Chapter 21

9.4K 99 4
                                    

Hennessy's

"Ayan! Grabe ang galing ko!" Hero said while doing his final touch. Wedding Anniversary ni Mr and Mrs Salazar - Parents ni Herra Salazar and we are invited. Napabuntong hininga ako.

"Di mo naman kailangan bonggahan ang ayos ko at wala namang titingin sa akin doon." Sabi ko sa kanya. Totoo naman iyon at kahit may tumingin pa, wala akong paki alam kasi isa lang ang taong gusto kong tumungin sa akin.

"Sus, chad nanaman." Pang asar niya. Ikinuwento ko na sa kanya ang nangyari noong nakaraang araw between me and chad. Nagulat siya pero wala na siyang nagawa kundi sumupport.

Actually, parang nakulangan ako sa reaksyon ni chad. He kept on saying na I'm only his, that night pero parang hindi ako convince. Parang ang dating sa akin ay pag mamay ari niya ako pero hindi ko siya pag mamay ari.

Maybe i'm just overthinking again.

Ni hindi ko nga alam kung kami. Basta ang sinabi niya lang noong gabing iyon ay "You're mine, Hennessy. Mine alone." Hindi nga ako nakatulog nang gabing iyon kasi paulit ulit iyon sa isipan ko.

See? I have nothing to regret sa pag amin ko sa kanya.

I'm wearing a two piece off shoulder dress na kulay red at heels na kulay black. Nakalugay lang ang buhok ko. Pag sa mga ganitong bagay talaga ay wala akong gana mag ayos. In fact, hero insisted na siya ang mag memake up sa akin. He's going with me and i dont know if jack is coming too.

Hero is wearing suit and tie at naka sampay sa kamay niya ang coat. He look so good at walang duda na madaming babae ang mag kaka gusto sa kanya.

"Shall we?" At inilahad niya ang kamay niya. Nang inangkla ko ang kamay ko sa kanya ay agad siyang rumampa as if he's Catriona Gray. I rolled my eyes as he do the Lava walk.

Nang makarating kami, hero handed me a mask na mata lang naman ang kayang takpan. It's black at puno ito ng gliters. "What is this for?" I raise my left eyebrow.

"Aren't you updated? Ganoon ang theme ng Anniversary nila!" At tinulungan niya akong isuot ang maskara bago pumasok sa loob. He's also wearing a mask na black din pero may mga part iyon na gold ang kulay and it looks elegant.

"That is Alejandro Pontallvar, fiance ni Herra Salazar." Bulong niya sa akin. I saw a man na matangkad at maputi as he's talking to Agapito Salazar - Herra's father.

"Where's Herra?" I asked him. "She ran away, remember? Hindi padin siya nakikita."

Hindi na ako nag salita after niyang sumagot. Pumunta kami sa isang table and i saw Tamara, Kuya Morgan and Jack.

Ang dami ng nangyari pero wala ako sa sarili ko. Kuya Morgan asked me if there is something wrong pero sinabi ko nalang na pagod lang ako. Honestly, may tampo padin ako sa kanya for not helping me help Kuya damon. How can he leave his brother just like that? Masyado siyang takot kay dad. Siya ang panganay kaya siya ang mas may magagawa but he chose not to help.

"Are you okay? Bat ang tahimik mo?" Jack whispered. Tumango lang ako at humilig sa Balikat niya.

"So Hero Montealgre, Are you courting Hennessy?" Tamara asked at siniko niya si Hero ng pabiro.

"I tried but Hindi yata ako pasado kay Ms. Bonneville so we're just friends." Hero answered and he smiled at them awkwardly. Nahalata ko naman na pinipigil ni Jack ang tawa niya.

Ginawa pa talaga akong Cover girl ni Hero. Napailing nalang ako.

I dont know but sobrang nang hihina talaga ako.

Love me harderWhere stories live. Discover now