Chapter 7

19.3K 159 2
                                    

Hennessy's

"Do you have feelings for him?" Tinaasan ako ng kilay ni Hero. W-wala ah." Sagot ko sa kanya.

"Then bakit ang laki ng epekto ni Chad sa iyo?" Andito siya ngayon sa office ko. Huwala naman daw siyang meeting today at boring daw sa building nila kaya siya pumunta dito. Walking distance lang naman.

Hindi ako naka sagot sa tanong niya. "Yung totoo? Ano ba talaga ang nararamdaman mo?" Tanong niya sa akin.

Honestly, hindi ko alam. All i know is i'm happy when i'm with chad and i feel safe when i'm with him. Parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita. Pero dahil sa na rape ako, lagi kong iniisip na hindi pa ako handa mag mahal, na hindi pa bukas ang puso ko. That's why i think na my love for chad is just like my love for my brothers. Na parang kapatid lang ang turing ko sa kanya.

"Honestly, i dont know. Ano sa tingin mo?" I asked him. "Ano ba ang sinasabi ng puso mo?" Sabi niya.

"W-wala. Ewan ko." Nag buntong hininga ako. "Wala ba talaga o ayaw mo lang pakinggan?" Para siyang si jack sa tono ng pananalita niya.

"Naguguluhan ako. Bakit mo ba naiisip iyang mga ganyang bagay? Have you ever fell in love?" I asked him.

He grinned. "Ofcourse. But it's complicated. Hindi kasi kami makalabas kasi baka may paparazzi baka maging issue pa." Sabi niya.

Sinabi niya kasi sa akin before na walang nakakaalam about sa sexuality niya. "Sino ba kasi iyang jowa mo? Kilala ko ba iyan?" His smile became wider.

"Sabihin nalang nating, yes kilalang kilala mo." Lalo naman ako na curious sa sinabi niya.

"Balik tayo sa iyo. Bakit ba parang hirap ka na mag mahal?" He curiously asked. "I'll tell you the truth pero sa atin lang to ha besides, kaibigan naman na kita." Totoo naman iyon na kaibigan ko siya. Lagi na kami nag cocoffee shop at madalas na din siya mang bulabog dito sa opisina ko.

"Augustus raped me." Nakita ang gulat sa mukha niya. "WHAT!?" He shouted. "Your big mouth!" Natauhan naman siya na napalakas ang boses niya.

"Basta saka ko nalang ikukwento sa iyo kung bakit." Sabi ko. "Kaya pala nag stay ka sa greece." Sabi niya.

Napataas ang kilay ko. No one knows na nag stay ako sa greece except for my family, unless may nag sabi sa kanya sa mga kapatid ko. "How did you know that? Pamilya ko lang ang nakakaalam na nag greece ako."

Umiwas siya ng tingin. "E-eh kasi ano—" someone suddenly opens the door. "Henne— BABY WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Jack shouted nang makita niya si Hero.

Napatayo ako sa kinauupuan ko ganoon din ang kilay ko. "BABY?!" Did he just call hero baby?

"I-i mean you. Babygirl what is this g-guy doing here." Nag iwas siya ng tingin at parang nakaramdam ng ilang.

"Babygirl? Me? You never call me that." Sabi ko kay jack. Si hero ay hindi nag sasalita at parang gulat padin sa nga nangyari. Jack is acting so weird.

"Na-naalala ko lang si kuya Morgan. H-he used to call you that." Tinitigan ko lang siya. "Iaabot ko lang tong papers na kailangan mong pirmahan." Sabi ni Jack.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na tinitignan niya si Hero pero iiwas din siya. "Is there something wrong?" I asked him at iniabot ko na sa kanya ang mga papel na tapos ko na pirmahan.

"W-wala. Praning ka." Sabi niya at lumabas na ng opisina ko.

"Bat kaya ganoon iyon. It seems like your presence did something to him." Sabi ko kay hero.

Love me harderWhere stories live. Discover now