Chapter 2

55 1 0
                                    

Amry POV

Panay ang pangungulit ni Stephen sa akin na kumopya sa akin sa Math. Haist.. kundi ko lang talaga to kaibigan. Malamang binalibag ko na ito eh.

"Kapag hindi ka pa tumigil, huwag na huwag kang magpapatulong sa akin na ligawan si Cloe ahh..." Bulong ko sa kanya pero hindi pa rin pala effective yun. Sabay sabi niya "Talaga lang ahh, puwes pwede ko rin sabihin kay gio na matagal mo na siyang crush. At least pag di mo ko tinulungan edi quites na tayo.

Napalingon nalang ako sa kanya ng may halong death glare. Kaya napalunok nalang to at tumigil sa pang aasar. Natakot ata. Kaya nagdecide nalang ako mag refill ng tubig sa may fountain area.

Oo matagal na nila alam na may gusto ako kay Gio. Pero dahil bestfriend ang turing niya sa akin. Mas pinili ko nalang itago ang feelings ko sa kanya. Dahil ayoko rin namang masira ang pagkakaibigan namin ni Gio na for almost 11 -12 years to be exact.

Alam kong may tamang panahon na sasabihin ko sa kanya na gusto ko siya. Pero sana nga gusto din niya ako. Sana... sana...

-----

Fujio / Gio's POV

(Eto na guys may POV na finally si Gio... let's see his side naman... xiexie enjoy ~Author)

Hello guys, ako nga pala si Fujio Akiro Jiang, kababata ko ang matalik ko na kaibigan na matagal ko na gusto ngunit natotorpe ako na si Amry, bata palang nung nakita ko siya sa may gilid na nanonood ng nagpipiano kami ay nakaramdam ako na na love at first sight ka. Napagtanto ko na lamang lalo ito simula nung nasa first year kami na crush ko siya.

Masasabi ko na lamang na kakaiba siyang babae, astig, mahilig sa kaguluhan pero always to the rescue ako pag napapatrouble siya kasama ang isa ko pang kaibigan at bestfriend ni Amry na si Cloe.

Kahit na mahina siya sa math at bubulabugin niya pa ang bahay namin para magpaturo ay handa ako turuan siya. Alam kong hate niya ang math kaya after class pag may assignment, ituturo ko nalang para mag gets niya.

Kasalukuyan ay graduating students kami ni Amry, gusto ko na umamin pero di ko pa din magawa. Kaya hanggang tap to head nalang ang ginagawa ko para sa gayon kahit na natotorpe ako eh maiparamdam ko na mahal ko siya.

Nagpaplano na sila mama at papa na sumunod ako sa akin kuya Ken na nag aaral sa abroad at grumaduate ng engineering pero ako. Gusto ko makasama ang kababata ko na minahal ko pa noon pa.

Alam kong takot siyang masira ang pagkakaibigan namin kaya di ko muna ginawa na ligawan siya. Kaya hihintayin ko ang tamang panahon na maging kami. Dahil siya ang pinapangarap ko makasama habang buhay, mamahalin at ituturing kong prinsesa.

Amry POV

Dahil sa panay pampablack mail ni Stephen sa akin ayun tinulungan ko siya sa math at ibigay ang love letter na para kay Chloe. Ang usapan kasi namin ganito kasi magpapanggap ako na may nag abot kay ng letter sa akin at di ko sasabihin na galing kay stephen kundi sa isang secret admirer with matching pa flowers pa si mayor.

Ako kaya, kailan kaya ako bibigyan ni Gio. Haay, bulong ng isip ko.

Habang nagmumuni dala dala yung pina abot ni Stephen sa akin may humarang na dalawang panget na asungot sa harapan ko na kinataasan ng kilay ko. Ang totoo niyan kasi nasa labas ako ng campus at breaktime naman kaya pupwede na lumabas.

Syempre ako pa ba galawang boyish ala naruto shipudden to ano. Nung tinitigan ko ang dalawang ulupong na ito. Nagsalita yung isa sa dalawang ulupong na nasa harap ko. "Miss, alam ko taga diyan ka sa university na yan, pwede bang makahiram ng pera kasi may dalang kang flowers eh."

Sa isip isip ko. Ano yun mukha ba akong ATM machine para hiraman niyo ko ng pera; " At bakit ko naman kayo pahihiraman ng pera, Ano ba ako ATM machine?" Pataray na sagot ko sa kanila. At feeling ko nangangamoy away na. Nagsalita ulit ako
"Kung may problema kayo sa isang tabi tayo wag dito sa exposed area maghanap ng gulo!!! Dahil ayokong mahuli ni Dean Zhang!"

Umalis ang dalawa at ngbanta na aabatan ako. Tss agad ako nagmadali para pumunta sa classroom at iniabot ko sa katabi kong bestfriend si Chloe at nagulat na bad vibes ang lola mo.

"Bessy, bakit parang ang sama ng aura natin ngayon, ano may nakasalubong ka bang kaaway?" Tanong ni Chloe. Bumutong hininga nalang ako, dahilan nalang na napansin nina Gio, Chloe at Stephen. Kilalang kilala nila kapag ganun na ako. Na masama ang aura at di bumubutong hininga nalang.

Chloe..., mag ready ka mamaya reresbakan na natin yun mga nasa labas after class." Sabi ko. Kaya tumayo muna ako para magrefill ng tubig sa drinking fountain area. Habang kumukuha ako ng tubig nagulat nalang ako na nasa tabi ko na si Gio, at may binulong sa akin.

Alam na alam ko na kapag ganito na ako. Lalapitan na niya ako. " Amry, may problema, sabihin mo sa akin? At wag mo nang ituloy ang pakikipag away mo Amry. Makinig ka sa akin bilang bestfriend mo."

Pag naririnig ko yung bestfriend. Parang winawasak yung puso ko. Di ko lang masabi na gusto kita Gio. Dahil alam kong best friend nga lang naman niya ako. Nag nod nalang ako at pilit ngumiti pero deep inside masakit eh.

Ginulo niya ang buhok ko at nagpaalam na aalis. Sinabihan niya din ako na magkasabay kaming uuwi. Nag nod nalang ako para matapos na.

Pagka alis lang ni Gio ay agad din ako nagbuntong hininga. Dahil masakit kaya marinig na best friend ko siya. After nun nag decide ako bumalik na ng classroom dahil magkakaroon na ng klase.

Nung mga oras na yun, di ko maintindihan ang lessons namin. Hanggang sa uwian na. Inayos ko na ang mga gamit ko nang bigla nalang akong akbayan ni Chloe.

"Bessy, ano tara sugurin na natin yung nanghahamon na yun? Ano tara na nangigilgil ako sa kanila eh" sabi ni Chloe. Tumayo na ako kasama si Chloe na naka akbay sa akin nang bigla nalang...

Pinigilan ako ng Gio at sabay nagsabi; "Chloe, hayaan niyo nalang yung mga umaway kay Amry, at isa pa uuwi na kami ng sabay na kami uuwi, di ba Amry?" Tahimik ako at di ako tumingin sa kanila. Di rin ako nagsabi ng oo. Dahil nga nasasaktan ako sa sinabi ni Gio.

Hanggang sa isang nakakabaliw na desisyon ang ginawa ko at isinagot ko kay Gio. Panahon na rin siguro na kalimutan ko na ang tinatago kong feelings sa kanya. " Gio, mauna ka na may pupuntahan pa kami ni Chloe, sige na Chloe tara na." Hinila ko na si Chloe para makahinga na ako sa feeling na masikip yung commotion sa room.

Mas pinili ko na rumesbak kesa makinig kay Gio, dahil nasasaktan talaga ako nun nung mga oras na yun. Na bestfriend nalang ang turing sayo.

~ to be continue

Dear My Childhood Crush Where stories live. Discover now