Chapter 13

15.5K 116 5
                                    

Hennessy's

"Malaking gulo iyon pag nag kataon." Sabi ko kay hero.

Kwinento nya sa akin na Herra Salazar is missing sa kadahilanang ayaw mag pakasal kay Alejandro Pontallvar kaya nag layas ito sa kanila.

"Babagsak ang negosyo ng mga salazar kapag hindi naging isa sila herra at alejandro." Hero said.

Andito kami ngayon sa albany. Pumunta sya dito sa condo ko kasi balak kong hindi pumasok sa office ng dalawang linggo.

"Eh paano na iyan? Hindi sya makakagamit ng credit card kasi ma tatrack kung nasaan sya." Sabi ko. Humigop si hero sa kape nya bago nag salita. "Atleast she's with the girl whom she really love. Ganoon naman iyon eh, kahit pa hindi marangya ang buhay basta kasama mo ang mahal mo." He said.

Siguro ay ganoon talaga kapag nag mahal ka, makakaya mong iwan ang marangyang buhay na nag aantay sa iyo, makasama lang ang pinakamamahal mo.

"Pero last time na nag usap kami ni jack, He said na Herra invited us personally to attend her wedding ." Sabi ko.

"Malamang ay napilit lang iyon ng padre de pamilia." Hero said.

"Eh ikaw ba handa ka iwan tong magandang buhay just to be with someone you love? Kasi ako oo. Kaya ko iwan yung magandang posisyon ko sa opisina para makasama si jack sa oras na matakwil kami pareho." Ngumiti sya ng bahagya. I can feel na nasasaktan sya. Para tuloy may kumurot sa puso ko.

"O-oo naman. Kakayanin ko iyon." Sabi ko at nginitian ko siya.

"Eh kamusta ka namang bruha ka? Hindi ka ba na boboryong dito sa condo mo?" He asked.

"Hindi naman. Lumalabas labas din naman ako no. Binisita ko nga sa mansion si nanay kahapon kasi miss ko na mga luto niya." Napangiti ako ng maalala ko ulit yung kalderetang baka na niluto ni nanay yesterday.

"How about chad? Kamusta na yung loko lokong iyon?" He rolled his eyes. Bakit nya pa naitanong sa akin yon?

"I don't know. Wala akong balita sa kanya." Iyon naman ang totoo. Wala talaga akong alam kung nasaan siya at kung ano ang pinag kaka abalahan niya sa ngayon. I dont even know kung alam niya na na hospital ako nuong nakaraan. It seems like he's not a friend of mine anymore.

"Ahh. Eh diba siya iyong nag papadala sa iyo ng flowers? Nag papadala padin ba siya?" Hero asked. Bat ba ganito ang mga itinatanong niya sa akin?

Napaisip ako sa itinanong niya. Sa totoo lang ay nag bago ang kutob ko na siya ang nag papadala sa akin ng flowers dahil sa mga inakto niya nuong nakaraan.  Malay mo naman ay kaya siya nakita ni Hero na may pinapaabot na bulaklak sa opisina ay dahil may napupusuan siya sa isa sa mga tao namin.

"Hindi siya ang nag papadala ng flowers." Iyon nalang ang nasabi ko.

"What? Akala ko ba ay malinaw na na siya ang secret admirer mo? Di pa ba sapat na nakita ko na nag papa abot siya ng bouqet sa isa sa mga tao ny—"

"Hindi naman sapat na evidence iyon. Hindi lang naman ako ang natatanging babae sa building na iyon. Huwag na lang natin siya pag usapan at sumasakit lang ang ulo ko." Hindi na sya nag pumilit pa at kumain nalang.

Sobrang naguguluhan ako.

Naguguluhan ako kay Augustus. Kung bakit siya pilit na bumabalik sa buhay ko.

Naguguluhan ako kay chad. Kung siya ang nag papadala ng mga bulaklak, bat ganoon ang trato niya sa akin pag mag kasama kami?

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Bakit parang ang laki ng epekto sa akin ni chad?

Love me harderWhere stories live. Discover now