Chapter Three

134 7 17
                                    


"Hey,"

Nagulat ako nang makita ko si Jupiter sa labas ng classroom ko. Napalingon pa nga ang ibang mga kaklase ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo rito?" I eyed him curiously. Hanggang ngayon tabingi ang necktie at hindi maayos ang uniporme nito. Bahagya iyong nakalukot at talagang nakakabother tignan.

Hindi talaga halata na presidente ito ng frat.

"Sama ka sa'min mag-lunch," yaya nito.

"'Di talaga kayo nagsasawang ayain ako 'no?" hindi ko namalayang nakangiti na rin ako. He also smiled.

Like what he always do, he quickly took my things, holding it for me. Sa halos isang buwan ko ba naman sila nakilala ay nasanay na rin ako sa ganitong pakikitungo sa akin ni Jupiter.

He is really kind and caring when it comes to someone close to him.

Lihim akong napangiti dahil doon.

"You're like a sister to me, 'di talaga ako magsasawa."

And just like that, my smile immediately faded.

Right...

I pursed my lips before nodding silently.

Mabilis kaming nakarating ng music room. Pagkabukas pa lang ng pintuan ay halos matumba na ako dahil sa biglaang pagyakap sa akin ni Fall.

"Nyebe!" she squealed, "Buti naman 'di ka na busy!"

I chuckled a bit as I hugged her back, "Kakatapos lang ng exams, I'm sorry natambakan lang."

I smiled at the rest of the people in the room. Ngunit napatigil ako nang makita si Summer.

Jupiter's fiancée.

Kung minsan lang kasi siya nakikisabay mag-lunch sa'min dahil busy ito sa hinahawakang sorority. Well, their sisterhood is known for their legacies. Halos lahat ng alumni ng Alpha Kappa Psi ay naging successful o di kaya mga kilalang tao dito sa bansa.

Summer just stared at me before nodding. Kaagad ko namang sinuklian iyon ng tipid na ngiti.

"Namiss ko rin pagiging malamig ni Nyebe," naramdaman ko na lang ang kamay ni Clauddeus mula sa balikat ko.

Kahit anong gusto kong makasali sa kanila ay inuunahan ako ng takot.

Sa higit na isang buwan na pagkakilala ko sa kanila ay inuunahan na agad ako ng pangamba sakaling malaman ni Papa ang tungkol sa kanila.

Ayaw na ayaw kasi nitong nakikipagbarkada ako at baka mawalan lang ako ng focus sa pag-aaral.

But he's wrong. Sa tuwing may nahihirapan akong mga subjects ay nandiyan sila para tulungan ako. Fall, Summer and Cloud are in the ABM strand, while Orion and Jupiter are in the STEM strand. Ako lang yata ang nahiwalay sa HUMSS.

Well except for one.

"Sun!"

Speaking of.

Kakapasok niya pa lang dito sa leisure room ng music club kasama si Orion na siyang mga kaibigan rin ni Jupiter. Itong music club ang madalas nilang naging tambayan kapag free period.

Maybe it was normal in your circle of friends to have a single person you're not close to be with. Nagkakasama lang talaga kayo dahil sa iisang grupo ng mga magkakaibigan kayo nabe-belong.

And that person for me is Sun.

He rarely talks, yet he was the president of the music club. Kagaya nitong banda ng Rhythm, which composes of Summer, and Fall, saka 'yong banda ng Galaxy which is Cloud, Orion, Jupiter and him.

Tears Of Melody (To Love Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon