Infatuation

215K 2K 74
                                    

PREFACE

Darating ang araw..

Maaalala mo sya..

Babalik ang nakaraan...

Babalik ang mga alaala..

At doon mo marerealize..

Kung paano ka nya 'MINAHAL'

At kung paano mo sya...

'SINAYANG....'

-Anonymous

**

-Sofia's POV-

My Name is Sofia Villamor.

18 years old.

Single? Of course! Pero hindi pa ready makipag mingle.

Breadwinner ako ng pamilya since wala na si Papa.

VIRGIN..!!! (isama talaga..?)

4 years ago, may minahal akong tao.. WHAAAAAAAAAAAT?!! Anong minahal ka dyan?! Erase this part please.

Hindi ko minahal si CHAD!!. No No No No!. Gusto mong pahiran kita ng kulangot?.

Sinabi ko bang si CHAD?. Ano ka ba Sofia napaghahalata ka eh.

I sighed, Kausap ko na naman ang sarili ko. Ganiyan ang mga nangyayari sa mga taong kulang sa tulog.

"EARTH CALLING SOFIA...!!!!"

"B-Bakeett..?" Nagulat kong sabi ng may kumalabit sa likod ko. Paglingon ko si Yika lang pala. Isa sya sa mga 'Circle of Friends' ko and when I say 'Circle of Friends' it consist of a group of crazy girls with superactive mind. Uhm, pero mas prefer naming tawagin as 'The Jerjer Girls' if you know what I mean.

Nagbabalance si Yika ng Tray sa isa nyang kamay. "Sabi ni boss pakilinis daw yung second floor."

"Okay." Simpleng sagot ko.She gave me that 'look' na parang sinasabi 'Tuliro ka na naman ilang katol ba ang hinithit mo?'. Sasagutin ko sana sya ng 'Tatlo' pero wag na lang hehe. See? Ganyan ang mag kakaibigan kahit walang sinasabi, isang tinginan pa lang alam na ang ibig sabihin.

Part time workers nga pala kami ni Yika sa isang fast food chain na itago na lang natin sa namesung na JBEE..

Naks, alam na..

Anyways, kailangan ko itong work para sa pag aaral ko. Excuse me lang hindi po ako mayaman katulad ng mga kaibigan ko. Hindi po ako katulad ni Yika na ipinanganak with golden spoon sa mouth.

College life ang pinag uusapan..

PUTEK..! isang sem pa lang pahirap na sa pamilya..

Kung hindi lang ako scholar siguradong wala na kong pag asang makapag kolehiyo..

Kaya naman ayan service crew ang drama ng lola nyo ngayon.

Si Yika naman hindi ko alam kung bakit gusto ding mag part time work dito. Mayaman naman sila. Actually, kahit habambuhay syang hindi mag trabaho mabubuhay sya.

These past few years naging malulungkutin nay an parati eh. Kung hindi mo kausapin hindi ka kikibuin. Tapos yung smile parang parating pilit. Kapag kinukulit ko naman na mag confide sa akin laging tikom ang bibig.

Marami ng nagbago sa kanya..

Ganoon din sakin...

Bago pa ko umakyat ng hagdan nakita ko pa si Yika na hinarang ng isang customer..

"Dyosa..." The man said. Si Yika yung nitutukoy nya kaya wag kayong maconfused. Second name nya ang 'Dyosa' sa weirdong pangalan nya. Bagay naman sa name nya ang mukha nya eh. Kaya hindi na nakapagtatakang habulin ang kaibigan ko ng mga kalalakihan.

"Ano na naman?" sagot ni Yika.

Omoh..! Yung lalaking kausap ni Yika yung anak ng Congressman si Keizer!. Napapadalas ang punta rito ng lalaking yan. Siguro nag sisimula na syang pormahan ang kaibigan ko..

Hmmmph! bahala na nga sila. Umakyat na ko sa taas at sinimulan ang trabaho.

Habang nag momop ako may nakita akong newspaper sa ibabaw ng isang mesa . Siguro naiwan ng isang customer.

Hindi ko na sana papansinin kung hindi lang sa picture na nasa front page.

Picture ni Chad dela Cruz with his metal rock band 'LASCIVIOUS'. Sya ang twin Brother ni Jade isa sa mga BFF ko. Four years ago nagkaroon kami ng 'something' but I don't think kailangan ko pang i-elaborate. Enough with this!

As I was saying, hindi ko talaga in-expect na after nyang maglahong parang bula apat na taon ng nakakalipas babalik naman sya ngayon as a famous vocalist ng isang band?. Therefore I conclude na totoo nga ang 'HIMALA'.

Noong high school kami takaw gulo ang lalaking iyan. I doubt it pa nga na nakatapos sya ng high school.

Hindi ako makarelate sa mga itsura nila para kasi silang mga sabog or rather, nasaniban ng kung ano mang maitim na espiritu kaya ayan ganyan ang mga buhok nila na parang kinuryente saka nila naisipang kuhanan ng picture.

Tapos yung mga kanta nila hindi ko maintindihan. Masyadong heavy metal. I mean may 'growling' pa kasi eh kaya hindi ko mainitindihan.

Tsh, Ano pa nga bang aasahan sa lalaking iyan?. But the headline caught my attention..

'FOREIGN ROCK BAND "LASCIVIOUS" ON TOUR!!"

First destination: PHILIPPINES!

Realization hit me hard on the face..

He's coming back..

**

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon