Just one night: 04

292 13 23
                                    

Continuation...

"Yoongi, anong ginagawa mo?"

Mabilis pa sa speed of light ng mapamulat ng mata si Yoongi at nanlaki ito kahit wala na talagang ikakalaki ang singkitan niyang mga mata. Kasabay nun ang bahagya niyang paglunok sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa ni Jimin at syempre kaba kung ano ang idadahilan niya kung bakit ganoon na lamang ang sobrang lapit niya sa lalaki.

"Ah ano.. uhm... kasi... may lamok!"

Isang malakas na sampal na tumama sa kanang pisngi ni Jimin. Pakiramdam niya matatapyas ang balat niya sa lakas at biglaang pagsampal sa kanya ni Yoongi at dahil sa biglaan din, ay hindi siya kaagad nakapagreact.

"Aish!" Inis na usal ni Yoongi nang masaktan niya si Jimin sa kdramahan niya kung saan may lamok ngang dumapo sa kanang pisngi nito sa malamang nakapasok dahil sa nakabukas na bintana. Lihim siya nagpasalamat sa pag-extra ng insekto at least matakpan ang bagay na gagawin niya sana kay Jimin kung nagkataon wala siyang matino na idadahilan para dito.

"Fck I'm sorry!" Aniya ni Yoongi saka hinaplos ang kanang pisngi ni Jimin nang makita ang pagpula nito.

"Tangina. Sorry talaga... Ayoko lang kasi makagat at masaktan ka ng lamok."

Napalakas ang pagsampal niya dahil na rin natataranta at hindi niya sinasadya iyun gawin.

Si Jimin ay napapakurap na lamang sa kinauupuan habang pinagmamasdan si Yoongi na sobrang lapit ng mukha nito na kitang-kita ang pag-alala.

"Ah, tama na." Hinawakan niya ang kamay ni Yoongi dahilan para matigilan din ito sa ginagawa at magkasalubong muli ang kanilang mga tingin. "Okay na ako. Nakicarried away kana."

Kung hahayaan ni Jimin si Yoongi sa ginagawa ay mas lalong naiilang siya lalo't ramdam niya ang mainit na palad nito.

Awkward na lumayo si Yoongi nang mapansin niya magkalapit parin sila ng mukha at pagkailang ni Jimin.

"Pasensya na talaga." Napakamot siya sa batok saka nahihiyang napalingon kay Jimin pagkatapos niya dumungaw sa bintana ng kanyang kotse.

Pagkurap at isang simpleng ngiti na may "salamat yoongi" ulit bago napayukong nagpapasalamat ang tinugon ni Jimin sa kanya na sinisink-in parin niya ang boses ni Jimin na sinasabi ang "salamat yoongi" dahilan para hindi mapansin ang palabas nito mula sa kanyang kotse.

Napabalik na lamang siya sa huwisyo ng marinig ang pagsara ng pintuan kaya naman dali-dali niya ini-unbuckle ang seatbelt at sundan si Jimin kung saan naglalakad na hagdan ito paakyat sa apartment.

"Dapat hindi mo na ako inihatid." Sabi sa kanya ni Jimin nang nasa pintuan na sila ng apartment nito. "Ang haba tuloy ng ibaba mo mamaya."

Sinundan ni Yoongi ang daliri ni Jimin nakaturo sa ibaba. Napangiwi siya dahil sa napakaraming steps ng hagdan ang ibaba niya mamaya. Hindi niya napansin iyun kanina ang pagkahaba dahil ang buong atensyon niya ay nasa likuran ni Jimin kung saan isang step lang naman ang ahead sa kanya habang umaakyat sila kanina papunta sa apartment nito.

Nagpumilit kasi siya naihatid at ngayon niya naintidihan kung bakit sinabi sa kanya ni Jimin na hwag siyang ihatid dahil mapapagod lamang siya iyun pala  ang inirerentahang apartment nito ay nasa pinakamataas na portion at mahaba-haba nga ang lalakarin niya pababa. Sa kanyang tansya ay makakatulog siya sa kanyang kotse sa halip na magmaneho.

Ang mas higit na inaalala niya ay baka hindi na siya makalakad kinabukasan.

"Walang problema. Sanay ako sa lakaran."

Tangina. Pagbangon nga sa kama mo hindi mo magawa Yoongi sa lakaran pa na kulang na lang lagyan ka ni Jeonghan ng leash sa leeg at kaladkarin para pumasok sa klase.

Peaches N' Cream✿y•min°r18+Where stories live. Discover now