Chapter 1

80 0 0
                                    

Present...

Amry POV

Panay ingay ng alarm clock ko. Kaya nung nakita ko ang oras sa alarm clock ko ay dali dali na ako bumangon. Dahil 7am na at may start ng class ko ay 8am. Dali dali ako naligo mga around 15 minutes at magbihis.

Pagkatapos ng routine ko. Lumabas na ako ng kuwarto at dali dali ako bumaba sa hagdan at agad ko nakasalubong si mama na may dalang pagkain na nasa tray. Si papa naman busy sa pagbabasa ng diyaryo. Agad akong nagsabi nang "Good morning ma, pa." Sabay beso ko sa kanila habang pasimpleng kinuha ko yung isang slice ng tinapay, nang biglang nagsalita si mama at sabay sabing : "Nak, di ka na ba magbe breakfast?"

At sabay reply ko sa kanyanm na "Naku! Ma, di na po. Sige na ma nagmamadali po ako dahil may klase pa po ako around 8am ma. Bye ma, I love you... hmmm. Mwuah. :) "  Sabay beso ko at hindi ko na din hinhintay yung reply nila dahil iniisip ko ng mga oras na to na late nanaman ako pag pinatagal ko pa. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa parking area ng aming bahay na kung saan andoon yung bisikleta ko. At nagmadaling lumabas.

Nang lumabas na ako para pumunta ng school ay nakita ko ang childhood bestfriend / childhood crush ko na si fujio, na paalis na din para pumasok. 
Agad kong binati si fujio; "Good morning Gio Akiro-san, papunta ka na din ba ng school? Tara sabay na tayo! Kung okay lang?" Sabay ngiti ko.

Nung mga oras na yun slow motion mo nalang makikita ang dimples na lumubog at ngumiti na nakapikit. Ang cute niya ang sarap pisilin. At sabay sabi; "Sige... Tara" at ayun, yun na nga ang nangyari. At sabay gulo niya sa bangs ko. At umalis na para pumunta ng school.

Actually 5-10 minutes, andun ka na sa school, di naman siya mahirap na sakyan ng metro bus at bisikleta.

Nga pala, di pa po ako nagpapakilala. Ako si Amry Chen, 16 years old at kasalukuyan na 4th year highschool student. At kasalukuyan na nagbibisikleta kasama ang childhood bestfriend ko slash childhood crush kong si Gio.

Paano ko ba naging crush si Gio, ewan ko ba nagsimula nalang yun nung tumugtog siya ng piano nung bata pa kami. At doon din nagsimula na nagka gusto ako sa kanya. Nung nag shake hands kami nagkaroon na parang kuryente. Oo guys kuryente na umiibig ka hindi yung literal na kuryente. Charot.

Simula nung pagkabata palang namin siya na yung shoulder to cry on. Sa tuwing sermon sa akin nina papa at mama. Tagapagligtas ko tuwing nasasangkot ako sa gulo. At palaging nagtuturo sa akin sa subject ng mathematics dahil yun ang hate kong subject.

Sa ibang subjects naman wala naman akong problema, sadyang takaw ako sa gulo dahil sa may mga grupo na nangbubully sa labas ang nagpapainit ng temper ko. Medyo patitibo tibo ako kumilos pero pag sa away pag alam kong dehado ako. Isang tawag ko kay Gio. Pupunta nalang at ililigtas ka nalang sa mga sangkot away na palpak palagi. Nanenermon din itong crush ko minsan pero pag alam niyang nakapout na ako sabay gulo nalang yan sa buhok ko at kurot sa pisngi.

Magkapit bahay kami ni Gio, kaya kung tutuusin. Kaklase ko na siya since grade 1 up to highschool. Siya din yung top 1 sa klase at siya ang crush ng bayan ng buong campus. Ngayong fourth year at nasa senior na kaming dalawa. For sure maghihiwalay na kami. At yun ang pinaka tatakutan ko. Dahil kukunin na siya ng nanay niya sa Canada para mag doctor. At habang ako naman di pa naman pinag uusapan nina mama at papa kung saan ako mag aaral at kung anong course ang kukunin ko.

Di na namalayan ang oras ay dumating na kami sa campus. Pagka park ng mga bisikleta namin ay nagmamadaling umakyat na kami dahil 10 minutes left nalang ay start na ng klase.

Agad ako tumabi sa bestfriend ko si Cloe ang medyo boyish ang pag asta sa akin. Alam ko crush niya si Doctor Dwayne ang campus physician namin. At binati ko siya with matching signature BFF gesture. At sabay sabi; "Amry good morning, buti naka abot ka pa, kundi manenermon nanamN si Mr. Lao dahil parati kang late sa subject niya sa mathematics. Hahahahahaha...."

"Oo nga kaya nagmadali ako mag bike dito kundi di na ako makakagraduate dahil sa kaasar na subject na ito. Sabay pout. :3

"Akalain mo nga naman may napansin ako sa inyo ni Gio, mukhang magkasabay kayo ng love of life mo ngayon ahh!!" Puna ni Cloe. At take note pabulong pa.

Agad kong hinapas si Cloe na sabay napasabi ng isang malakas na "Aray!!!" 

Kaya napatingin ang iba namin kaklase. Sa amin dalawa. At sabay nag peace. At bumulong ulit si Cloe; "Besh, mshakit. I hate you na. Bakit barmumbado mo sa akin besh."

"Haynako besh, parehas lang tayong barumbado. Mas siga kalang kesa sa akin!!"

"Hahahaha.... oo na besh. Palagi ka kasi nililigtas ng bestfriend mo eh." Sabay nguso niya kay Gio.

Habang nagkukwentuhan kami, tahimik nalang kami, dahil dumating na si Mr. Lao at sabay nagdiscuss na ng lesson.

At dahil doon sa lesson. Pinilit ko nalang makinig kahit yung tingin ko ay na kay Gio. Seryoso at tuloy tuloy ang take down notes regarding sa topic ngayong araw.

Hay math sana naman saniban mo ko ng I get to know na sir. Haays.

After 2 hours ng klase linapitan ako ni Stephen. Isa din sa mga matalik kong kaibigan at di niyo alam na may secret kami ni Stephen. Siya lang naman ang may crush kay Cloe dahil sa pagiging maangas nga naman ni Cloe. Parehas kaming hate namin ang math kaya ako kukulitin nun dahil nakakakuha nga lang ako ng medyo good score pag exam sa tulong ni Gio.

Dear My Childhood Crush Where stories live. Discover now