Chapter 3 (last part)
Bumukas na ang malakas na ilaw, fully lightened ang set para walang shadow ang lahat ng photos na kukunan. Pumuwesto na si Lance. Lahat ng staff ay gumilid na din.
"Ayoko ng may tao sa gilid ng set. If pwede lahat kayo sa may likod ko and please keep your distance." Seryosong sabi ni Lance.
Makikita mo ang mabilis na pagbabago ni Lance pagdating sa work nya. Mula sa pagiging babaero at happy go lucky na person, naging professional ang ugali nya. Ganito si Lance pagdating sa trabaho.
"Make up artists, kindly be ready ha, pag sinabi kong retouch pakibilisan. Ayaw ko ng mabagal. At lahat tayo dito may kanya kanya pa din na gagawin."
Ayaw din nya na masyadong natatagalan sa trabaho. Gusto nya mabilis ngunit malinis.
Nagbago ang atmosphere ng lugar. Tumahimik ang lahat. Halatang natakot sa pagiging strikto ni Lance.
"Ok models." Hinarap nya ang mga girls at napakamalumanay nya silang kinausap.
"Gusto relax lang kayo. Japanese theme tayo. Mag pose kayo ng feeling nyo mga totoong japanese girls kayo ok? KAWAII ang company, at ang meaning ng kawaii sa japanese ay cute. So be cheerful as you can and be the cute as you can. Ok? Sige, we will start na. One by one. Alfred, the japanese music please."
Nagtranscend na ang mood. Welcome to Japan. Ito ang naramdaman ng lahat ng tumugtog na ang music. Nagsimula na ang photo shoot. Super ganado si Lance dahil talaga naman magaganda at cute ang lahat with matching sexy outfits. But still you can see the professionalism of Lance. Tuloy tuloy lang syang kumukuha ng picture at sinasabihan ang mga girls sa mga pose na gusto nya. Pacute naman kung pacute at pasexy kung sexy ang mga pose ng models.
"Ayan!"
"Very good"
"More please."
"Outstanding"
Mga salitang lumalabas sa bibig ni Lance while on the roll sa photoshoot.
Habang busy si Lance at ang lahat sa photoshoot, may tumawag sa cellphone ni Alfred.
"Hello boss. Yes andito na po sya. Actually nagsisimula na po. Everything is ok naman po. Ok po. See you po later."
Tumawag ang boss ni Alfred at darating daw ito mamaya.
"Ok Look up!" Sabi ni Lance sa isang model.
"Tanga!!!!" Sinigawan ni Lance ang model.
Nagulantang ang lahat. Nagtaka. Nagtanong sa mga sarili kung ano ang nangyari at bakit nagalit si Lance.
"Sabi ko look up lang! Bakit ka kumekembot? May sinabi ba akong shake shake shake?! Baka gusto mo din mag-chacha!" Gigil na sabi ni Lance.
"Sayang iha, maganda ka lang pero mabagal ang utak! Simple instructions! Sundin nyo lang!"
Wow, terror photographer naman pala itong si Lance. Pero at the back of his mind ito ang sinasabi nya.
"(Ayan dapat ma-feel nyo na napakahusay ko at ma-impress kayo sakin.)"
Dinadaan nya sa sindak para hindi mahalata na naglalaway sya sa mga bewang ng mga models.
Everything went perfectly well. Magaganda ang shots. Mabilis lang din ang photshoot, hindi namalayan ng iba na patapos na sila. Maayos naman kasi at magagaling din ang mga models.
"Ok everybody, i think that's a wrap!"
Nagpalakpakan ang lahat. Lumapit ang mga models kay Lance. Nagpasalamat at bumeso.
"Alam nyo ladies, ang huhusay nyo. Pero mas gagaling pa kayo, minsan magkita kita tayo and bigyan ko kayo free lecture about sa posing and modeling sa camera." Pambobola at halatang may pakay na sabi ni Lance sa mga models.
Kumagat naman ang iba dito at namumula habang nagpapasalamat kay lance.
Habang masayang nagchichikahan si Lance at ang mga models. May pumasok na hindi kaputian, hindi katangkaran pero maganda at sexy na babae. Napalingon si Lance. Nakita nya ito. Nanlaki ang mata nya, at biglang bumilis ang tumibok ng kanyang puso na para bang kinakabahan. Dumadagundong ang tunog ng tibok ng puso nya sa kanyang Dibdib. Eto na, lumiwanag ang kanyang paningin at dumiklap. May nakita na syang SPARK!
