Chapter Nine: ACCIDENT BULLIED

7.2K 94 4
                                    

CHAPTER NINE

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Shann's POV)

Naiwan ako dito sa rooftop na GUILTY. Naguguilty ako sa pananakit ng feelings ni Mika. Hindi yung natural at common na pananakit. Parang dito nalang ata ang matatapos ang pagkakaibigan namin?

Napahugulgol ako dahil sa pinagsasabi ng isip ko. Malabong hindi mangyayare iyon, diba? Kaibigan ko siya-- hindi lang isang kaibigan-- kapatid na ang tingin ko sa kanya. Alam ko may tiwala siya sa akin pero sinira ko dahil sa rason na di ko mapipigilan ang sarili ko sa mga needs na iyan.

'sorry' iyan lang ang kaya kung sabihin sa nasasaktan ko at masasaktan ko. I didn't meant it to hurt them.

Im sorry...

Pinahid ko ng kamay ko ang basa kong pisngi ngunit kahit ilang punas pa ang gawin ko--- ayaw tumigil sa kakatulo ang mga luha ko. Nagiging iyakin na ako T_________T .

Tumungo ako sa hagdan na pababa habang nakayuko.

Ewan ko pero feeling ko-- mali totoong iniiwasan ako ng mga estudyante na para bang may sakit ako. Gusto ko ipagsigawan na mali sila-- gusto ko mag- explain pero wala naman ako masasabi. Itong ako? Itong ako ngayon? Iyan lang ang ayaw nila sa akin.

"PATHETIC"

"SHE LOOKS LIKE BASURA"

"DESERVE NIYA YAN"

"BITCH"

"MAY BOYFRIEND NA NGA, LUMALANDI PA SA BOYFRIEND NG IBA"

"MASARAP SIGURO SA KAMA"

"NAAAWA AKO KAY DRIC, MUNTANGA EH"


Mga ilang naririnig ko. Tumulo nalang luha ko ng marinig ko ang pangalan ng lalakeng mahal ko.

Sa ilang araw na nakalipas-- ginawa kong tanga si Dric. Nagsinungaling ako sa kanya.

Natatakot kasi ako na sabihin ang lahat. Natatakot ako na isa na siya sa pinandidirian na ako. Natatakot ako na mawala siya sakin. Hindi ko kayang mawala siya.

Pero-- may karapatan siyang magalit sa akin, diba? May kasalanan ako na hinding hindi mababayaran ng ilang salapi.

Hayst karma ko ba ito?

"Oh the slut is here" Napaangat ang tingin ko ng may magsalita sa harap ko. Yumuko naman agad ako ng makilala ko iyon.

"Stacey" tawag ko sa kanya. Well siya lang naman ang laging naninira sa akin. Di tulad sa wattpad na may mga buntot buntot sa kanyang hipon kuno. Hindi mukhang hipon si Stacey ah. Ako siguro yung hipon dito eh. Hayst.

"Well musta naman? Masayang bang pandirian ng lahat? Hahaha!" Tawa nito at sumabay pa ang mga estudyante na nakikinood.

Wala ba silang balak na tulungan ako? Ah-ha-ha ano ba ang inaasahan ko? Tutulong ba sila sa PINANDIDIRIAN nila? No, imposible iyon. Kung sa wattpad life siguro pwedeng baguhin ang pangyayare ngunit iba 'to eh. Real life to. Mahirap takasan ang mangyayare.

Kasalanan ko itong lahat...

"Shann may peace offering pala ako" balak ko sanang mag- angat ng tingin pero---

"Wahhh ewww you slut!" Nasukahan ko siya. Ewan pero bigla akong nasuka. Mga amoy pawis lang naman ang naamoy ko dito. Parang walang hangin na dumadaan (A/N: yahh wag umangal) eh dahil pinapalibutan kami ng mga estudyante.

Hindi na ako nagulat ng bigla niyang hilahin ang buhok ko ng napakalakas. Sinsabunutan niya na naman ako. Masakit yung pagsabunot niya pero deserve ko ang masaktan, diba? Marami akong nasaktan ng tao.

