05

31 2 0
                                    

Miyu POV

"Byeeeee Miyuuu! See you bukas! Hehe." Kumaway nalang ako sa tatlong yun at nag hiwalay na kame ulit ng daanan.

At sympre bago umuwi.. Dumaan ulit ako sa coffee shop. Pag pasok ko nakita ko agad si Kuya mask. Yung D! Ng makita nya ako kumaway sya kaya naman lumapit ako sa kanya at naupo sa harap nya.

"Hi D!"

"Hi Miyu!"

"Ang aga mo ata ngayon dito?"

"Maaga akong nakauwi eh. Musta nga pala?"

"Maka kamusta ka naman! Parang kakakita lang naten kahapon.." Tapos tumawa ako. Hehehe ang babaw ko diba? "Hehe D! Pwedeng mag kwento? Hehe kanina ko pa to kinikimkim"

Gusto ko lang ilabas yung kilig ko! Hehe kanina ko pa talaga yun kinikimkim! Kase pag kinilig naman ako sa harap nila Nari babatukan lang ako eh! Alam mo naman.. Mga basher yun! Hindi ko alam pero bat ayaw na ayaw nila sa BTS.

"Sige lang ano ba yun?"

"Ano.. Hihihihi.. Saglit lang." Tapos nag takip ako ng mukha ng ilang segundo tapos umayos na ako ng upo "ganto kase yan.. Aten aten lang to ah?" Tumango naman sya. "Naka lunch ko kase si Min Yoongi."

"Tapos?"

"Tapos.. Ahehehe kenekeleg nanaman akooo!" Kinuha ko yung kape nya at ininom hehe bahala na! Napansin ko naman na medyo nagulat sya pero hindi ko pinansin at tinuloy yung kwento ko. "Si Min Yoongi kase bias ko yun sa BTS eh! Cruuuush ko yuuun eh! Parang dream come trueee yung nangyari kanina! Nakasama ko sya sa lunch tapos nag kwentuha kame! Parang feeling ko kanina mahuhulog na yung panty ko sa kilig! Buti nalang medyo masikip pa yung garter! Hehe.." Tapos uminon ulit ako sa kape nya hanggang sa naubos ko na "hala sorry naubos ko. Palitan ko nalang--"

"Hahaha ok lang. Wag na.. Sige mag kwento ka ulit" nafefeel ko naman na nakangiti sya sa likod ng mask nya. Ewan ko ba sa lalaking bat nag ma-mask lagi! Siguro ambaho ng hininga nito! Hehehe.

"Tapos ayun! Hehe plano ko nga landiin si Yoongi! Pero sympre joke lang! Ok na ako sa prens prens at buo na araw ko pag nakikita ko sya. Lalo na pag nginingitian nya ako! Yung puso koooooo~" napahawak ako sa puso ko "hindi ko alam kung makaka survive pa ako! Cause of death ko si Yoongi eh!" Narinig ko naman na tumawa sya kaya napatingin ako sakanya at tinaasan sya ng isang kilay. "Bat tumatawa ka?"

"Wala.. Hahaha ang kyuut mo lang."

"Alam ko! Hehehe"

"Army ka pala?"  Tumango tango naman ako na parang aso.



"Opkuuuurs! Hehehe kakasabi ko lang na Yoongi bias nga ako diba?" Napa-ahh naman sya.


Bakit parang feeling ko kilala ko tong si kuya mask? Pero familiar rin yung boses nya. Hayst! Baka naadik nanaman ako.


"Hala D! Anong oras na! Uuwi na ako! Baka sabunutan ako nung tatlo kong kaibigan pag hindi ko pa sila nachat." Nag mamadali ako tumayo at kinuha yung bag ko "sige una na ako ah? Next time nalang uliit! Byee"

"Byeee ingat ka." Sabay kaway nya kaya tumango lang ako at lumabas na ng coffee shop na yun.


~

Pag uwi ko naligo agad ako at nag palit ng damit pantulog at nahiga na sa kama ko at nag online ng messenger. Pag online ko ang ingay na ang Gc naming apat.


Coffee Shop | m.yoongiWhere stories live. Discover now