Continuation...
꧁he loves me (not)꧂
"Ayoko ang babaeng iyon para kay Yoongi."
Ito ang sagot ni August nang kumprontahin ni Chaelin ang pagsulpot ni Jeongyeon sa kanilang pamamahay.
"Una, ginigiit mo na hindi mo siya anak tapos ngayon pakikialaman mo ang lovelife ng anak ko?"
Buong sarkastikong natawa sa kanya si August. "Chaelin, sa tingin mo hindi ko mapapansin ang mga galawan mo ah? Sabihin mo nga, ang Jimin na ba iyun tao o kalahi ng nakaraan mong incubus?"
"Ano naman sayo ngayon kung tao man siya o hindi? Ang importante nandyan siya para kay Yoongi at handang pumatay para kay Yoongi. Kaya magdasal kana. Marunong kabang magdasal?"
Nagulat lamang si Chaelin nakahawak na sa kanyang leeg ang kamay ni August. Hindi siya nagprotesta. Hinayaan niya ang kuko nito na bumaon sa kanyang balat. Sanay na siya sa ganitong sistema.
Sa panlaban na tingin, palaban siyang nagsalita.
"Ano papatayin mo ako? Sige patayin mo na ako para matapos na ang higit labing walong taon na pagtitiis ko sayo!"
Napahawak siya sa leeg nang marahas siyang binitawan.
"Tapatin mo nga ako, hanggang ngayon ba nakikipagkita ka parin sa kanya, ah? Ang sabi ko hanggang ngayon ba nakikipagkita ka parin sa kanya, Chaeeeeelin-sagot!"
Nakikita ni Chaelin ang pagngitngit sa kanya ni August sa kabila nun, taas-noo parin siyang nagtaas ng mukha.
"Yan ang linya ng mga taong walang tiwala."
"Paano ako magtitiwala sayo kung marami kang tinatago sa akin! Sabihin mo, nakikipagkita ka parin ba sa kanya?! Ah, Chaelin?!"
Ito ang madalas naging puno ng pag-aaway nila na madalas naaabutan at naririnig ni Yoongi sa twing maghihiwalay sila ng mundo ni Eugene sa panaginip nito.
Ang nurse sana papasok para daily round nito ay nagulat sa sitwasyon tuloy, nagdadalawang isip kung sisingit ba sa usapan ng mag-asawa na mukhang nagsisimula palang mag-away.
Ang nurse, umalis na lamang baka pati siya madamay. Sa pagliko, aksidenteng nagkabanggaan nito ang pang-worldwide handsome na mukha ng sikat na surgeon sa Ma City, si Seokjin.
Ang surgeon naman badtrip din sa kanila ni Namjoon. Maghanap na lang daw siya na mas hihigit kay Namjoon in short, nabasted siya.
Ang dinadrama niya ngayon ay ang mag-iisang linggo ng hindi siya nito pinupuntahan sa milktea shop o kahit makipag-short business meeting man lang sana sa kanya. Yung pagkikita nila ni Namjoon sa ospital nitong nakaraan, nag-iiwasan na sila noon.
Kaya heto siya ngayon, lutang naglalakad pabalik ng kanyang opisina galing OR.
"Baka mas gwapo lang talaga ako para sa kanya at para maging kami-kaya lang..." saka siya nag-rant. "Kaya lang hwarangina may nangyari sa amin! Subukan ulit niya magpakita sa akin, i-chi-chainsaw ko na ang bagay tumatayo sa kanya!"
Napapikit. Napapahilot ng sentido. Iniiwasan na mastress para iwas anti-aging. Habang nagse-stress reliever siya ay siyang nakabanggaan niya ang nurse.
"Irene naman. Tumingin ka naman sa dinaraanan mo. Nabubunggo mo na ang kagwapuhan ko."
Pero hindi kay Irene napunta ang kanyang buong atensyon kundi sa kakilala niyang lalaki nakatayo sa pintuan ng kwarto ng tatay ni Yoongi. Nakahawak ang isang kamay nito sa doorknob, nagdadalawang isip kung papasok ba o sa hindi.
BINABASA MO ANG
Peaches N' Cream✿y•min°r18+
Fanfiction❝I never thought eating peaches would be tastiest with cream until I met you.❞ - Yoonmin on their different characters, plot, places, events and scenarios IN SHORT this book contains not only one yoonmin story but more than of it. Yoonmin's drabbl...