15

20 0 0
                                    

Miyu POV



Pag tapos ng klase namin kay Mrs. Park nag uwian na dahil sya naman yung last subject namin. Ako naman masaya akong nag aayos ng gamit, kase puta nafefeel ko parin yung kilig ko ngayon! Kahit na hindi kame yung may pinaka mataas na score sa performace masaya parin ako! Dinaig ko pa sila Yuri na sa sobrang saya ko. Hehehehe sila kase yung nakakuha ng perfect 10 diba nakakainggit? Pero la akong pake! Basta kinilig ako sa performance namin ni Yoongi ok na ako dun!hehehe

"Oy guyseu hindi ako sasabay eh? Susunduin ko pa si mader sa airport so una na ako ah? Byeeeee~ ingat kayo wag tatanga tanga!" Paala ni Yuri at tumakbo na sya paalis samin habang yung selpon nya nasa tenga nya pa.

"Hala ako rin! Myghaaaad! Nakalimutan kong pinapunta pala ako ni mommy sa bahay nila lola! Hala hala puta mauna na ako!" Natatarantang sabi ni Nari at hindi pa sya mag kaugaga dahil sa dami ng pag kain na hawak nya, hindi nya alam kung anong gagawin nya.

Sya ang nag papatunay na kahit wala kang lablyf may pag kain naman. Food is lyf nga naman -_-

"Letse samin nalang kase tong pringels! Tapos lumayas ka na!" Sabi ko sabay hablot ng pringels na hawak nya.

"Ah. Ok, sige una na ako ah? See you- wayt saturday bukas! Tara mall tayo?" -Nari

"Bahala na! Lumayas ka na! Nag mamadali ka diba? Psh penge nga akong nyang chocolate!" Sabay hablot naman ni Hana dun sa Cudberry.

Hindi na sya umangal at para syang ewan na tumatakbo papaalis kaya kame nalang dalawa ni Hana ang nag lalakad pauwi habang kumakain ng pag kaing nadekwat namin kay Nari.

"Ikaw? Baka may lakad ka rin ata?" Tanong ko.

"Edi sana iniwan rin kita. Hayst ang slow mo."

"Wow. Coming from you?"

"Baka ikaw ang may lakad? La ka bang lakad kasama yang Min Yoongi mo?"

Dahil na mention nanaman nya si Yoongi nag flash nanaman sakin yung live ko syang nakitang mag rap, harap-harapan ko pa! Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Para akong baliw.

"Hoy! Wag mo kong ngitian! Adik ka ba? Nag tatanong ako ngumingiti ka dyan. Ay beshy malala ka na. Try mo ng bumisita sa mental!"

"Tangina mo po. Aba sympre kinikilig ako! Ikaw hindi ka ba kinilig sa collab nyo ni Jimin kanina?" Bigla naman syang huminto mag lakad kaya napahinto rin ako.

"Bat nasali yung pandak na yun?"

"Wala. Bakit bitter ka? We dont talk anymore~" kumanta pa ako sa harap nya kaya ayun at nakatanggap ako ng batok sakanya. "Aray naman! Ang pikon nito pag dating kay Jimin!"

"Hindi ako pikon! Nababahuan lang ako sa pangalang Jimin."

"Bitter ka nga"

"Bakit natigman mo ko?"

"Ulol bat kita titikman? Ang alat mo for sure!" Inirapan ko sya at nag simula ulit mag lakad at sumunod naman sya.

"Ge na mauna na ako ah? Ingat ka pauwi! Wag tanga tanga ah?" Tumango lang ako sakanya at nag hiwalay na kame ng way.


Habang nag lalakad ako pauwi sa apartment ko nadaanan ko yung coffee shop na mahigit isang linggo ko ng hindi binibisita dahil naalala ko yung mga kabaliwan ko dyan. Yung mga kaewanan na pinag sasabi ko kay D, (Kuya Mask) na si Yoongi naman pala. Napailing nalang ako at pumasok nalang ako sa loob at dumiretso ako sa counter.

"Black coffee, 1 spoon of suga--"

"Spoon of me?"

"Ay kutsara!" Napahawak ako sa dibdib ko at napatingin ako sa likod ko para sapakin yung nang gulat sakin kaso pag tingin ko nandun si kuya-- i mean si Yoongi. Naka bihis sya ng kung ano yung lagi nyang bihis tuwing nag papanggap syang D, naka cap, mask at coat na napaka haba.

Coffee Shop | m.yoongiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang