Chapter Fourteenth: REVEALATION?

5.1K 71 8
                                    

CHAPTER FOURTEENTH

************************************

DEADLY SIN

************************************

(Dylan's POV)

Marame akong nasabi na alam ko imposible at posible. Imposible na ako nga ang ama ng bata at posible din na ako. Nasabi ko na ang lahat! Lahat pati na yung mahal ko siya at yung pag- ako ko sa dinadala niya.

Hindi ko yun pinangarap na ganun ang mangyayare sa pag uusap namin. Hindi ko sinasadya na magkapasa siya. Hindi ko ginusto lahat.

Oo ginusto ko na lagyan namin ng droga yung kinakain niya para sa mga panahon na kailangan niya, nandoon kami--- ako. Ginusto ko iyon dahil mahal ko siya.

Kahit ganito ako magsalita yung straight to the point ako. Walang pagdadalawang isip at medyo padalos dalos kumbaga. Alam ko may mali sa ginawa ko kay Shann. Ang gusto ko lang ay maging akin siya. At gagawin ko ang lahat para maging akin lang siya. Hindi kay Dric at hindi din kay Caleb.

Sa akin lang siya...

Sa akin lang si Shann...

Kahit magkaalaman na.

(Shann's POV)

Mga ilang araw na ang nakalipas at hindi ko na nakita ulit si Dylan pero lage ako nakatanggap ng mga text galing sa kanya. Iyong parang boyfriend dahil sa sobrang sweet.

'Magsleep ka na, ha. Alagaan mo ang baby natin :) '

'Huwag ka magsyadong mag- isip baka ma- stress ka lang'

'I love you'

Ganyang mga text. Errr buti nga hindi nagtanong si Dric kung bakit ayaw ko ipahiram ang cellphone ko sa kanya. Ehh baka kasi mabasa niya yung mga text. Ako naman na magaling na Ms. Palusot nakagawa ng paraan. Ganitong palusot---

'Ayaw ko lolowbatin mo lang, eh'

Hayst ang hirap. Hirap na hirap na ako dumagdag pa ang hirap na dinadala ko ngayon. At hindi ko pa alam kung sino talaga ang ama.

Napatingin naman ako kay Dric na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko kasi siya pinatulog sa sofa. Ewan pero gusto ko siya katabi. Siguro siya ang pinaglilihian ko? Ahaha ang cute niya kasi, eh.

Napangiti nalang ako ng maisip ko yung pangarap namin na magkababy. Sabi pa nga niya limang baby daw. At ang loko seryosong seryoso siya nung araw na sinabi niya yan. Pangarap namin na mabubuo na. Mabubuo nga ba? Ehh hindi ko nga alam kung sino. Kung siya ba? Pero sana siya nga.

"Wife? Do you need something?" Sambit niya. Naalimpungan ata dahil sa hinahawakan at hinahaplos ko ang mukha niya. Ngumiti lang ako at umiling. Hindi na ako nagulat ng biglang tumulo ang luha ko.

Dali dali naman niyang pinunasan ang luha ko. Ganyan si Dric sobra kung makataranta pagnakita lang niya may luha sa pisngi ko. Na para bang ayaw niya na naiiyak ako.

"Ang iyakin mo na" sabi niya pa. Siguro dahil din sa buntis ako? Kaya napakaiyakin ko na? Wahhh kainis naman oh.

Lumapit lang ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na halik na para lang sa kanya. Nga pala nadischarge na ako. Kahit ayaw pa ni Dric ay napa- oo nalang dahil sa kahinaan niya. Alam niyo na siguro? Yung pag- iyak ko, iyon ang kahinaan niya. Nandito pala kami sa bahay ng parents niya. Ewan kung bakit dito. Si Dric ang nagdrive ng kotse eh.

"Hubby ko, mahal mo ba ako?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya sinagot ang tanong ko na nagpapahugulgol ng iyak ko.

"Talaga? Kahit flat ako?" Gusto ko matawa sa tanong ko kasi paulit ulit ko kasi yan tinatanong sa kanya eh. Kahit alam ko na ang sagot gusto ko pa rin marinig ang sagot mula sa bibig niya.

"Opo, kahit flat po kaya ko pa rin patigasin utong mo haha" malokong sagot nito kaya ayun siya nakatanggap ng hampas sa akin. Hindi kasi iyon ang sagot niya noon eh. Ganito kasi iyon--

'Flat man o hindi ka, hindi naman katawan mo ang habol ko, kundi ang puso mo na minamahal ako' oh diba ang sweet. Mahal niya talaga ako.

"Libog mo!" Natatawang wika ko sa kanya.

"Gusto mo naman, eh" sabi niya. Napatango naman ako kasi oo, gusto ko naman na malibog siya eh pero love love ko pa rin ang hubby ko.

"I love you, Wife" seryosong sabi niya sa akin habang hawak hawak ang pisngi ko. Napatitig nalang ako sa mga mata niya. Ang mga mata na kinatatakutan ko na baka di na kayang tumingin sa akin na ako ang mahal niya.

"Mamahalin mo pa rin, ha. Dric sana--- sana mahal mo pa rin ako sa pagmulat ko" makahulugang sambit ko sa kanya. Umupo ako sa harap niya. Nakahiga pa rin siya at may kunot noo habang tinitigan ako.

"Shann, Wife-- alam mo't alam mo na mahal kita. Ikaw na ang naging buhay ko. Diba pinangako ko na mamahalin kita hangga't may dahilan ako na mahalin ka pa? Alam mo din yung dahilan diba? Yung dapat mahal mo rin ako at alam ko iyon din ang dahilan mo kaya't mahal mo pa ako" mahabang lintaya niya. Tumango tango at napahugulgol sabay humiga sa katawan niya at doon inubos ko lahat ng luha ko na parang di naman mauubos.

Masaya ako kasi naaalala pa niya pero naiiyak talaga ako eh. Para kasing heto na ang huli na marinig ko yun mula sa kanya?

"Sana wag mo naman iparamdam sa akin, Shann na talo ka na. Ayaw mo na ba?" Umiling lang ako. Naramdaman ko nalang na yumakap siya ng mahigpit na mahigpit. Kahit nahihirapan ako sa posisyon namin niyakap ko din siya pabalik.

"Sorry-- hindi sa ayaw ko na pero baka kasi ikaw yung ayaw na pagnalaman mo lahat" napapikit nalang ako. Kahit sa pagmulat ko nito at makita ko ang mata niya na -- wala na. Ok lang, kailangan niyang malaman ito. May karapatan siyang malaman ito dahil mahal niya ako.

"Wife may pinangako na ako at hinding hindi ko yun babawiin iyon. Kahit ano pa malalaman ko hindi ako aayaw sayo dahil mahal kita ng sobra" malambing na pagkasabi niya sakin at hinalik halikan ang ulo ko. Tumango ulit ako bilang sagot. Hindi muna ako nagsalita at naghanap muna ng lakas ng loob para sabihin ito--

"Dric, b-buntis ako----" natahimik ako dahil sa wala akong narinig kahit ano kay Dric. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tumayo nalang bigla.

"Woahhh! Magiging daddy na ako!" Sigaw niya. Sabay ikot sa akin sa ere. Nakakahilo pero kaya ko naman.

Sorry Dric pero--

************************************

Kyaaaa kinikilig ako sa kasweetan ni Dric.

Wahhh aaminan na this! Haha!

Abangan!

DEADLY SIN: Playing Pleasure With Best Friends (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon