Continuation...꧁expect the unexpected꧂
"Kung anuman ang hindi nyo pagkakaintindihan ni Jimin, maayos din iyan, nak. Ipabahala mo na lang muna kay Batman yan."Sa paglabas ni Chaelin at pagsara ng pinto ng kanyang kwarto, ang pag-angat ni Yoongi ng kanyang mukha mula sa pagkasubsob sa nakadikit niyang dalawang binti sa magdadalawang araw na niyang pagmukmok sa kanyang kwarto.
Martes ngayon, dapat nasa El Mariachi siya ngunit dahil sa hindi humarap kahapon si Jimin sa pangalawang paghanap ng guidance counselor sa presence nito, pinatawan sila ng one week suspension sa scandal na kanilang kinasangkutan—siyang mas lalo lang niya nararamdaman ang naiwang presensiya ng babae sa apat na sulok na silid nito at sa mga naiwan nitong mga personal na gamit.
Ganoon lang siya. Naghihintay sa pagbalik ni Jimin habang nakatingin sa puno na mapalit sa nakabukas niyang bintana. Nagsasaalisan na ang mga tuyong dahon sa sanga nito ay walang ginalaw si Yoongi sa kanyang puwestuhan. Nakakilang ihip na rin ng hangin ang pumasok sa kanyang kwarto, nagpagalaw ng ilang hibla ng kanyang buhok, ganoon parin siya nalulunod sa kawalan. Hindi na rin niya naririnig ang ingay ng nagbebenta ng taho at malakas na sigaw nung komekolekta ng bote papel at diyaryo sa kalsada pati yung mga anik-anik dyan naglalasing at nagwawala sa videokehan sa kantuhan na maya-maya lang dadamputin ng mga tanod na rumurunda.
Hindi nga rin niya narinig ang tanong sa kanya ni Jungkook kung kakain na ba siya ngayong hapunan kaya umalis na lamang si Jungkook na walang nakuhang sagot sa kanyang kuya.
"Bunso, ano daw kakain na daw siya?"
Umiling si Jungkook. Nakita niya ang pagbuntunghininga ng ina.
"Ma, parati naman ako brokenhearted at reject kay Taehyung pero hindi naman ako nagkakaganun katulad kay Kuya akala mo namatayan."
"Kung ikaw ba naman namatayan ng puso't kaluluwa, hindi ka magkakaganyan?"
Napangiwi si Jungkook. Kailan pa nagkaganito ang nanay niya?
"Yung kuya mo kasi, minsan lang ma-inlove at kung ma-inlove siya sa iisang tao lang. Eh ikaw may Taehyung kana, may IU pa at ngayon may Arianna Grande na naghabol pa ng last trip sayo at nakipagselfie pa daw kayo. May mga reserba ka, yung kuya mo wala. Sa kanila ba, sino ba talaga ang totoong nagugustuhan mong bata ka, ah?" sunod-sunod na linya ni Chaelin habang pinaghahain ang bunsong anak ng kanin.
Syempre ano pa ba ang ulam nila ngayon, lamb skewer. "Akala ko takot ka sa babae, ah?"
"People changed at international playboy, hindi ba? At hindi na ako si baby koko."
"Ay ewan ko sayo." tumayo si Chaelin para kumuha ng pitsel ng tubig sa ref. "Pagkatapos mo dyan, dalhan mo ang kuya mo ng hapunan niya sa taas at ako'y babalik pa ng ospital."
"Ma, hindi ba kayo nababahala baka bigla na lang nagpatiwakal si Kuya? You know, too much love will kill you."
Napatigil si Chaelin sa paghanda ng tray para ihatid ng bunsong anak sa panganay niya na wagas magdrama nitong mga nakaraang araw.
"Hindi iyun papayagan ng kanyang guardian devil este angel pala."
"Ma, ang tanda-tanda nyo na napapaniwala parin kayo sa mga guardian-guardian na yan? Buti si kuya lang ang nagmana sa inyo. Hindi naman totoo ang mga demonyo at anghel eh."
"Kapag may nakita ka maniniwala ka?"
Hindi matiyak ni Jungkook kung tatanggapin bang biro iyun o seryosong usapan. Sa paraan kasi ng pagtanong sa kanyang ina, may tiyakan.
BINABASA MO ANG
Peaches N' Cream✿y•min°r18+
Fanfiction❝I never thought eating peaches would be tastiest with cream until I met you.❞ - Yoonmin on their different characters, plot, places, events and scenarios IN SHORT this book contains not only one yoonmin story but more than of it. Yoonmin's drabbl...