ay matutulog ngunit nag-iisip siya ng magandang gawin upang mabaling ang atensyon ni Lance sa ibang bagay at maaliw niya ito kahit papaano upang lumamig ang ulo sa kabila ng nakakainis nilang sitwasyon ngayon.

Parang microwave na tapos na ang timer ay tila para tumunog ang loob ng kanyang isipan. May naisip na si Maicy na maaari nilang pagkalibangan.

Dinukot niya ang kaniyang cellphone. Isinet niya ang camera sa video at inihanda para mag record. Napatingin naman si Lance sa ginawa ng dalaga. Nang maipatong na ni Maicy ang cellphone niya sa dashboard at naka front camera ito na kuha silang dalawa ni Lance ay kinuha din niya ang kaniyang iPod at ikinabit ito sa radio ng sasakyan, aux mode. Hinanda niya ito para magpatugtog ng isang awitin. She browsed into her iPod and looked for a song.

Ngumisi siya, looks like she found the song. She the played it. “Love is an open door” ang title ng kanta. Isa ito sa mga OST ng movie na Frozen.

While intro pa lang ng kanta ay tumingin si Maicy kay Lance ng nakangiti at may ipinaparating ang tingin niya na “Lets do this Lance, pantanggal inip.”. Bagamat walang sinasabi si Maicy, pinapahiwatig naman ng mga mata at ngiti niya ang gusto niya iparating kay Lance. Nais niyang mag- DUET sila.

Napangiti bigla si Lance ng makuha niya ang gustong mangyari ni Maicy agad agad na lumamig ang ulo nito at natatawa pa. Umiling iling si lance habang natatawa kay Maicy, nahihiya siya at ayaw niyang gawin ang nais ni Maicy.

Ngunit nagsimula na ang tugtog at ni-lipsynch na ni Maicy ang part ng babae sa kanta with matching gestures ang funny facial expression.

Nung part na ng lalake sa kanta ay wala ng nagawa si Lance kundi sakyan ang trip ni Maicy. Kesa nga naman mainis lang siya sa traffic. Bumuka na rin ang kaniyang bibig at nag lip synch na din. Hanggang sa hindi na nila namamalayan na nag duet Lip Synch na sila at suamsayaw sayaw pa sa at kung ano anong nakakatawang gestures ang cute facial expression ang pinag gagagawa nilang dalawa.  Hanggang sa matapos ang kanta, ang kaninang punong puno ng pagkabagot at inis na loob ng sasakyan ay napunan ng isang malakas na halakhakan nilang dalawa. Natatawa sila sa pinag gagawa nila.

Nagpatugtog pa si Maicy ng iba’t ibang mga songs at nagpatuloy ang pag kanta at pag lip synch nila ng mga awitin. Hanggang sa hindi na namalayan ni Lance na nalampasan na nila ang matinding trapiko at nasa may bungad na sila ng papasok ng NLEX. Patuloy pa din ang hagalpakan nila.

Nang makapasok na sa NLEX ay napagod na rin sa pag aaliw ng sarili nila ang dalawa. Pinatay na ni Maicy ang iPod. Naiwan ang bakas ng kasiyahan sa mga mukha nila. Tumahimik man ay parehas silaang nakangiti. Nang mapatingin si Maicy sa kaniyang kamay, ay doon lang niya namalayan na hawak nap ala ito ni Lance. Napangiti siya at nagblush na naman. Nakangiti naman si Lance sa kanya habang nagmamaneho at pasulyap sulyap sa kanya.

*****Please vote and comment******* 

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon