Chapter Four

109 7 17
                                    


Malakas akong napabuntong-hininga nang matapos na ang  klase namin sa Culture. Ito na lang kasi ang last subject namin bago ang free period namin ng dalawang oras.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay nagulat na lang ako nang bigla akong nilapitan ni Vera kasama ng mga kaibigan nito.

"Hi, Snow! Gusto mo bang sumama sa'min mag-mall?" malaking ngiti ang nakapaskil sa bibig ni Vera habang inanyayahan ako.

Napatigil ako sa pag-aayos saka siya binalingan nang tingin.

"Pasensya na, may pupuntahan pa kasi ako... "

"Oh, sa music club ba?" biglang lumiwanag ang mga mukha nila ng mga kaibigan niya.

Lito akong napatango dahil doon. Totoo naman na doon ako didiretso kasi inaya ulit ako nina Fall na panoorin sila mag-practice. Isa pa, kumportable ako na magsagot ng mga assignments doon sa practice room nila.

"U-Uh, okay! Ayain ka na lang namin next time," patuloy ni Vera.

"I'll go ahead," it was really odd for them to approach ngunit isinawalang bahala ko iyon at tipid silang nginitian.

"Teka, Snow..." bago pa ako makaalis ay agad akong pinigilan ni Vera.

She suddenly smiled sheepishly.

"Hindi ba ay nagpapa-audition ang Rhythm ng lead vocalist?"

"Oo... bakit mo natanong?" I said.

Her smiled grew bigger.

"I know I was rude to you before... pero sana, can we start over again? Gusto kasi kitang maging kaibigan... "

Hindi ko magawang sumagot kay Vera, dahil simula noon ay bigla na lang siyang bumait sa'kin.

She would often invite me for lunch. Ganoon rin kapag uwian na ay nakikisabay ito sa akin sa sakayan ng jeep. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na may milktea na sa desk ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng classroom after lunch.

"S-Sana magustuhan mo, okinawa flavor 'yan!"

Hindi ko alam kung  tatanggapin ko iyon o hindi dahil sa iilang pakiusap ni Vera ay hindi ko magawang hindian ang mga iyon. Hanggang sa sunod-sunod ako nitong binibigyan ng milktea after lunch time, ay nasanay na rin lang ako.

Ni hindi ko kailanman inisip na magkakasundo kami nitong si Vera. Although I find her moves very disturbing, sa huli ay naintindihan ko rin naman siya nang makilala siya nang lubusan. I misinterpreted her and she's the same to me, and that led to us being friends. For real.

"—you had a reputation since first week of classes. Ang suplada mo raw at hindi ka namamansin. Kailangan, uunahan ka pang kausapin bago mamansin, tapos hindi ka ganoon ka active sa mga group works kaya maraming naiinis sa'yo."

Vera chuckled as if she was reminded of something.

"Though I admit, isa ako sa mga nairita sa'yo kahit hindi kita ganoon pa kakilala. Matalas ka rin kasing tumitig, e! Lalo na n'ong nanalo ako bilang president ng section natin akala ko hindi ka masaya noon... ikaw lang kasi naka-poker face sa lahat ng mga kaklase natin!"

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα