Chapter Five

85 6 12
                                    


Nakahinga ako nang maluwag nang makapasok ng classroom na hindi nakikita ang ni kahit na anino ng Galaxy at Rhythm.

I made it clear with Fall that I was ought to be busy. Minessage ko siya kanina na hindi rin ako makakasabay sa kanila sa lunch at sa pag-uwi. I'm just glad she didn't ask for further questions. Baka mangapa lang ako na masagot ang mga 'yon.

Balak ko rin sanang isauli ang bigay na churros ni Sun sa'kin. I couldn't find myself eating those without being embarassed. Maalala ko lang ang huling message niya na sineen ko lang. I don't have the face to reply to him.

Tumulong ako sa paggawa ng props sa gaganaping play namin dahil after exams, ay doon na gaganapin ang play namin sa Literature. A lot of strands will watch us too dahil sa auditorium gaganapin ang mismong play namin.

"Guys, alam niyo namang nakasalalay 'yong grades natin dito, hindi ba?" Vera was being serious and distress at the same time.

Marami kasi ang absent at hindi umattend ng free period namin ngayon kaya kulang talaga kami sa paggawa pa lang ng props.

"Pasensya na talaga, Pres... chinat ko na rin sila Arnie at Clay, papunta na raw sila..."

Tumango naman si Vera kahit na kunot na ang noo nito.

"Absent daw talaga si Kelsey dahil sa sore throat niya," napapakamot na sabi ni Niel.

"Sore throat? E, ilang araw na 'yon ah? Hindi pa rin ba siya gumagaling?" nagtaas ng kilay si Vera.

"Oo eh, hindi raw naagapan..."

Nang naramdaman ko na mukhang sasabog na talaga sa galit si Vera ay agad ko itong nilapitan at pinakalma.

"Vera," I immediately called her, "It's okay. Marami pa naman tayong oras."

"Oo nga't maraming pa tayong oras kaya nagiging pabaya 'tong mga kaklase natin," she scoffed, natahimik naman ang lahat.

I sighed heavily, "Magpahinga ka muna. Kanina ka pa pabalik-balik at nakatayo..."

Nang hindi sumagot si Vera ay wala akong nagawa kung hindi ang hilahin ito papalabas ng room. Alam ko na hindi mapipigilan ang isang 'to na sumabog sa galit.

"Hay nako, Snow!" she frustratingly said, "Hindi ko na talaga alam ang gagawin!"

Dinala ko si Vera sa Charleston Building para makabili ng pagkain. Alam ko kasi na kumakalma lang ito kapag may naiinom na milktea at nakakain na fries. In short, Vera is weak for foods.

"Eat up," I smiled as I placed the food on our table.

Her eyes immediately twinkled at the sight of her favorite combo.

"Grabe!" kaagad nitong nilantakan ang fries, I silently sipped on my milktea.

I let her ate in peace. I never dared to disturb her. Mga ilang minuto lang ay tumigil na rin ito. Natawa pa ako nang makita ang nakanguso nitong mukha.

I took a bite on the churros I ordered. A familiar feeling suddenly came into my system.

"Okay ka na?" I asked.

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Where stories live. Discover now