12

18 0 0
                                    




Yoongi POV





"Hyung aalis na tayo! Ano hindi mo pa ba pupuntahan si Miyu sa kwarto nyo?"






Nakatingin lang ako sa pinto ng kwartong pinasukan ni Miyu. Simula kagabi hindi pa sya lumalabas sa kwarto na yan.. Hapon na nga ngayon at babalik na kame sa seoul kaso hindi pa sya lumalabas at sya nalang ang hinihintay.






"Katukin mo na kase Yoongi! Drama nyong dalawa. Baho nyo!" Sabay lagpas sakin ni Hana at nauna na sila lumabas ng bahay.






Napabuntong hininga nalang ako at kakatok na sana sa pinto kaso bumukas na yun at lumabas si Miyu na nakangiti.. Kaso obvious sa mata nya na halatang hindi sya nakatulog buong gabi.






"Ah.. A-aalis na tayo.. Kakatok palang sana ako.." Napakamot ako sa batok ko at tinignan lang sya.





"Ay ako nalang ba hinihintay? Sorry.. "




"Ok lang.. Ahmm ano nakatulog ka ba?"





"Oo naman! Hehehehe sarap nga ng tulog ko eh! A-ano tara na?" Awkward.









Tumango nalang ako sakanya at sabay na kameng nag lakad palabas ng bahay at sumakay kame sa Van.









Miyu POV







"Miyuyu? Oks ka lang? Nawala ka kagabi ah.." Bulong ni Yuri sa tabi ko.









"Ok lang bat naman hindi?" Saka ako ngumiti.








Hindi talaga ako ok eh! Pano kase tuwing naalala ko yung mga sinabi ko dun kay kuya mask na si Yoongi pala -_- nahihiya ako! Yung mga sinabi kong kung ano ano tungkol kay Yoongi! AAAAIIIISH! tapos sa tuwing nakikita ko rin si Yoongi, feeling ko ang awkward na tipong pag nakikita ko sya gusto kong kainin ako ng lupa sa sobrang hiya ko humarap sakanya! Buti nga kanina nakayanan ko pa syang harapin eh!








" Ok ka ba nyan sa lagay mo? Kumakaway nga yung eyebags mo!"








Kinuha ko naman yung selpon ko at dun ako nag salamin.. Medyo obvious nga.. Hindi kase ako nakatulog ng maayos kagabi! Letse kase eh!








"Alam mo Miyuyu parang feeling namin hindi mo kame friends.. Hindi ka nag sha-share.." Nag fake cry pa sya kaya binatukan ko lang sya








Minsan ayaw ko talaga tumabi sa babaeng to.. Kung hindi ako mamalditahan, nagiging abnormal.. Aish! Basta moody tong babaeng to! Pero mas ayaw ko talaga tumabi kay Nari. Hindi ko keri tumagal sa alien na yun! Kay Hana nalang ok pa kahit medyo slow.. Hehehe..








"Drama mo! Atsaka tigilan mo nga ako sa kakatawag mo ng Miyuyu! Parang ewan!"









"Cute kaya! Hehehe.. "









"Cute mo mukha mo!"









"Hindi cute ang mukha ko no! Pang dyosa yan!" Humarap pa sya sakin tapos nag beautiful eyes pa. Ewwwwwwwww!












"Ulol! Dyosa? Asa ka gurl! Wag nga ako guluhin mo! Guluhin mo si Jungkook mo!" Sabay turo ko kay Jungkook na nasa left side nya.









Coffee Shop | m.yoongiWhere stories live. Discover now