Chapter Twenty Eight - Love not Lust

3.1K 54 2
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Dylan's POV)

Mga ilang oras din akong nagmukmuok dito sa kwarto bago ko naisipang bumaba. 8:37 na din kasi kaya gutom na din ako. Pagkapasom ko sa kusina ay bumungad sa akin ang masayang naglalampungan sa hapag kainan ang mag asawa. Soon magiging ganyan ang mangyayare sa future namin ni Shann.

"Hi mom, dad" sambit ko na nagpatigil sa kanila. Lumapit naman ako at hinalikan sa noo ang ina ko at nagmano sa ama ko. Pagkatapos ay umupo na ako. Gutom na talaga ako eh. Nagutom ako sa pagpatay sa isip ko si Dric. F*ck!

"Dylan, bakit di mo kami pinansin ng mommy mo kanina? Yun ba ang tinuro namin sa'yo?" Panimula ng ama ko. Napatigil naman ako sa pagnguya ng pagkain sabay tingin kay daddy. Ano nama ang isasagot ko? Sasabihin ko na ba badmood ako dahil sa niligaw ako ng pesteng Dric na yun? Para ano? Para ikahiya ako kasi ang bagal bagal kong kumilos? Bakit ba ako mag-iisip? Alam naman nila na straight to the point ako diba? Tsk.

"Hindi ko kasi nasundan si Shann" kasalanan yun ni Dric. Arggg kumukol talaga ang dugo ko pagbabanggitin ko yung pangalan na yun.

"Nako anak hindi naman kami nagmamadali na makita namin si Shann. As long as safe siya ok na sa amin yun" sagot naman ng ina ko. Tumango nalang ako bilang sagot at pinagtuloy ang pagkain ako.

Tahimik akong nag-isip at kumain nang biglang nagsalita si mommy.

"Nga pala, anak, may naghanap pala sayo. Sabi niya kasosyo mo raw tas sabi pa niya tawagin mo siya pagnakauwi ka na" sabay lahad sa akin ng isang card. Kinuha ko naman uto at binasa.

Napatigil naman ako at nabitawan ang kutsara at tinidor.

"Oh anak may problema ba?" Sabi ni mommy pero di ako sumagot.

Kasosyo? Teka wala naman akong alam na kasosyo ko sa isang--- wait hindi kaya yung company na binilhan namin ni Caleb?

'Welcome sa aking business, kasosyo, Mr. Dylan Gonzalo at Mr. Caleb Dominguez'

Siya nga! Yung lalake! Siya lang kasi yung narinig ko na timatawag sa akin na 'Kasosyo'. Pero bakit naman? Bakit tawagin ko siya? Atsaka bakit kailangan pa niya akong puntahan dito? Napatayo nalang ako at dali daling umalis sa kusina. Parang nawala yung gutom ko dahil sa naisip ko. Sana naman walang problema. Malinis yung pakikipagkontrata namin sa kanya.

Teka speaking of Caleb? Nasaan yung cellphone ko?!

(Shann's POV)

Hindi ko na mabilang ang araw na nakakulong pa rin ako sa kwartong ito. Halos walang pinagbago ang lugar sa tuwing pipikit at didilat ako eh. Hayts! Nga pala umumbok na ang tiyan ko. Yey! Excited na talaga ako kung baby boy ba o baby girl 'to eh. Pero gusto ko both hihi kambal? Ayy di ko atang umiri ng dalawang pakwan este bata. Atsaka puro healthy foods ang ipapakain nila sa akin tas nagtataka naman ako ng biglang may pumasok diro sa kwarto at dala dala ang gusto kong kainin. Tulad ng hotdog and bagoong.

Napahimas naman ako sa tiyan ko at napapikit nalang. Minsan pala gusto kong magdukit. Argg huhu pero pinigilan ko kasi baka magkasugat si baby ko. Minsan din may nagpipigil sa akin dahil may bigla nalang may pumasok na nakawhite gown. Wahhh ayaw ko na biglang may dugo na lalabas sa ari ko. Hayts! Nahihirapan na ako. Mabuti na din ito na nakakulong ako dahil natutulungan ako ng mga tao sa labas. Ilang araw na din ang lumipas hindi ko pa ulit nakita si Dric. Paminsan minsan lang kaya siya pwedeng papasukin dito. Wahhh nubayan! Ayy alam niyo ba? Pansin ko na iba yung kinikilos ni Dric? Ewan pero ramdam ko na kinakabahan siya sa bawat titig ko. Atsaka parang gusto niyang gibain ang pader. Ehhh? Wala naman akong nakitang dahilan na kung bakit eh.

Napabungtong hinga naman ako. Sana pagkatapos nito. Makita ko na ulit si Dric at makasama siya ng matagal. Matagal kasama ang magiging-- baby namin? Sana nga.

"Wahhh Dric!" Sigaw ko at patalon talon na lumapit sa kanya. Nagtotopic lang tayo na about sa kanya-- nandito na agad siya! Yey!

"Hey easy, wife" natatawa niyang sambit at niyakap ako ng mahigpit. Napasiksik naman ako sa leeg niya at bigla nalang napaiyak. Ehhh namimiss ko kasi siya eh.

"Shhh stop crying-- nandito na ako" bulong niya sabay buhat sa akin. Naramdaman ko naman na umupo siya sa gilid ng kama habang yakap yakap pa rin ako. Umiyak lang ako ng umiyak at kahit puno na ng luha ang balikat niya ay hindi siya nagreklamo.

Maya maya ay tumahan na ako tapos humiwalay sa yakap niya. Napasimangot naman ako ng bigla siyang tumawa dahil sa hitsura ko na HAGARD.

"How's our baby?" Tanong niya at hinimas ang tiyan ko. Napangiti naman ako. Ang sarap kasi sa pandinig yung 'how's OUR baby' yiee kinikilig ako.

"Ok lang po ang baby 😊, Hubby" sagot ko. Ngumiti naman siya at binigyan ako ng mabilisang halik sa labi. Nagulat ako sa ginawa niya kaya napahawak ako sa labi ko.

'Hala? Bakit niya ginawa iyon?' tanong ko sa sarili ko. Napatitig nalang ako sa mga mata niya at bumaba sa labi niya. Napakagat ako sa labi. Ganun pa rin-- mapupula-- kissable lips at masarap ang bawat halik na ibibigay.

Lumapit yung mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya ng dahan dahan. Hanggang sa----

"I love you, Hubby" nakangiti kong sambit. Ewan pero hindi ako nag-iinit sa kailangan ng katawan ko kundi nag-iinit sa pagmamahal na pinaramdam ko.

Napapikit ako ng hinila niya ang batok ko at hinalikan ulit ako sa labi. It was passionate at memorable. Pagkuwan ay napatigil siya---

"I love you more as always and forever, Wife" and then he kiss me at my forehead.

************************************

Awieeee ako'y kinikilig huehue ahahaha sweet naman ni Dric parang yung imaginary boyfriend ko? Ahaha joke lang syempre sweet talaga iyon, boyfriend nga diba?

Sa tingin niyo? Anong laman ng POV ni Dric sa next Chapter? Bakit kaya kinakabahan si Dric sa bawat titig ni Shann? Hahaha!

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon