Chapter 5

28 0 0
                                    

Amry POV

Ang bilis ng panahon, at kasalukuyan na kami kumukuha na ng prelim exam. Todo review ako ngayon sa mga subjects. Except lang sa Math. Pero joke lang, nagpapaturo nalang ako kay Gio. Siya kasi yung mathematician na kilala ko talaga eh.

Simula nung weekend, palagi na ako sa bahay nila, timuturo ang lahat ng concepts sa math na talaga naman ikinalabo sa tuwing discussions. Di mo rin  mamamalayan na mabilis ang ilang months na naging kaklase ko din at naging matalik na kaibigan si Marco.

Napapansin ko na concern siya sa akin. Parati. Nakakailang mag isip isip na kung anu - ano. Pero ako di ko na bibigyan ng meaning siguro yun. Friends lang naman kami ii. Sa kakaisip ko di ko namalayan na tinatawag ako ni Gio.

Luminga ako paharap sa kanya at ngumiti. Pero nung nasa isip ko bakit lalo siya nagiging handsome, yung dimples niya na nakaka kabog ng dibdib. At yung the way na lumalakad siya parang slow motion na pinapakabog yung dibdib mo ng wakas. Oo guys tulala ako ng mga oras na yun. Halos malaglag ang panga ko. Ay mali panty ko pero joke lang.

Di ko namalyan na lumapit siya sa akin at kinurot nalang ang pisngi at ilong ko at tinap ang ulo. Bumalik nalang ako sa huwisyo na magsalita siya; " Amry, okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka jan?"

Umayos ako at nag pretend na walang nangyari. Nakakahiya ang epic ng itsura ko. Kino compose ko ang sarili ko at nag ala tomboyish ako kumilos. Nagsalita ako pero parang napipiyok. " ahh... o... okay lang..! Eherm.. Ano tara na? Pasok na tayo may exams pa tayo Fujio.. tara na malelate na tayo"

Naglakad na kaming dalawa at patay malisya lamang ako sa nangyari kaganina. Nakakainis lang dahil itong puso ko ayaw tumigil. Gusto ko sana maging patay malisya nalang ako sa nangyari. Haay bakit ba kasi hanggang ngayon nag bu blush pa din ako. Ano ba.. (-///-)

Nang makarating kami sa classroom dalawa eh binati ako ng tatlong avengers ay mali mga friends namin ni Gio. Pero ang mas nakakaasar eh yun pang aasar ni Chloe; "Ui, Amry, may napansin akong kakaiba. Bakit ang pula ng pisngi mo nung magkasabay kayo ng Gio? Teka.. share naman ng ganap jan" - si Chloe

"Ahh.. ito ba. Mainit kasi sa labas kaya namumula.. teka wag mo na nga to pansinin. Magreview nalang tayo.."  -Ako

Ngumiti ng pagkawagas wagas itong si Chloe at hindi tumigil kakaasar sa akin. Habang nag aasaran. Nagulat nalang ako nang bigyan ako ni Marco ng isang chocolate na kinatataka ko at nagpatigil kay Chloe kakatukso sa akin. At tumahimik at pawang nakatingin lang din sa isang supot ng puro chocolates.

Agad nagsalita si Marco at sabay nagsabi ng "Master, para sayo yan lahat, nakakaganda at nakakarelax yang chocolates lalo na sa exam."  Kaya tinanggap ko iyon at nagpasalamat nalang kay Marco. Pero sa di inaasahang pagkakataon nakita ko ang reaksyon ng taong pinakamamahal kong si Gio. Poker face siyang pumasok sa loob pagkatapos na mag refill ng tubig at masama ang tingin niya sa chocolates na bigay ni Marco.

Ibinalik ko nalang ang tuon ko sa chocolates na bigay ni Marco at napapa isip na baka gusto ni Gio. Pero bumalik ako sa realidad nang bigla nalang siya nagdabog. Tama ba naman isabay ihampas sa seat table niya yung tumbler niya. Tss kahit kailan baliw din tong si Gio eh. Kaya lahat ng mga kaklase namin nagulat at napatingin sa kanya.

Matapos nun ay saktong dumating ang unang prof namin na ipagtataken namin ng exams. Nagbigay siya ng instructions at inabot na by rows ang test papers. At binigyan kami ng 1 hr para sagutan na ang exam.

Medyo madugo din pero sa tingin ko makakapasa ako. Kasi todo review ako sa mga subjects last weekend hanggang sa kaganina nagising ako ng 3:30 am para magreview.

After 987654321 decades natapos din ako at nagkataon na sabay kami nagpasa ni Gio ng papel sa exam. Pero binalewala niya ako. Luh... anyare doon. Nagalit ba siya sa chocolates na bigay ni Marco. Sabi ng utak ko.

Tamang tama naman na tumunog ang bell at nagulat nalang ako na nawala na siya at alam kong pupunta yun sa Eco Park para tumambay. Siguro doon ko nalang siya hahanapin at kakausapin kung bakit siya tinopak.

Nang makarating na ako sa Eco Park para hanapin siya wala naman ni anino ni Gio doon. Kaya naisip ko baka nasa library siya or kaya nasa cafeteria at kumakain.

Pero agad din nag ring ang bell at hudyat na din na tapos na ang breaktime. Kaya nagdecide nalang ako na bumalik sa classroom. Nang makarating ako sa classroom, ay agad ko nakita si Gio na ni longon ay ni hindi niya magawa. Hanggang ngayon pa ba ay galit sa akin to. Haays. Kaya naisipan ko na lamang bumalik nalang sa upuan ko para magreview ulit at ituon ko muli ang aking isipan sa exams. Siguro palilipasin ko muna to.

Gio's POV

Nung nakita ko na binibigyan ng chocolates si Amry, parang naasar ako sa Marco na yun, di ko alam kung bakit ganoon. Feeling ko may gusto siya kay Amry. Lalaki rin ako, kaya alam ko na ang galawan na ganyan yubg pagsinta pururot niya kay Amry. Pero bilang bestfriend niya, di ko hawak ang desisyon niya, kahit na gusto ko siya di pupwede kasi hanggang doon nalang na bestfriend kami.

Pero gusto kong aminin ang nararamdaman ko. Matagal ko na to kinikimkim eh. Kaso natotorpe ako. Sa sobrang asar ko napatabog nalang ako dahil sa nakita kong eksena kaganina. Kaya ang ginawa ko nalang idinaan ko na sa pagfofocus sa pag sagot ng exam.

Habang nasa examination duration kami, nawawaglit sa isipan ko ang nakita ko kaganina. Haist.., hanggang ngayon pa ba napapaisip pa din ako doon. Kaya kahit anong pagwawaglit pa yan ay binalewala ko. Pinilit ko magfocus dahil sa gusto ko pumasa.

Natapos ang examination, at papunta na ako kay teacher para iabot ang test papers ko. At saktong nagpasa rin si Amry. Kaya ang nangyari ay sabay kami nag abot. Kaya lang nauna lang tinanggap ni teacher ang test paper ko kesa kay Amry at nakita kong tulala pa siya na nakita ako. Pero parang hindi eh, parang nagulat.

Nang tinawag ni maam ang atensyon ni Amry ay gumawa na ako ng moves para iwasan muna si Amry dahil sa nayayamot ako sa nangyaring eksena kaganina. Di ko alam kung nagseselos pa ba ako?

Sa pagmamadali ko nakita ko si Stephen at nagpasama sa eco park. Sa favorite na tamabayan ko. At kino consult ko ang tungkol sa nangyari.

"Pre... may problema ba. Bat ang lalim yata ng iniisip mo?" - stephen

"Stephen, sa tingin mo ba pag may nakita kang eksena na pinopormahan yung babaeng matagal mong gusto ng iba, ano ba yung nagiging reaksyon mo?" -ako

"Uhm... Malamang magseselos, lalo na pag may nagtaka kay Chloe ko.. hmmp" - Stephen

Napaisip ako sa sinabi ni Stephen tungkol sa pagseselos pero binalewala ko at nag poker face. Pero nagulat ako sa sunod na sinabi ni Stephen;

" Pre.., umamin ka nga! Nagseselos ka ba dahil pinopormahan yung bestfriend mong si Amry?" -Stephen

Saktong umiinom ako ng juice nun at nasamid ako sa sinabi ni Stephen. Na kinagulat ko.

"Grabe ka naman pre... ingat ka naman. Nasamid ka masyado sa tanong eh. Hahahaha" - Stephen

"Ehem..  ehem... ehem... Ano ba naman yung sinasabi mo jan.. okay ka lang ba? Bestfriend ko lang si Amry" -Ako

"Teka... teka.. bat ka defensive. Alam kong mag best friend kayo ni Amry. Umamin ka nga may gusto ka ba sa kanya!?"

Para iwasan ko ang tanong niya, tumayo nalang ako at umalis para bumalik sa classroom. At magfofocus para makapag review. Sinundan naman ako ni Stephen na nangungulit sa kakatanong. Binalewala ko nalang pero napaisip ako sa salitang "Selos". Kaya pinilit ko nalang ulit I focus ang sarili ko sa pagrereview.

- to be continue

Author's note;

So ayun na guys.. una sa lahat sorry, kung now lang makakapag update si author. Sobra pong busy ii. At nagiisip pa po ng concept for the story. By the way sa tingin niyo ba nagseselos na ba si Gio? Bakit nga ba siya natotorpe? Well let's see.

Please vote xiexie..

Dear My Childhood Crush Donde viven las historias. Descúbrelo ahora