Chapter One

287 10 42
                                    

"Pa, alis na po ako."

I calmly looked at my mother who was silently sitting on her wheelchair. Ang mahaba at maalon nitong buhok ay halos natatakpan na ang mga mata nito. Dahan-dahan ko itong nilapitan at bahagyang nagmano sa kaniya.

"Alis na rin ako, Ma," ngunit gaya ng dati, ay walang imik pa rin ito at hindi ako sinagot.

I smiled sadly, thinking those painful experiences she has been through. If I was in her shoes, I would likely understand what she felt.

"Huwag kang lumampas ng ala-sais ng gabi," my father commanded, "Dumiretso ka kaagad ng uwi at huwag ka ng sumama pa sa mga barkada mong puro walang kwenta ang impluwensya sa'yo."

I bit my lip in disdain. Kinakabahan man ay nagawa ko pa rin ang tumango nang maayos, ni ayaw tangkain ang suwayin ang isa sa mga utos niya.

"Opo, Papa."

I immediately felt the embrace of bitterness within me.

Pero wala akong magagawa. I need to deepen my understanding. Ang laki ng isinakripisyo ng mga magulang ko para sa akin at ang suwayin sila ay ikakokonsensya ko. Mahal na mahal ko silang pareho kaya kahit na anong i-utos nila sa akin ay susundin ko.

I smiled lightly. Knowing my mother's condition, she needs me. She need us as her family. Ayaw ko ng dumagdag pa sa lahat ng sakit sa ulo ni Papa, kahit na ang sa totoo ay matagal na akong salungat at kontra sa mga gusto niyang gawin ko.

Lumabas ako ng bahay saka dinama ang mahinang dampi ng hangin sa aking mukha. It felt like I was free from the moment I stepped out of that house. It feels like I could breathe perfectly without any hindrance.

My life was once filled with rainbows and colorful traces. Naalala ko pa noon ang masasayang nangyari sa buhay ko kung saan maayos pa ang pagsasama nila Papa at Mama. I still remembered their beaming and glinting eyes as they look each other with love.

Until all those memories fade away just like the burning ashes...

I felt a small drop of rain on my head. Mabilis kong inilabas ang payong mula sa bag ko nang makita ang pagdidilim ng buong kalangitan.

Nang maaninag ang university na pinapasukan ko, ay mabilis akong napatakbo sa gate para hindi maabutan ng ulan. Tinanguan ko ang guard bilang pagbati, saka ipinresenta ang I.D. ko sa kanya nang ma-scan ang timecard ko.

Hindi na bago sa'kin ang mala-prestihyosong eskwelahan na pinapasukan ko. Mahal nga ang tuition fee, ngunit laking pasasalamat ko na rin dahil sa nakapasok ako sa scholarship program ng Blakefield University na isa sa mga top performing universities sa buong Asia.

Mala-palasyo ang mga buildings na matatagpuan sa eskwelahan na ito, dahil na rin sa Greek-inspired ang iilang disensyo ng struktura ng school. Kilalang Grecian ang founder ng Blakefield University dahil na rin sa impluwensiya nito sa pagpapatayo ng ilan sa mga kilalang Sororities at Fraternities na siyang nagsimula sa unibersidad na ito.

Mabilis akong nakaalis sa main entrance ng school saka agad na dumiretso sa Senior High Building na siyang nasa kaliwang bahagi ng university kapag ang open field ang pagbabasehan. Nasa sentro kasi ito ng buong school, kaya ito ang madalas na ginagawang compass sakaling may naliligaw man dito sa campus namin.

It was nearly five minutes before our bell rang. On time akong nakapasok ng room kaya wala akong naging problema. Masyadong strict ang mga teachers namin sa oras kaya maagap kami sa tuwing pumapasok. Halos nakaupo na ang lahat ng mga kaklase ko pagkapasok ko pa lang ng room. No one dared to greet me, as I did the same. Wala rin naman akong kaibigan dito dahil na rin sa pinagbabawalan ako ni Papa makipagbarkada kung kani-kanino.

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Där berättelser lever. Upptäck nu