08

27 0 0
                                    



Miyu POV




*ding dong! ding dong!*





"Aiish! Anlamig~ buksan nyo na yung pintoooo~" bulong ko sa sarili ko habang pinipindot parin yung doorbell ng pinto ng bahay nila Yuri. 10 mins na ako ditong nakatayo at doorbell ng doorbell!




Bigla naman bumukas. Sa wakaaaaaas! Pag bukas ng gate halos mapatili ako ng nakita ko si Hoshi dun na nakatayo at umiinom ng choco drink habang kumakaway pa.



"Annyeong! "




"A-annyeong.. Si Yuri?"




"Ah, ikaw si Miyu? Sorry kanina ka pa ba door bell ng door bell?" Tumango naman ako at napakamot sya sa batok nya. "Sorry hindi ko kase narinig.. Pasok ka." Tumango ulit ako at pumasok na sa loob at sya naman sinara ulit yung gate.





Bat sya gumagawa nun? Laki laki ng bahay wala silang maid? Guard o kung ano na pwedeng mag bukas ng gate at kailangan sila pa? Well.. Bat ko ba iniintindi yun? Buhay na nila yun!




"Tara hatid kita sa kwarto ni Yuri.."





"Ah.. Sige salamat."


"Welcome. Ikaw yung babaeng laging kasama ni Yoongi diba?"




Medyo namula naman ako.. Lagi ba yun? Parang hindi naman! Hehehe..



"Ah.. Oo."




"Mag on kayo?" Sana nga. Sanaaa...




"Hindi.. Friends lang."





"Ah.. Sayang bagay pa naman kayo."






YAH YAH I KNOOOOOW~ HEHEHEHE JOKE LANG!






"Sige na pasok ka lang dyan sa kwarto na yan tapos paki batukan yung kapatid ko para sakin.." Tumango ulit ako at ngumiti naman sya, yung ngiting wala ng mata.. Ewan ko ba kung nakikita pa ako nito.



Pag pasok ko sa loob ng kwarto nakita ko agad silang tatlo na naka upo sa mahabang sofa na nasa harap ng kama.




"MIIIIIYUUUUUU~"




"Grabe antagal mo!"






Nilapag ko yung bag ko sa gilid at nakiupo sa sofa at binatukan si Yuri.. Hehehe napag utusan lang.




"Aray bat nambabatok ka?!"




"Sabi ng kuya Hoshi mo.. Napag utusan lang."




"YAAAAAH HOOOOSHIIII!" Saka sya tumakbo palabas ng kwarto nya kaya tumawa ako.




"Hoy wag mo kameng tawanan! Mag kwento ka sa 'Date' kunno nyo ng mylabs mo?" Sabay batok sakin ni Hana. Mag tatanong nalang nambabatok pa.





"Uuyyy curious ka? Support na kayo samin ni Yoongi mylaaaaabs?" Ngumiwi naman sila at inirapan ako.



"Curious oo pero support? Ewan ko. Pake ba namin sa love life mo? Palove life-love life pa kayo mamatay rin naman kayo sa huli!" -Nari.




"MGA BITTER."




"Atleast hindi tanga."-Hana.




Coffee Shop | m.yoongiWhere stories live. Discover now