"Miss tabi!!!!" Sigaw ni Lance at tinakbo ang babaeng bagong pasok at tinabig.
Spark, LITERAL may spark nga! Dumiklap ang ilaw at muntik ng mabagsakan ang babaeng pumasok kaya sinagip sya ni Lance. Yun ang ang spark na nakita nya. Ngunit nung tinabig nya ang babae ay natumba sila sa sahig. Nakapatong si Lance sa babae at magkaharap sila dalawa na halos magkadikit ang mukha. Tulala ang lahat ng nasa paligid.
"Buti na lang nailigtas kita." Pabulong at mapang akit na sabi ni Lance.
"Sa...sa...salamat ah. Pde ka na tumayo kasi Parang may matigas. Yung cellphone mo ata nag-vibrate." Sabi ni babae.
"Ay, sorry may nagtext."
Tumayo na sya at tinulungan si girl.
"Ako nga pala si..."
"Lance, i know. You are Lance smythe, photographer ng Kawaii, ako naghanap ng contact details mo for ICE. Hello, I am maicy."
Sa sobrang kagulat gulat at kabusyhan ng dalawa sa paguusap hindi nila napansin na kanina pa pala may nakatingin at nakatabi sa kanila. Natulala din si Lance.
Isang napagandang lalake. Maputi, makinis, medyo lee min ho ang datingan ng itsura at buhok. Maganda din ang katawan. Malinis tignan at may katangkaran din. Wearing a smart casual attire. Namangha si Lance. Hindi nya akalain na meron din palang lalae na halos kasing kisig at papantay sa kagwapuhan nya.
"Am I disturbing something? What's going on maicy?" Sabi ng lalake.
"Ah eh, wala naman. Muntik lang akong mabagsakan ng ilaw."
"Thank goodness you are ok."
"Lance, saved me."
"Oh, thank you Lance."
"Its ok. Are you her boyfriend?" Tanong agad ni Lance.
"Hahahaha, no he is not. He is my bestfriend. And he is the owner of ICE. Mr. Kiel Vergara." Sabi ni maicy.
"Oh pleasure to meet you sir. I am Lance."
"Just call me Kiel. Nice to meet you Lance. What an introduction."
"Oo nga eh. Hahahaha."
"Tapos na pala ang photoshoot. I think you must be tired at nagkaron pa ng accident. I'll have this clean up. If you'll excuse me. Maicy ikaw na bahala kay Lance. Nga pala, i'll check on the pictures once your editing is done. Thank you again Lance." Paalam ni Kiel at tumungo kay Alfred para kausapin ito.
Nagkatitigan si Lance at Maicy. Biglang nagtawanan.
"Hahahha. Kala ko boyfriend mo. Buti na lang hindi."
"Hindi noh! Bestfriend ko yun. Tinutulungan ko lang sya. Oh paano, punta na ako dun, salamat ulit ah."
"Will I see you again?"
"Of course you will, lagi naman kami magkasama ni Kiel eh. At kasama ako sa project na ito. After this I will keep you posted. Nasa akin naman contact details mo."
"Talaga? Bakit anong posisyon mo sa ICE?"
"Wala, dakilang taga support ni Kiel. Don't worry, magkikita pa naman tayo. Pero para sure ka, here's my card. Andyan number ko. Oh paano na. Bye. Thank you again." Sabay flying kiss nito kay Lance.
He was left, mesmerized. Parang iba ang naramdaman nya. Euphoria. Ecstasy. Happiness. Excitement. Ito ang naramadam nya kay maicy. Love at first sight na nga ba? Sya na ba talaga? Tignan natin ang mga susunod na magaganap.
***********
please dont forget to vote, comment and share. thank you.
BINABASA MO ANG
THREE ANG GULO [COMPLETED]
General Fiction"Intriguing... Very easy to read but hard to put down. I must say that Chad Kinis has a unique and refreshing way of storytelling." -Aivan Reigh Vivero Dala nang pakiusap ng kaibigang si Kiel, napilitan si Maicy na makipaglapit sa photographe...