"Walang hiya ka *hik* Shann! Mang- aagaw ka!" Sigaw nito ngunit humihikbi. Alam ko nasasaktan siya kaya sa akin niya binuhos ang lahat at ipinaparamdam sa akin na gaano kasakit yung ginawa ko.

"WOAHH GO STACEY!"

"YAN MAKATI KASI!"

"KALBUHIN NA YAN!"

"AWAY AWAY AWAY!"

Sigawan ng mga sumusuporta ni Stacey. Wala akong narinig na naaawa. Bagay lang sa akin ito. Gusto ko mang sumigaw na tama na. Hindi ko magawa. Alam ko naman na hinri siya titigil eh. Hinayaan ko nalang siya ULIT na sabunutan ako.

"Stacey tumigil ka na!" Kahit di ko nakita ang mukha nito alam ko si Dric ang sumigaw.

Bigla naman akong binitawan ni Stacey ngunit itinulak sa--- hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sobrang sakit--- nahihilo ako hanggang sa--- pumikit na ako.

(Dric's POV)

Kasalakuyan akong naglakad takbo para hanapin si Shann. Wala kasi siya sa classroom nila at um- absent pa. Ano naman kaya ang pinaggagawa nun? Saan kaya iyon nagpunta? Nakalimutan ba niya na sabay kaming maglunch?

Habang lumilinga linga ako nakita ko sa di kalayuan na para bang may pinagkaguluhan. Bigla naman akong kinabahan.

Tumakbo akong lumapit doon. Kahit hinihingal pa ay winaksi ko ang mga estudyante na humaharang sa daan.

"Stacey tumigil ka na!" Sigaw ko. Tumigil naman siya ngunit itinulak niya si Shann sa mini bench dito sa lobby at---

Biglang huminto ang mundo, ang oras pati na ang hininga ko ng makita ko ang di inaasahang pangyayare. Narinig ko pa ang mga ilang pag- singhap ng mga estudyante.

Parang may emosyon n bumabalot sa akin na galit. Galit dahil sa ginagawa ni Stacey. Napabaling ang tingin ko kay Stacey na ngayon ay napatakip ang bibig at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. Sa di ko alam ang dahilan bigla ko siyang sinigawan.

"Stacey look what did you do!! F*ck! Ganyan ba ang gusto mong mangyare kay Shann?! Tang*na lang Stacey pagmay mangyare kay Shann-- hindi na ako magdadalawang isip na patayin ka" seryosong sambit ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na masapak ang babae na ito. Ito ba ang pinili na girlfriend ni Caleb? Tsk bat sarap patayin? F*ck!

Bumaling ang tingin ko kay Shann na ngayon ay nahimatay at may pula na dumadaloy sa kanyang hita. Dali dali ko siyang binuhat at ng pagtayo ko nakita ko si Caleb. Hindi ko nalang ito pinansin at tumakbo kaagad ako papunta sa parking lot. Pagkatapos ay pinahurot ang sasakyan. Dadalhin ko si Shann sa hospital. Mas safe siya doon.

Kahit nagdadrive ako ay paminsan minsan ay bumabaling tingin ko kay Shann. Namumutla siya at f*ck andami talagang dugo. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya at hinalik halikan.

"Wife, Im here sorry di ko napigilan na mangyare 'to, sorry" sabi ko at tumulo kaagad ang luha ko ng sabihin ito.

"Baby? Daddy is here please kapit ka lang ha mommy ha"

************************************

Huwattt?! Anong baby, hubby? May baby tayo? *Binatukan ni Shann* ayy joke lang nuh. Hihi nakikihubby lang naman eh.

Pero huwattt?! As in? Baby? Omoo may baby na sila ni Dric. Pero-- ang kay Dric ba talaga?

Noted

Pagnainlove ka,
Wag masyadong magpakatanga,
Kasi hindi porket nag I LOVE YOU siya,
May lovestory na kayong dalawa.

Yeyy kung sino man ang may gusto magpagawa ng poem diyan? PakiPM po ako.

Thanks for subaybay 😂

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Where stories live. Discover now